Chapter I: First Day

50 0 2
                                    

Alexis POV

5:25 am

*toktoktok* "Aby! Gising na! Male-late ka na!

"hmm... opo.." *bangon*....*yawn*

Haaay.. hanubayan, bakit kasi ang aga-aga ng pasok ko eh. =_= Hello po, I'm Aby Alexis Jae. Opo, ako na korean, tatay ko lang. Haha. 'Di naman kasi ako marunong magsalita ng Korean eh. Saka yung tatay ko? Wala, palaboy-laboy na lang dyan sa tabi tabi. Joke. Hay, iniwan na kasi kami eh, i mean dumadalaw naman siya once a year. Pero hiwalay na sila ni mommy. Ewan ko, nagdivorce na sila eh. Ayaw kasi ni lola sa kanya. Nananakit kasi siya. Hayaan niyo na nga 'yun! Dito muna tayo sa ginagawa ko. 

Well, kasalukuyan nga akong nagpupunas. Yep, nagpupunas, hindi ako naliligo sa madaling araw,  magkakasakit ako, sakitin kasi ako eh. Kaya sa hapon na lang ako naliligo, pagkadating ko na lang. 

"Aby bilisan mo! Kumain ka na! Huwag mong sabihing first day of school tapos male-late ka!"

"Opo lola"

First day of school nga po pala namin. First year po ako. Hay buhay, buti pa si ate tanghali pa yung pasok niya. Second year kasi siya eh. Eh ako?  6 am? Grabe naman school ko, first year pa lang pinapahirapan na nila? -.\ 

"La! Alis na po ako!"

"O sige, ingat ka! mag-aral ng mabuti ah!'

"Opo!" si lola talaga, first day of school, aral kaagad? 'Di ba pwedeng magpapakilala muna kami? XD

Buti na lang may kalapitan school ko. Yes! 'Di pa ako late. May mga nagdadatingan pa rin. Ay teka, asan room ko? Hala?! Ang alam ko may card kami eh. Basta may binibigay na card eh. Kulay green ata yung akin? Iba-iba kasi kada year-level. Wait, hanapin ko sa bag ko,...and, Ayun!

"I-Bait?'

"Uhm, ate, excuse me, Saan po ba yung room ng Bait?" sabi ni unknown girl.

"Hala, sorry ah, Bait rin ako eh, kaso 'di ko rin alam kung saan. Haha." sabi ko.

'Naku, ganun ba? Okay lang ba ate kung sabay na tayo?" weh?! talaga?! Yes! may kasabay ako! HahaXD

"Talaga?! Sige halika hanapin natin!" Tapos sabay kaming naglakad. Tanong-tanong, and ayun! Andito na kami sa classroom. Yey! finally nahanap na namin. 

At nagstart na ang araw ng high school life ko.

Who?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon