AA#1

5 1 0
                                    

KABANATA#1: The Sacred SPELL
_________________

Third Person's POV

Sa isang liblib at lihim na kuweba'y may isang babaeng nagsisilang ng kaniyang anak kaagapay ang iniibig at ang kumadronang mangkukulam na tutulong sa kanila upang mailuwal ang anghel ng kanilang buhay ngunit siya rin ang nakatakdang sisira ng lahat ayun sa propesiya na nanggaaling sa isang bampira na may kakayahan na makakita ng mangyayari sa hinaharap.

"Arrrgggghhh!!!" Sigaw ng dalaga kasabay ng paglipad ng mga uwak at paniki sa dilim.

"Kaya mo yan aking mahal. Narito lang ako sa tabi mo. Kaya mo yan aking mahal," hawak-hawak ang kamay ng asawa upang mapalubag ang loob nito habang isinisilang ang kanilang anghel. Siya si Ryeon isang Rogue at tinuturing nilang prinsipe ng mga rebelde. Siya Ang iniibig ng Prinsesa kahit labag sa batas. Palihim silang nagkikita sa Gabi papunta sa isang lihim na ilog na sila lamang Ang may Alam.

"Iire mo pa at makalalabas na ang inyong Anak Mahal na Prinsesa Leandra." Saad ng kumadronang mangkukulam na isang rebelde ngunit malayang nakakalakbay sa bawat siyudad dahil sa angking katalinuhan sa pagsugpo ng kahit anumang sumpa at sakit, subalit ang sumpa ng batang isisilang ay hindi niya kakayanin at maaari niya pa itong ikamatay dahil ayun sa matandang may kakayahang makita ang hinaharap.

"Arrrgggghhh!!!" hinihingal na aniya.

"Ayan na siya! Ayan na konti nalang Mahal na prinsesa!"

"Arrrgggghhh!!!"

"Nakakamangha! Kay gandang bata Ang inyong anak sigurado akong maraming mabibighaning kalakihan nito sa paglaki dahil sa kaniyang natatanging ganda." Saad Ng mangkukulam habang kalong ang bata sa kaniyang mga bisig.

*Ongik* *Ongik*

Iyak ng bagong panganak na sanggol.

"Ano Ang inyong ipapangalan sa inyong anak?" Tanong ng mangkukulam habang nilalaro ang bata gamit ang daliri na hinahaplos sa mumunting mga kamay nito na kumakapit sa kaniya.

"Ryaneon Leera ang ngalan niya." Saad ni Ryeon sabay kuha ng anak sa bisig ng kumadrona upang matignan Ang itusra ng Anak na nagpahanga sa kaniya dahil kamukha niya ang bata. Mayroon siyang mahabang pilikmata at mapulang labi na katulad mg ama at matangos na ilong na katulad naman ng kaniyang Ina.

Sinulyapan ni Ryeon ang asawang namamahinga at mahimbing ng natutulog dahil sa pagod siguro sa pagpapanganak ng kanilang Anak.

"Paano yan Ryeon?" Sambit ng mangkukulam kaya napalingon siya rito na may nagtatakang mukha na nakapaskil sa mukha.

"Anong paano?" Tanong niya na may diin na tono.

"Paano niyo siya malalabas at ipapakilala sa magulang ng Mahal na prinsesa ang inyong anak e alam mo namang ang tingin sa inyo ng lahat ng nakatira sa Alhambra space ay mga rebelde dahil kayo ang sinasabing pumapatay sa mga naliligaw dito sa kagubatan?" masakit isipin na hindi man kang makikilala ng Anak niya ang lolo't-lola Niya pero delikado ito para sa buhay ng anak dahil ito'y magiging malaking sakripisyo kapag nagkataon at alam niyang sasaktan lang nila ang kaniyang anak kapag napag-alaman Ang propesiya ng bampirang bulag na nagsambit sa kanila ang sakunang darating kapag isinilang Ang kanilang walang kamuwang-muwang na prinsesa.

"Wala akong balak ipakilala ang anak ko sa kanila dahil alam kong ipapatay lang nila siya dahil sa kapangyarihang mayroon siya." Sagot ni Ryeon.

Mayroong natatanging kakayahan Ang anak na ninumang bampira o iba pang uri ng night creatures ay wala nito because their child can manipulate the light and darkness na hindi nila alam kung paano ito mangyayari dahil ang kakayahan ni Ryeon ay magmanipula ng hangin habang ang iniibig na prinsesa ay kayang magmanipula ng apoy. Nagtataka sila ng malaman ito sa propesiyang inilahad ng bulag na bampira bago ito mawalan ng hininga sa harapan nila.

Light and Darkness will joined together in her soul . . .

Disaster is her twin when she'll be born . . .

Blood, Sweat, and Tears will make Alhambra drown . . .

A living chaos in the white dusk will shown. . .

The broken string will mend when you stabbed her on dawn.

Simula pagbubuntis, at ngayong nagsilang na ang prinsesa ay naging sekreto ang lahat. Naglagay sila ng spell para hindi lumaki ang tiyan ng prinsesa sa pagbubuntis at para hindi mahalata ng Mahal na Hari't Reyna ng Blood City na tinitirhan ng mga bampira sa buong espasyo Ng Alhambra.

"Kung ganoon, anong mangyayari sa Bata?"

"Ipapadala ko siya sa mundo mg mga tao kung saan siya ligtas."

"Edi mas lalo siyang magiging delikado ro-" Natigilan ang mangkukulam. "Huwag mong sabihing?--"

"Ganoon na nga ang nais kung gawin..." Sabat ni Ryeon na ikinabuntong hininga ng mangkukulam.

"Ngunit maghirap gawin ang spell na nais mo, Ryeon. Kailangan ko ng dalawa pang kasama ko upang maisagawa Ito. Ang Human Spell ay ang spell na pinakamahirap sa lahat. Kailangan ng magdamagang proseso." paliwanag ng Mangkukulam.

"Kung yun lang ang paraan para hindi masaktan ang pinakamamahal Kong anak ay gagawin ko para lamang sa ikabubuti niya kahit gaano pa karaming ginto ang kabayaran para sa gagawin niyo basta masagaw lang plano." Sabay haplos sa pisngi ng kaniyang anak na ngayong mahimbing na natutulog na nakabalot sa puting tela.

"Ngunit ito rin ay masisira kung tumuntong na siya sa edad na disi-otso. Anong gagawin mo kapag dumating Ang araw na yun?"

"Bahala na... Ang mahalaga ngayon ay maligtas ko siya sa ngayon at magsasagawa na ako ng paraan kapag dumating na yung taong na pagbabalik niya sa pagiging bampira." napabuntong hininga si Ryeon dahil kahit masakit ay gagawin niya yun para sa kaligtasan ng kaniyang anak.
"Sa ngayon, susulitin ko na muna Ang pagsasama namin bilang isang pamilya."

"Ikaw ang bahala..."

Ilang araw muna ang kanilang pinalipas bago nila napagdesisyunan nilang isagawa Ang ritwal at ngayong Gabi Ang tamang oras. Ipinaalam niya na Rin sa asawa ang gagawin at kahit masakit sa isang Ina na ihatid ang anak sa isang lugar na malayo ay wala siyang magagawa kung para Ito Rin ay para sa ikabubuti ng Anak.

"Simulan na natin ang ritwal... Pumikit ang lahat at maghawak-hawak kamay." Nasa isang kuna na gawa sa kahoy ang bata sa gitna ng lahat. Umiiyak ang bata kasabay ng hagulgol ng Ina at pagtulo ng luha ng kaniyang ama.

Naging successful Ang lahat at ang kailangan nalang nila ay ihatid ito sa portal na daan patungo sa mundo Ng mga tao. Upang Alam na nasa mabuting kamay Ang Bata ay ipinadala nila Ito sa isang mag-asawa na walang anak. Si Ryeon ang naghatid sa harap ng pinto nito at kumatok ng ilang beses bago nilisan Ang anak habang walang habas pagtulo ng mga luhang pinapanood itong kuhanin Ng isang ginang.

"Paalam Anak... Alam Kong magkikitang muli tayong dal'wa kasama Ang inyong Ina. Mahal na Mahal Kita." Bulong niya sa hangin bago nagtatalon-talon pabalik sa mundong saan siya nararapat ngunit Ito na pala ang simula ng pagkadurog niya ng buong-buo.

They found out what have they done. The Pillar's of every city knows about it. And it means, the love of his life was also gone. The princess was gone. His life was totally messed up.

ITUTULOY...

Alhambra Academy(School of Night Creatures)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon