AA#3

1 1 0
                                    

KABANATA#3:Trust
-------------
Eya's POV

Narito ako ngayon sa pampublikong paaralang pangkolehiyo sa aming bayan. Dito Rin mag-aaral Ang kambal dahil libre Lang Naman Ang tuition dito. Lagi akong napaparito sa tuwing nauutusan ako Ni Ante Della na mamalengke Ng mga bilihin. Hindi Niya na ako pinagpatuloy sa pag-aaral dahil Wala Naman daw akong kwenta at Hindi mapapakinabangan pero Kung nagtuloy ako sa pag-aaral ay Kukuning ko Ang kurso sa pagtuturo dahil nais Kong makapagturo sa harap Ng mga Bata na mayroon ding hinahangad na mga pangarap sa pagdating Ng araw.

Habang naglalakad ako papuntang pilahan Ng pedicab ay parang may nararamdaman akong sumusunod sa akin. Sa tuwing ganito ay Tama Ang hinala ko dahil sa aking instinct na Hindi ko Alam Kung paano ako nagkaroon. Binilisan ko ang paglalakad hanggang nakarating din sa mga nagpapasadang pedicab. Agad akong naghanap Ng pwede at sumakay dito pero Alam Kong sinusundan pati ako Neto dahil naaamoy ko pa Rin siya hanggang dito. Weird right?Ano bang nangyayari sa akin at nagsimula Ito Ng maglabing-walo ako noong isang buwan.

"Manong kumanan Lang Po kayo sa kantong iyan."turo ko sa driver kaya napatango siya.

"Salamat Po."aniko sabay abot Ng bayad na agad Niya namang tinanggap. Nagpapasalamat ulit ako bago pumasok sa loob Ng bahay.

"Bakit Ang tagal mo namang mamalengke, Rylee?!Kanina pa ako naghihintay Ng mga sangkap para sa lulutuin ko dahil Darating na Ang mga prinsesa ko!."pang-bungad sa akin Ni Ante. Wala man Lang pakiconcern  like Napagod ka ba?Pasensiya na dahil marami akong ginagawa dito sa bahay ikaw patuloy Yung nauutusan Kong mamalengke...Ganun Sana pero in my bangungot na Lang ata mangyayari Ang lahat Ng iyon.

"E Ante, Naubusan Po Ng stock Yung tindahan na dati Kong pinamimilihan Ng mga kailangan niyong nasa listahan at yungbiba pong nakalista ay mahirap hanapin kaya naglibot pa Po ako sa buong palengke."e Totoo Naman Ang reason ko e...Mayroon ba kasing make-up sa wet market. Magtataka ako Kung mayroon.

"Nag-alibi ka pa...Pwes, Wala Kang kakainin Mamaya. Mamatay ka sa gutom!"aniya sabay hablot Ng mga pinamili ko.

"Lagi nalang bang ganito sa tuwing mamalengke ako. Walang kakainin dahil sa walang kwenta nilang rason." I murmured to myself.

Umakyat nalang ako sa kuwarto ko at nagkulong doon gaya ng Sabi Ni Ante. Sanay naman na ako sa ganiyang trato nila kaya kahit magpalipas ako ng gutom ay hindi na ako mamatay sa ingay ng tiyan ko dahil nakasanayan ko na rin. Nagpapasalamat parin kasi ako dahil tinanggap nila ako kahit alam kong hirap rin sila minsan sa mga gastusin dito sa bahay.

Naalimpungatan ako Ng naramdaman ang gutom pero titiisin ko nalang dahil wala din naman akong mapapala sa baba dahil siguradong ubos na ang lahat ng nakahain kanina. Sanay na kasi ako sa ganitong treatment as in sanay na sanay na ako.

Tumingin ako sa  bintana at madilim na pala sa labas at umuulan pa kasabay Ng kulog at kidlat pero nagulat ako Ng biglang bumukas ang saradong bintana ko kaya't pumasok Ang malamig na hangin galing sa labas dahil sa ulan. Tumayo ako sa pagkakahiga at isinara Ito.

