GUBAT FT. YOU

2 0 0
                                    


"𝖠𝗇𝗈 𝖻𝖺 𝗇𝖺𝗆𝖺𝗇 Gabo! kanina pa tayo paikot-ikot sa gubat na'to,"inis na sambit ni Kristelsa kaibigan niyang si Gabo dahil ilang oras nasilang palakad-lakad sa gubat,"naliligaw na ata tayo eh!"

"Pwede ba Kristel manahimik ka!"inis na baling naman nito sa kaniya.

"alam mo Gabo? dapat hindi na ako sumama sayo eh di sana nagsasunbathing na ako sa dalampasigan hayst! Bwesit!" reklamo ni Kristel at sinamaan ng tingin ang kaibigan niya. Sumama kasi siya dahil sa sinabi nitong may puno daw ng mangga na hitik sa bunga subalit ito sila ngayon naliligaw.

Napayakap naman siya sa kaniyang sarili dahil biglang umihip ang napakalamig na hangin.

"alam mo ba Kristel ang kuwento tungkol sa gubat na'to?" Tanong ni Gabo sa kaniya.

"Hayst! naliligaw na nga tayo mag ala Lola Basyang ka pa!" bulyaw niya sa kaibigan at ginala ang paningin niya sa paligid.

"ang lamig!"bulong niya sa hangin.

"Bakit nga ba tayo andito?"tanong ni Gabo sa kaniya.

"Heh?! nababaliw kana ba? sinama-sama mo ako dito tapos magtatanong ka kung bakit tayo andito? are you high?" di makapaniwalang tanong niya sa kaibigan.

"Kristel sabihin mo?"sigaw nito sa kaniya at hinawakan ang dalawang braso niya.

"ano ba Gabo nasasaktan ako!" daing niya humigpit ang hawak nito sa braso niya.

"bakit ka sumama?"Maluha-luha nitong tanong sa kaniya. Naguguluhan niya itong pinagmasdan habang hila-hila nitoang sariling buhok at sumigaw,"Arrggghhhh!"

"ano ba Gabo? anong nangyayari sayo?" kinakabahang tanong ni Kristel sa kaibigan at pinigilan ito," Gabo teka! huwag mong saktan ang sarili mo!"saway niya dito.

Gulat na napaatras siya na biglang nanlilisik ang mata nitong nakatingin sa kaniya.

"Gabo!" gulat na sambit niya sa pangalan nito.

"Kristel!Bakit ka sumama?" Tanong ulit nito sa kaniya.

"hindi ko din alam!"sagot niya.

"alam mo bang gagawin ka nilang bihag?" nahihirapang sambit nito.

"ano? anong ibig mong sabihin?"naguguluhan niyang tanong rito. Nilapitan niya ang kaniyang kaibigan at hinawakan ito sa mukha na alam niyang nahihirapan ang kaibigan niya,"ayos ka lang ba?"nag-aalalang tanong niya rito.

"Kristel! Tumakbo ka na!" ani nito sa kaniya at tinulak siya dahilan para mapa-atras siya.

"Bakit?" naguguluhang tanong niya. Nakaramdam na din siya ng inis dahil clueless siya nangyayari sa kaibigan niya,"prank ba'to Gabo?"tanong niya rito.

Wala siyang natanggap na sagot mula rito kundi ang pagdaing nito sa sakit. Ilang sandali pa ay biglang umihip ang malakas na hangin at wala pang segundo ay napapalibutan na sila ng dambuhalang aso.

"waaaahhhhh! Gabo!" siganiya at niyakap ang kaibigan,"may wolf!"

"Kristel lumayo ka sa akin! masasaktan kita!"saad nito sa kaniya.

Agad naman siyang lumayo at kinakabahang napatingin sa tatlong puting Lobo sa harapan nila maliban sa mga alagad pa nitong nakapalibot sa kanila.

"waaahhh! Huwag niyo po kaming sasaktan! hindi po ako masarap! tignan niyo po oh! buto-buto na ako!" Nanginginig sa takot na saad niya.

"jusmeyo mamamatay ata akong birhen nito!"usal niya sa kaniyang isipan.

"Grrrrr! Awwwhhhhhhooooaaaaaaaaaaa!" alulong nito na nagbigay kilabot sa sistema niya.

"Gabo naman eh! tu-" Hindi niya natapos ang sasabihin niya ng biglang nag-anyong mga tao ito at hindi niya mapigilang hindi maglaway sa view ng mga pandesal nito lalo na ang nasa unahan nito.

Tulala siyang napatingin sa mukha nito pababa sa- Agad naman siyang napasigaw sa gulat ng bigla siya nitong nilapitan.

She gulped,"Sheyt! Lord kong mamamatay man ako pwede ngayon na Ang guwapo naman nitong papatay sa akin,"Impit niyang saad sa kaniyang isipan.

"Bakit kasama mo ang hangal na iyan?"tanong nito sa kaniya. Malalim ang boses nito na tila isang musika sa pandinig niya.

"huh?"naguguluhang tanong niya at nilingon ang kaibigan niya na ngayon ay isa ng lobo,"waaahhhhhh! Gabo!"

"pasensiya na Kristel kung nagsinungaling ako!" paghingi nito ng paumanhin sa kaniya at nag anyong tao-aso ulit.

"Gabbbbboooooo!"malakas na sigaw niya ng bigla siyang hinapit ng estranghero palapit rito. Napapikit naman siya dahil sa ramdam niya ang bato-batong muscle nito plus abs.

"Sa akin ka lang titingin!" Saad nito at hinalikan siya sa mga labi.

"Krissstteeelllll! gumising ka na nga jan! powtek ka bakit mo hinahalikan ang mga paa ko?" inis na sigaw ni Gabo sa kaibigan niya.

"waahhhh! asan ang lagusan?" sambit niya at napabalikwas ng bangon na agad naman siyang nakatikim ng sapak sa kaibigan,"arayy para saan yun?"tanong niya.

"hayst! anong oras ka ba natulog kagabi? Tigil-tigilan mo na yang kawawattpad mo kung ano ano ang napapanaginipan mo at sumisigaw ka pa bwesit! nasira tuloy lipstick ko sayo!" saad nito na ikinabunghalit niya ng tawa. Kumalat kasi sa labi nito ang lipstick at oati ngipin nito ay nagkalipstick.

"Bwesit! panaginip lang pala!" usal niya sa kawalan habang nakatanaw sa labas bintana.

"Gabo! Gabo! nakita mo yun? may tao!" sambit niya.

"asan? wala naman ah!," at tinignan siya nito ng nagdududa," Hayst! naghahallucinate ka na naman!" saad nito.

"Teka! anjan lang yun eh!" At nakasimangot na lamang siyang sumunod sa kaibigan.

THE END

A/N: Enjoy reading!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 16, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ONE SHOT STORIES COMPILATION (ylybuzzZ)Where stories live. Discover now