SUMIBOL ANG PAG-IBIG

6 0 0
                                    


Tinatahak na ng grupo ni Sarah ang
daang pabalik ng Maynila. Hindi niya
maintindihan ang sarili. Maraming
nanlinigaw sa kanya buhat pa noong
nasa unibersidad siya na mayayaman
din, ngunit wala siyang nagustuhan
sa mga ito. Tulad ni Dario, bakit naka-
ramdam din siya ng lungkot nang lisa-
nin nila ang Morning Breeze Beach
Resort. Bakit parang gusto niyang ma-
kita lagi ang mukha ng binatang pro-
binsiyano? Sa edad niyang 23, na-love
at first sight ba siya? Wala siyang alam sa background ni Dario. Basta ang alam niya ay lifeguard ang binata.
Nasa Pangasinan na siya, ngunit parang gusto niyang bumalik sa resort
na iyon para masilayan uli si Dario.
Araw ng Lunes. May libreng seminar
para sa mga lifeguards. Sponsor dito
ang may-ari mismo ng beach resort na
pinapasukan ni Dario. Dito rin gina-
nap ang nasabing seminar. Dalawang
araw din ang seminar na iyon. Pinag-
usapan ito ng mga beach resort owner
sa buong La Union. Required ito sa la-
hat ng lifeguards sa buong lalawigan.
Maraming natutunan si Dario sa semi-
nar na iyon lalung-lalo na tungkol sa
mouth to mouth resuscitation. Ang isang lifeguard ay dapat physical fit. Hindi pupuwede ang pinupulikat lalo na kung nasa tubig dahil sa halip na siya ang makasasagip ng taong malu-
lunod ay siya pa ang mapapahamak.
Isang taon ang lumipas. Muli, si Sarah
kasama ang apat pang kaibigan, dala-
wang binata at dalawang dalaga, sina
Greggy, Grace, Kimberly, at Karlo. Sina
Greggy at Grace ay magkasintahan at
ganoon din sina Karlo at Kimberly.
Anak-mayaman ang lima. Si Sarah ay
still available dahil nakalaan ang puso
niya kay Dario.
" Kumusta Dario. Balita ko'y nagsemi-
nar daw ang mga Lifeguards dito sa La Union. "
"  Okey lang ako dito. Salamat naman at bumalik kayo dito sa Morning Breeze.  Masaya uli kami. "
"  Masarap manirahan dito sa lugar ninyo. Maganda ang dagat at mara-
ming magagandang beach resort. Ba-
ka may alam kang nagbibili ng lupa
na puwedeng gawing beach resort.
Dario. Gusto ko ang lugar ninyo at ma-
babait ang mga tao dito. Siguradong
uunlad pa ang industriya ng turismo
dito. Magtatayo ako ng beach resort.  "
Mga ilang minuto pa ay lumusong na
sa malamig na tubig-dagat ng lalawi-
gan ng La Union ang grupo nina Sarah
na ngayon ay naka-two piece bikini si-
na Sarah, Grace, at Kimberly.  Ang
dalawang binatang sina Greggy at
Karlo ay nakasuot din ng swimming
trunks. Masaya silang pinapanood ni
Dario at ilang kasamang Lifeguards.
Patuloy sa pagtampisaw sa tubig ang
lima habang pumapagitna. Medyo
malayo si Sarah sa apat na kasama.
Nahihiya siya dahil siya lamang ang
walang ka-partner. Isa pa, hinayaan
niyang makapag-solo ang dalawang
pares na magkasintahan. Hanggang
dibdib na ni Sarah ang tubig nang
bigla siyang pinulikat. Kasabay nito
ay tinangay siya ng alon papunta pa
sa mas malalim na bahagi. Bago siya
tuluyang lumubog ay nakasigaw pa
siya. Hindi nakaligtas sa paningin ni
Dario ang nangyayari kay Sarah. Agad
kinuha ng binata ang dalawang salba-
bida at patakbong lumusong sa tubig
sa kinaroroonan ni Sarah na tuluyan
nang lumubog. Sumisid si Dario at na-
kita ang dalaga sa ilalim ng tubig na
wala nang malay. Niyakap niya si Sa-
rah at lumangoy pataas at papalayo sa
bahaging malalim. Hanggang bey-
wang na ni Dario ang tubig nang
pangkuin niya ang dalaga. Dinala sa
pampang at ginamitan ng mouth to
mouth resuscitation. Iginalaw ni Sa-
rah ang ulo. Itinaas ng binata nang
bahagya ang mga paa ni Sarah. Ilang
sandali pa ay lumabas na ang mara-
ming tubig mula sa ilong ng magan-
dang dalaga. Napayakap ito kay Dario. Sina Greggy, Grace, Karlo, at Kimberly
ay abut-abot ang pasasalamat sa Diyos
at kay Dario sa pagkakaligtas sa kaibi-
gan nila. Nakayakap pa rin si Sarah kay Dario. Damang-dama naman ng binata ang init ng katawan ng dala-
gang lihim niyang minamahal kahit
galing pa ito sa tubig. Nagbalabal ng
tuwalya si Sarah at nagtungo sa kani-
lang cottage.
"  Halika Dario, doon tayo sa cottage.
Gusto kitang pasalamatan nang lubos
dahil sa pagkakaligtas mo sa akin. Da-
ti naman na hindi ako pinupulikat ka-
pag nag-swi-swimming ako. Ngayon
lang nangyari sa akin ito. "
"  Salamat naman Kay Lord at nagamit
ko sa kauna-unahang pagkakataon ang napag-aralan namin sa seminar.
Praise the Lord.  "
"  Teka, bakit napa-praise the Lord ka,
Christian ka ba Dario?  "
"  Oo Sarah. Maliliit pa kaming magka-
kapatid ay Born Again na kami.  "
"  Ako rin, Born Again Christian ang
buong pamilya ko. Sampung taon na
kaming Christian.
Muling lumusong sa tubig ang apat na
kaibigan ni Sarah. Sinadya niyang
magpaiwan sa cottage kasama si Da-
rio. Masayang-masaya siya kapag ka-
sama ang lalaking pinagkautangan
niya ng kanyang buhay. Hinawakan ni
Sarah ang palad ni Dario. Nang sanda-
ling yaon ay agad na nagkaunawaan
ang kanilang puso. Kinabukasan pa uuwi sina Sarah sa Maynila. Nang ga-
bing iyon ay niyaya ang lalaking mi-
namahal na mag-night swimming. Su-
mama na rin ang apat. Sinadyang lu-
mayo sina Dario at Sarah sa apat na
kaibigan ng dalaga. Medyo madilim
sa tabing-dagat. Inilatag ni Sarah ang
dalang tuwalya. Nahiga siya. Kahit ang liwanag ng buwan ang nagsisil-
bing liwanag nang sandaling yaon ay
kitang-kita ng binata ang magandang
hubog ng katawan ni Sarah. Mga ilang
sandali pa ay naglapat na ang kani-
lang mga labi. Painit nang painit ang
tagpong iyon. Anumang oras ay ka-
yang angkinin ni Dario ang alindog ni
Sarah. Ang dalaga ay ganoon din. Han-
da niyang ipagkaloob ang kanyang pagkababae sa lalaking labis niyang minamahal. Para sa kanya ay hindi
hadlang ang malayo na agwat ng kata-
tayuan niya sa buhay upang ibigin ang lalaking katulad ni Dario dahil
ito ang tunay na pag-ibig. Ngunit pare-
ho nilang pinigil ang kanilang sarili.
Alam nila na kasalanan sa Diyos ang
sex without marriage. Sa english, ang
tawag dito ay  "  fornication. "

ALAALA NG DAGATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon