BAKIT IKAW PA SARAH?

5 0 0
                                    


Mga ilang buwan na lamang ay mata-
tapos na ang taong 2019. Ayon sa mga
balita sa telebisyon, sa internet at pa-
hayagan ay nagsimula daw ang coro-
na virus o covid-19 sa Wohan, China.
Mga ilang buwan pa ay nakapasok na sa bisinidad ng Pilipinas ang nakaka-
hawang sakit. Mabilis na nanghawa
ito. Araw-araw ay nadadagdagan ang
positive sa salot na ito ayon sa Departmen of Health. Vurnerable sa sakit
na ito ang mga Senior Citizens at mga
"  frontliners tulad ng mga doctors,
mga nurses at iba pang staff ng ospi-
tal. Maituturing din na frontliners ang
mga pulis, militar, at mga staff ng gro-
ceries, supermarkets, at drugstores.
Isa si Sarah sa mga covid-19 positives.
Ilang buwan din siyang na-confined
mismo sa Makati Medical Center kung
saan siya ay isa sa mga Head Nurse.
Alalang-alala ang magulang ng dalaga
na sina Mr. De Los Santos at asawa ni-
tong si Leah. Umabot din sa kaalaman
ni Nephtali, ang kapatid ni Sarah ang
nangyari sa bunsong kapatid. Abut-
abot ang dasal nito sa Diyos para gu-
maling ang dalaga. Subalit sa kabila
ng pagsisikap ng mga magagaling na
duktor ng pang-mayamang ospital, si
Sarah ay isa mga nasawi dahil sa salot
na ito na covid-19. Nagluksa nang la-
bis sina Ruben at Leah sa pagpanaw
ng kanilang bunso. Agad na-cremate
ang magandang dalaga na hindi man
lang nasilayan ng magulang nito ang
kanyang bangkay. Si Dario ang higit
na nasaktan sa pagkasawi ng babaeng
minamahal nang labis, nang higit pa sa kanyang buhay.
Isang buwan pa ang nakaraan, buhat
nang magkaroon ng lock down, sara-
do ang karamihan sa mga negosyo la-
lo na ang mga malls, restawran, at iba
pang negosyo tulad ng mga beach re-
sorts, etc.
Umuwi si Dario sa kanilang bayan na
one ride lang naman sa pinapasukan
ng binata kung saan sila nagkakilala
ni Sarah, ang Morning Breeze Beach
Resort. Sa beach na ito na maraming
naiwang alaala ni Sarah tungkol sa
pag-iibigan nila ng binatang "  Life-
guard. " Nagsimula ang alaalang ito
nang sagipin ng binata ang dalaga sa
pagkakalunod. Dito sumibol ang ma-
gandang pag-ibig na hindi kinikilala
kung ano ang katatayuan sa buhay.
Pag-big ng isang hamak na "  Life-
guard at ng babaeng bukod na sa ma-
bait at maganda ay anak pa ng isang
milyonaryo na nakatira sa Forbes
Park. Alam ng magulang ng dalaga ang tungkol sa love life ng kanilang
bunso. Walang inilihim si Sarah tung-
kol sa kanila ni Dario. Humanga pa
nga ang mga ito sa ipinakitang kada-
kilaan ng binata  nang sagipin nito ang kanilang anak sa tiyak na kamata-
yan. Hindi sila tutol sa pagmamaha-
lan ng dalawa. Isa pa, pareho naman
sila ng pananampalataya, sila'y mga
Born Again Christians. Hindi hadlang
ang pagiging mahirap ni Dario para
mahalin ni Sarah. Ang pag-ibig niya
ay hindi tumitingin sa panlabas na
anyo at kung anuman ang katatayuan
sa buhay. It is an unconditional love
like the love of God that He gave His
only Begotten Son Jesus who died on
the Cross of Calvary for the forgive-
ness of our sins.
Isang araw ay nagtungo si Dario sa
Morning Breeze Beach Resort. Naka-
upo siya sa cottage kung saan sila nag-
usap ni Sarah noon pagkatapos sagi-
pin ang dalaga. Nang sandaling yaon
ay tila may nakita si Dario na isang
babae na mukhang malulunod na sa
malalim na bahagi ng dagat. Ang ti-
ngin ni Dario ay si Sarah ang tila na-
lulunod na sa itsura sa malayo ay si
Sarah nga. Mabilis na tumakbo ang
binata palusong sa tubig. Ang ipinag-
tataka niya ay habang papalapit siya
sa babae ay papalayo naman nang pa-
palayo ito at hindi naman ito lumulu-
bog. Binilisan pa ni Dario ang pagla-
ngoy, ngunit bumibilis din papalayo
ang babae. Hangga't sinumpong ng
pulikat ang binata. Hindi na niya ma-
igalaw ang kanyang mga paa at tulu-
yan nang lumubog.
Kinabukasan ay natagpuan ang bangkay ni Dario
ng ilang mangingisda malapit lang sa Morning Breeze Beach Resort.
Ang ipinagtataka ng ilan ay guni-guni
lamang ni Dario ang mga pangyayari
dahil sarado naman ang resort dahil
sa pandemic. Wala naman talagang
babae na malulunod sa lugar na iyon
dahil sarado nga ang naturang resort
na saksi sa pag-iibigan nina Dario at
Sarah. Maaaring sa labis na kasipha-
yuan ng binata sa pagpanaw ng baba-
eng minamahal ang dahilan kung ba-
kit tila mayroon siyang nakikitang ba-
baeng nalulunod tulad ng pangyayari
noon kay Sarah na kanyang sinagip.
Sa kalangitan sa Trono ng Diyos ay
makikitang tila naglalakad sa ibabaw
ng mga ulap ang dalawang taong na-
kasuot ng damit pangkasal na napapa-
ligiran ng maraming Anghel ng Diyos,
sina Dario at Sarah. Sa kanilang ba-
gong pag-iisip bilang isa sa mga taong
iniligtas ng Panginoon, napawi na ang
ALAALA NG DAGAT. Sila pa rin hang-
gang wakas, ngunit hindi na bilang
magkasintahan kundi bilang magka-
patid sa Panginlon. magkapatid sapag-
kat sa langit ay wala nang pag-aasa-
wahan at ang mga tao dito ay katulad
na ng mga Anghel ng Diyos ayon sa
Banal na Salita ng Diyos, ang Bibliya.



                 W A K A S

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ALAALA NG DAGATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon