I squinted because the rays of the sun is hitting my face. Itinaas ko ang kamay ko para harangan iyon, nasa gilid ko naman si Greg na nag uunat ng braso.
"Welcome to Ignacia!" Malakas na sigaw ni Zeke habang nakataas ang dalawang kamay at parang baliw na nakangiti.
"Kairi, we're here" mahinang tapik naman ni Seb sa pisnge ni Kairi na nasa loob pa rin ng sasakyan. Iminulat ni Kairi ang mga mata niya at inilibot ang paningin sa amin maging sa paligid.
We arrived in Ignacia at almost 8am, sa kasalukuyan ay kila Kairi muna kami tutuloy. Inaayos pa nila Mama ang bahay namin rito, kagaya ng sa iba naming pinsan maliban kay Kairi dahil may bahay talaga sila rito. Ang bahay naman ni Lola ay may tatlumpong minuto pa ang layo mula rito sa centro ng bayan ng Ignacia.
Ibinagsak ko ang katawan ko sa malambot na kama katabi si Francine. Nakakapagod ang halos anim na oras na byahe papunta rito. Sila Seb at Zeke ay paniguradong sa kwarto ni Kairi magpapahinga, makapal naman ang mukha ng dalawang iyon.
"Labas tayo bukas para makapaglibot!" Masayang sambit ni Zeke habang tinitingnan ang mga pagkaing nasa hapag.
"Ano meron?" Tanong ko, kinukusot ang mata dahil inaantok pa rin ako.
"may banda bukas, nood tayo!" Tumango tango na lamang ako bilang pagsang ayon, makulit tong si Zeke at hindi kami nito titigilan.
"Alam mo kasi tol, sa akin talaga nakatingin yung babae, hindi sa'yo" mahinang bulong ni Greg kay Zeke, nandito kami sa plaza, kagaya ng sinabi ni Zeke kahapon, manonod kami ng mini concert. May ilang dumayo raw rito galing sa karatig na mga bayan.
Ignacia, isang simpleng bayan. Lagi naman kami nandito tuwing December pag nagbabaksyon pero ngayon lang kami nakapasyal na buwan ng Mayo at maraming taong dumadayo dahil sa okasyong ngayon rito.
"Kapal mo naman, ano ka gwapo?" Singhal naman ni Zeke kay Greg. Napairap ako sakanila. Pareho naman silang assuming.
"Matagal pa ba magsisimula?" Tanong ko kay Kairi na panay kurot sa pisnge ni Sebastian.
"Ewan ko Gracey, magkakasama tayo pano ko malalaman?" Natatawang sagot sa akin ng pilosopong babaeng ito.
"Francine, samahan mo ko mag cr." Baling ko naman sa katabi ko na kumakain lang ng dala dala niyang salted peanut.
"Hintayin kita rito sa labas, Grace" tumango na lamang ako kay Francine at pumasok na sa loob, may dalawang cubicles roon at ang isa ay sarado. Napakunot ang noo ko ng makita kong gumagalaw ang dingding na pumapagitan sa cubicle ko at sa katabi ko.
"Miss okay ka lang?" Nag aalalang tanong ko. Baka kasi nahimatay na pala ang nasa loob non.
"Shhhh" rinig ko ang mahinang boses na iyon. "Ahhh, o-okay lang ako, natapilok lang ako hihi" sagot sa akin ng babae sa kabilang cubicle.
"Okay" tipid kong sagot saka lumabas para maghugas ng kamay.
"Dahan dahan lang" mahinang boses ulit na sabi ng babae sa loob ng cubicle, siguro may kausap siya sa cellphone. Ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon at lumabas na mula roon.
"Francine, tara na" aya ko sa pinsan kong naka tingin sa stage.
"Nasaan na ba? Sabi niyo dumating na?" Inis na sabi ng lalaking nadaanan namin, pare pareho sila ng damit na suot.
Nakabalik na kami at may kumakanta ng babae. Maganda naman ang boses pagkatapos niya ay umakyat na ang ilang lalaki sa stage, may hawak na gitara ang isa, ang isa naman ay nasa drums, ang isa ay nasa keyboard. Ilang segundo ay umakyat na rin ang isang lalaking may kulay abong buhok, hindi ko gaano makita dahil nasa likurang bahagi kami at natatakpan ng mga ulong nasa unahan.