"Eya." Pamilyar Ang Boses na Yun sa akin. Napalingon ako sa paligid Ng kuwarto ko pero Wala akong nakikitang imahe ng isang Tao. "Rylee...Mag-iingat ka." Hindi ko ito kilala. Boses lalaki ito at puno ng emosyon at takot ang kaniyang tono.

"Sino ka po? At saka hindi po Rylee ang pangalan ko kundi Eya po... Eya." Pagtatama ko sa kaniya pero hindi ko maintindihan kung bakit nangingilid ang luha ko pagladinig ko palang ng boses niya. It feels like he has a part of the missing pieces of my existence.

"Andito Lang ako, nakasubaybay sa iyo. Mag-iingat ka at huwag magtitiwala agad sa iba. Paalam muna sa ngayon, Anak." Anak? Sino ba kasi siya?. Hindi magkamamayaw ang nararamdaman ko dahil sa narinig na boses na iyon. Mayroon yung saya at lungkot na naghahalo sa loob-loob ko. Sino ba siya sa buhay ko?

"Sino po ba kayo?! Hello, Is it me you looking for? Sumagot ka!"sigaw ako ng sigaw pero Wala na akong nakuhang tugon galing sa kaniya. Napaluhod nalang ako sa kinatatayuan at napahagulgol dahil sa kalungkutang nadarama.

"At bakit ka nagsisigaw-sigaw diyan Abeer! Alam mo bang dis-oras na ng gabi at may trabaho pa Ang mga Tao bukas! Bwisit na batang Ito." Si Ante sabay balibag Ng pinto ko.

Hindi ko parin makalimutan ang nangyari sa akin at alam kung may mali sa sistema ko. Naalala ko parin Ang mga sinabi ng estrangherong boses na yun pero hindi ko maintindihan kung anong gusto niyang iparating. Huwag magtitiwala?! Kanino??

Nagising ako sa liwanag na nanggagaling sa kurtinang naihahaingan. Tuluyan ko ng iminulat ang aking mga mata dahil kailangan ko pang pagsilbihan ang mga tao sa bahay na ito.

Pumunta akong kusina para makapagluto na. Nanguha ako ng bigas sa lalagyan at nilinisan ito ng tubig na galing sa gripo sa lababo at isinalang sa rice cooker. Binuksan ko ang ref para tignan kung ano g pwedeng lutuin at kinuha ko nalang ang itlog, hotdog, at bacon na nasa loob nito. Ipinirito ko itong lahat at inihanda na sa lamesa na sakto namang pagkasing nila Ante at ng kambal na maldita.

"Mukhang masarap yang niluto mo ngayon a. May pakinabang ka rin minsan no kahit pabigat ka lang sa bahay na ito." ani Ante na pinagtawanan ng dalawang kambal kaya napayuko ako. "Pero mukhang hindi mo ito matitikman dahil hindi ka namin isasabay sa pagkain ng umagahan. Pagkatapos ka nalang namin kumain. Yung pagpag lang yung matitira para sayo." dagdag niya kaya mas lalong nagtawanan ang dalawa. " Ano? Bakit hindi ka makapagsalita? Napakaingay mo kasi kagabi at makasigaw ka wagas tuloy hindi kami nakatulog ng maayos kaya ang kapalit ay mamamatay ka sa gutom! Bakit kasi hindi ka nalang umalis dito e pabigat ka lang naman sa mga gastusin dito sa bahay." aniya kaya tuluyan ng tumulo ang luhang pinipigilan ko at parang gusto kong siyang patayin.

Inangat ko ang paningin ko sa kanila at napaatras sila sa hindi malaman na dahilan at hindi ko alam kung bakit bigla nalang ako nasa harapan nila at tuliyan ng naging blangko ang paningin ko. At hindi ko na alam ang pinagagagawa ko dahil puros kadiliman nalang ang nakikita ko pero alam kung gumagalaw ng kusang katawan ko.

Natauhan ako ng mapakalma ang sarili at sa pagbalik ng paningin ko ay puros dugo ng mga nakalupasay sa sahig ng mga tao na sina Ante at ng kambal.

Nilapitan ko sila kahit nanginging ang mga paa ko at ang ikinagulat ko ay hindi na sila humihinga.

Patay na sila....

I killed them...

ITUTULOY...

Alhambra Academy(School of Night Creatures)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon