Chapter 40

940 17 4
                                    

LISA



"Rosè!"



"Pran's dude" nagyakapan lang kami ni Rosè ng sunduin niya ako sa airport. Yes I lied to Jennie na magsstay pa ko ng ilang days sa davao. At hindi ako makakaattend ng birthday niya. Gusto ko siyang supresahin. I want to make her birthday memorable and one of the happiest moment of her life. Humingi din ako ng favor kila Jisoo at Mina na idistract muna si Jennie na alam niya na nasa Davao pa ako for business matter. Tinawagan ko na rin sila Tito Robert and Tita Ruby to inform na may surprise birthday party ako para kay Jennie. Sabi nila kung kailangan pa ako para sa surprise kay Jennie handa silang tumulong just one call away.




"Kinuha mo yung kotse ko sa condo ni Jennie?" Tanong ko kay Rosè nang hindi ko makita yung kotse ko sa arrival area.




"Ahhhm ..about that .  Wala na akong chance para kunin pa yung kotse mo. Kasi kami ni Jisoo were kind of war zone right now so ang dala ko ngayon ang mahal kong motorsiklo" explain naman niya.




"That's great Rosè so san mo plano ilagay ang mga luggage ko?" Inis kong sabi.




"Pwede ka naman tumawag ng taxi Pran, at iguguide ko kayo ng taxi papunta sa bahay .. haha" kinakabahan na saad ni Rosè habang tumatawa. Kung pwede ko lang patayin tong bestfriend ko kanina ko pa ginawa.




"Fine!" Sabay kaway ko sa taxi na malapit samin.




**************



"Ohh .. Pran" tawag sakin ng cute twins na  pamangkin ni Rosè.



"Amy, Annie" lumuhod ako para bigyan ng yakap ang kambal.



"Kamusta naman ang mga angels ni Rosè?" Nakasmile kong tanong sa dalawa.



"Mabuti naman kami Kuya Pran" sabay nilang sambit. Yah.. kuya ang tawag nila sakin. "




"Tita, asan si Tita Jisoo? Sabi niya pupunta siya dito para bilhan kami ng gummy bears" tanong ni Amy habang yakap yakap yung teddy bear niya. Nang marinig ko yung pangalan ni Jisoo automatic nabaling ang paningin ko kay Rosè.




"Nakapunta na dito si Jisoo?" Nakakunot noo kong tanong kay Rosè.



"No .. I .. mean .. hindi siya yung Jisoo na kakilala mo or pinsan ng girlfriend mo" nabubulol na sagot ni Rosè. Tinaasan ko naman siya ng kilay ko na sinasabing 'hindi mo ako maloloko'.



"Fine! .. ou nakapunta na dito si Jisoo once or twice" saad niya.



"No! Tita .. lagi pumupunta dito si Tita Jisoo para bigyan kami ni Amy ng gummy bears and choco---" hindi na natapos si Annie sa sasabihin niya ng lumapit si Rosè kay Annie at tinakpan ang bibig nito gamit ang kamay niya. Hahaha .. huli ka balbon.




"Bakit hindi kayo pumasok sa kwarto niyo kambal at manuod ng tv or tulungan niyo si Mommy niyo sa kitchen para magprepare ng dinner natin" saad niya sa kambal.



"Pero .. namiss namin si Kuya Pran! Hindi na siya nakakapunta satin sa marikina e. Tapos ngayon lang siya nakapunta dito sa bahay natin sa manila" sambit ni Amy sabay yakap sa hip ko.



"Wag kayo mag alala kambal, magsstay si Pran dito sa bahay ng mga ilang araw kaya may time pa kayo magbonding" saad ni Rosè sa kambal at pinat ang mga ulo nito. Kaya naman sumunod na yung kambal at pumasok sa kwarto nila. Pagpasok nung dalawa tiningnan ko naman si Rosè. "Oh .. ano ibig sabihin ng mga tingin na yan?"




Dentined To Be (Jenlisa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon