High school lamang ang natapos ni
Dario dahil salat sa pananalapi ang
magulang. Pagsasaka at pangingisda
ang ikinabubuhay ng pamilya sa La
Union. Walo silang magkakapatid, at
siya ang panganay at nag-iisang lalaki.
Siya ang tumutulong sa magulang sa
pagpapaaral sa limang kapatid. Ang
dalawang kapatid ay hindi pa nag-aa-
ral dahil maliit pa ang mga ito.
Nasa huling taon na sa kulehiyo ang
sumunod kay Dario na si Digna. Ku-
mukuha siya ng Education. Ang sumu-
nod kay Digna na si Diana ay 2nd year
college sa Information Technology sa
La Union din. 1st year college naman
si Dina sa kursong Nursing. Sina Daisy
at Deborah ay nasa high school pa la-
mang. Medyo lumuwag ang buhay ng
pamilya nang pinalad silang mag-ala-
ga ng manok. Isa sila sa supplier ng mga fast food restaurant sa La Union.
Nang makapagtapos si Digna ay sinu-
bukan ni Dario na mag-apply bilang
" lifeguard " sa isang beach resort
sa La Union. Ang nasabing resort ay
pag-aari ng mga kilalang pulitiko sa
naturang lalawigan. Pinalad naman
siya. Eksaktong magtatag-araw na nang magsimula si Dario. Isa siyang
magdaragat kaya tamang-tama lang
sa kanya ang trabahong ito.
Maganda ang Morning Breeze Resort.
Dinarayo ito ng mga turistang galing
sa Maynila at iba pang mamamayan
ng Luzon. Malaki ang pavillion nito.
Magaganda ang mga cottages na gawa
sa kawayan ang dingding at pawid na-
man ang bubong na binalutan ng ku-
lambo upang hindi mailipad ng mala-
kas na hangin. May restawran din sa
resort na ito. Puwede rin mag-ihaw ng
masasarap na isdang-dagat. Sa medyo
kalayuan ay laging may mga nakada-
ong na mangingisda na nagbibili ng
mga bagong huling isda.
Isang araw ng Sabado ay may grupo
ng mga local tourists na galing pa sa
Maynila. Isa sa kanila ang Nars na si
Sarah. Binigyan ng vacation leave si
Sarah ng pinapasukang pribadong os-
pital. Labing-lima silang lahat. Pitong
lalaki at walong babae. Si Sarah la-
mang ang walang boyfriend sa mga
ito. Mga edad 25 hanggang 30. Kara-
mihan sa kanila ay may kaya sa bu-
hay, ngunit ang magulang ni Sarah ang pinakamayaman. May kapatid na
lalaki ang dalaga. Pamilyado na ito at
isa nang Canadian Citizen. Bago sumi-
kat ang araw dumating ang grupo ni-
na Sarah. Nagpahinga muna sila ng
mga 30 minuto bago nila dinama ang
malamig na tubig ng dagat. Si Dario
ang unang nakilala ni Sarah sa Mor-
ning Breeze Resort. Nagpakilala ang
binata na siya ay isa sa mga lifeguards
sa naturang resort. Nakaramdam si
Sarah ng paghanga kay Dario. Kahit
naman sinong babae ay hahanga kay
Dario dahil tall, dark, and handsome
ang binatang banat ang buto sa traba-
ho. Medyo hawig ito kay Edu Manza-
no, magkaiba lamang sila sa kulay.
Nag-enjoy nang husto sina Sarah sa magandang beach resort. Kumpleto
ang facilities ng resort. Siyiempre,
hindi nawawala ang mga videoke. Ma-
galing kumanta si Sarah. Medyo ha-
wig ang boses niya sa boses ni Regine
Velasquez. Wala nang hahanapin pa
sa buhay si Sarah. Bukod pa sa anak-
mayaman ay may pinag-aralan din.
Isa siya sa mga Narses sa Makati Me-
dical Center.
Hapon ng Linggo nang umalis sina
Sarah sa Morning Breeze. Nakaram-
dam ng lungkot si Dario nang magpa-
alam sina Sarah. Hindi niya alam kung bakit siya nakaramdam nang
ganoon. Siya'y isang hamak lamang na Lifeguard. Kung umibig man siya
kay Sarah ay hindi siya karapat-dapat
dahil siya'y mahirap lamang, saman-
talang ang dalaga ay anak ng milyo-
naryo. Kotseng-kotse pa lamang ay la-
test model ng BMW.