Bakasyon ngayon kaya eto ako namamasukan bilang kargador ng mga palay sa pamilya ferrer, kasama ng ibang mga taga dito din sa lugar namin. Saktong sakto ang pasok ng bakasyon ko upang kahit paano ay makapag ipon ako para sa susunod na pasukan. Oyy Axel break na daw muna sabi ng katrabaho ko, tanghaling tapat na oras na ng break namin. pumunta kami sa may kubo kong saan kami kumakain ng mga kasamahan ko, ng maabutan namin doon ang nanay ko na may dalang pagkain para sa akin.
Ohhh inay nag abala kapa mag dala ng pagkain ko eh nag baon naman po ako sabi ko kay nanay. Ano kaba anak ayos lang yon nag luto kasi ako ng paborito mong adobo kaya dumaan na ako dito, bago ako pumuntang bayan para mamili ng mga gulay doon. Nako Nay bakit kayo lang po dapat ay isinama nyu si ate bella para may katulong kayo sa mga bibilhin nyu. Nako okay lang yon anak kasi may ginagawa si bella para daw sa pag apply nya ng trabaho. ohh siya sige na dinaan ko lang talaga sayo tong pagkain para makakain kana. Pagkaalis ni nanay ay nag simula na din kaming kumain ng mga kasamahan ko.
OYY pree axel alam mo ba umuwe daw ngayon si maiden ahh sabi ni jake, na siyang nag pasok sakin dito. At alam mo daw pree may boyfriend na daw si maiden sabi sakin ng kapatid ko, at ang gwapo daw preee tisoy na tisoy daw.Nako jake tigilan mo nga yang si axel at alam mo namang kahit kailan ay di naman yan nagustuhan ni maiden kasi sa subrang pagkamahiyain ehh umalis lang noon na di masabi ang nararamdaman kay maiden HAHAHAHAHAH. Hindi ko nalang pinansin ang mga kasamahan ko at pinagpatuloy ang pagkain ko hanggang sa matapos ako.
Sa kalagitnaan ng pag bubuhat namin ng mga sako sakong palay ang sya namang pag dating nila aling merna ang kasambahay ng pamilya ferrer , may dala dala itong meryenda para sa amin, kasama neto si maiden na nakabusangot ang mukha na tila hindi gusto ang pagpunta dito sa palayan. Oyyy halika muna kayo dito at mag meryenda muna kayo, mag pahinga muna kayo saglit at mag palamig dahil sa subrang init nakabilad kayo dyan sa may arawan, ng sabi ni aling merna. Lumapit naman kami nila jake doon upang makakuha kami ng pagkain. Oyyy pree si maiden oh turo ni jake kay maiden na nakaupo doon sa may kubo at halatang inis na inis na dahil may mga putik na ang sout netong damit. Hayaan mo yan halika na doon kay aling merna para makakuha na tayo pagkain sabi ko nalang kay jake. Oyyy axel ikaw pala iho kailan ka pa dumating dito sa atin? akala ko ba ayy nasa maynila ka sabi neto sakin habang inaabot ang sandwitch at ang juice sakin. Ng nakaraang araw lang po aling merna, tugon ko dito, ayy talaga ba si maiden din ay ng nakaraan lang din dumating dito hindi ba kayo nag sabay tanong neto? Sasagot na sana ako ng biglang sumigaw si maiden sa may kubo. AHHHHHH AHHHH AHAS AHAS, dali dali kaming pumunta kay maiden na nag sisigaw , ahaass tulong tulong may ahas, patayin nyu yan AHHHHHHHHH sigaw neto, dali dali akong kumuha ng bato at ibinato doon sa ahas at tumalsik idto sa may damuhan. Dali daling umalis si maiden sa may kubo at nag sisigaw , yaya sabi ko kasi sayo ayokoo pumunta dito ehh!!! .tignan mo ang nangyare muntik na ako matuklaw ng ahas ARRRGHHHH!!! galit na gallit na sigaw neto kay aling merna.Hindi man lang neto tinapunan ng tingin si axel at dire diretso itong umalis papunta kay aling merna na galit n galit. Halika na yaya umalis na tayo dito ang init init dito, tapos ang babaho ng mga nag tatrabaho dito amoy araw.Tila napahiya naman sina axel at ang mga kasamahan neto sa sinabi ni maiden sa harapan nila. Ng makaalis na sila aling merna ay tyaka naman nag salita si jake, alam mo ang sama talaga ng uagali nyang si maiden no preee ewan ko ba bakit nagustuhan mo yan ehh grabe naman ang sama ng ugali sa ibang tao. Hayaan mo na pree sabi ko, ganun talaga kapag mayayaman at mapepera tingin sa ating mga mahihirap ay isang mga mababang uri.
Tinapos namin ang mga gawain namin ng araw na iyon at nag kanya kanya ng uwe.pagkadating ko ng bahay ay natanaw kuna si nanay sa harap ng bahay na nag didilig ng mga halaman , nag mano ako sa kanya at pumasok sa lob upang maligo. Axel? tawag sakin ni ate bella, kaya lumabas ako sa bahay dahil nasa labas sya kasama ni nanay, bakit ate? may inabot si ate saking sobre, dumating yan kanina dito sa bahay baka galing sa school nyu yan. Sge salamat ate , sabi ko dito, pumasok na ako ng sa loob at nilapag ko muna sa mesa yong sobre, dahil mag luluto pa ako ng hapunan namin nina Nanay.
YOU ARE READING
Sibuyana's Girl Series
Romance''two knights fought to win the hand of a fair maiden'' who will she choose? who among the knight gonna win to enter the heart of an Brat and spoiled maiden.