Chapter 56

757 19 4
                                    

LISA


"Uhmm boo.. ano ichura ko? Pasado na ba ako sa Mamita mo?" Masuyo kong tanong kay Jennie.




"Ou naman boo kahit anong suot mo bagay sayo" sabay halik niya sa labi ko. Kaya naman napangiti na lang ako.




Medyo kinakabahan kasi ako. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong kaba. Sino ba ang hindi ipapakilala lang naman ako sa lola niya sa mother ni Tito Robert. Baka kasi hindi niya ako magustohan para sa apo niya.. haiiist! Bahala na nga.




"Hey boo  chill ka lang okay" sabay Hawak niya sa pisnge ko. "Everything is gonna be alright, dont worry mabait si mamita" pag aasure niya sakin.




"Okay ... okay" sagot ko.



Makalipas ang ilang minuto ay parehas na kaming ready ni Jennie.



"Shall we boo?" Tanong sakin ni Jennie tumango na lang ako. "Nagtext na si Daddy andun na sila sa mansion  ni mamita hinihintay na tayo" dugtong pa niya.




"Lets go" yaya ko sakanya. Sabay abresyente niya sakin. Pag ganito kami nawawala ang kaba ko eh.




Sumakay na kami sa kotse ko at pinaandar ito, tahimik lang ako habang nagdridrive. Nang mapansin ko si Jennie na nagpipigil ng tawa.




"Hey, bakit tatawa tawa ka diyan?" Tanong ko.




"E kasi naman boo parang last supper mo na eh, masyado kang seryoso' sobrang tahimik mo pa, hindi ka naman ganyan eh" tatawa tawa niyang sabi.



"Hindi ah.. baka kasi maaccident tayo pag wala sa daan ang atesyon ko" sagot ko. Naramdaman ko naman na hinawakan niya ang kamay ko.





"Boo .. trust me .. everything is gonna be alright, okay?" Nakangiti niyang sambit saka pinisil ang kamay ko.




"Okay boo.. thanks" nakangiti ko ring sagot.





****************



Pagpasok namin sa mansion bigla ko na naman naramdaman yung kaba. Tsk! 'Umayos ka Lisa baka kung ano ang magawa mo sa inaakto mo ngayon' sabay palo sa ulo ko.




"Boo .. you okay?" Alalang tanong sakin ni Jennie.





"Yeah Im fine dont worry" saka ako pumasok sa loob.





Sobrang laki ng bahay na to sabi ni Jennie halos caretaker lang ang nakatira dito kasi sa america na nagsstay ang mamita niya. Iba talaga pag mayaman.




"Hi Princess, Hi Pran .. you look handsome" bati samin ni Tita Ruby.




"Hi mommy! So si Pran lang ba?" Sabay pout ni Jennie.



"Of course not Princess youll always beautiful, wag kana mag tampo" sabay kiss ni Tita sa pisnge ni Jennie. Saka ito bumaling sakin at hinalikan din ako sa pisnge. "Lets go andun sa may garden ang dad mo at si Jisoo" dugtong pa niya.  Kaya naman sumunod na kami kay tita sa may garden na magkahawak kamay.





"Hi Dad, Hi Cous" bati ni Jennie sa dalawa sabay beso dito.




"Hi cous, Hello Pran .. you look handsome huh?" Bulong sakin ni Jisoo kaya naman napangiti ako.



"Hello po Tito Robert" bati ko sa daddy ni Jennie.



"Hi Pran" sabay pat sa balikat ko.



Dentined To Be (Jenlisa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon