2 years ago- 2 months after the death of her Mom.
ELLE's POV (Park Ra Hi)
2 buwan na simula ng mamatay si Mommy. 2 buwan na rin akong naglilibot sa Korean Flea Market at nagsa-shop lift ng mga prutas. I needed to live.Kadalasan pears, apples at iba-ibang prutas lang ang kinakain ko at humihingi ang ng tubig sa mga di ko kilalang tao. Kumukuha rin ako ng damit sa mga sampayan ng ibang tao at naliligo sa mga public baths.I tried looking for a job pero walang tumatanggap sakin dahil minimal lang ang alam ko sa Korean language at culture...hanggang sa nakilala ko si Roger Park. Isa siyang sikat ng gangster sa Busan.
Dinala niya ako sa kanilang hide out. Nung una akala ko may gagawin silang masama sakin pero nagulat ako dahil tinuring nila akong pamilya. Pinakain nila ako...at ang pinakapinagpapasalamat ko sa kanila ay ang pagtuturo nila sakin ng martial arts at kung pano mabuhay sa streets. Wala na akong pamilya, wala na rin akong balak hanapin kung sino man ang yunay kong ama...for all we know he could be dead.
6 months na akong nasa Korea, nakatira ako sa bahay nila Roger Hyung, kasama ko don ang anak niya na si Myungsoo katulad ko wala na rin ang Mama ni Myungsoo.
Present
ELLE's POV (Park Ra Hi)(Imagine them speaking Korean)
3 am ng magising ako, sabi kasi ni Roger Hyung gumising daw ako ng maaga kasi may ipapagawa daw siyang mahalagang bagay sakin. Ganito ang pang-araw araw na buhay ko...parang anino..
Bumangon na ako at nag-ayos.Sinuot ko yung binigay sakin ni Myungsoo na itim na hoodie, loko din yung lalaking yun eh..pareho kami ng hoodie..couple daw,baliw. Nag-black pants ako at combat boots.Itinali ko ang buhok ko at nagsuot ng cap.
2 storey ang bahay namin, pagbaba ko sa kusina wala pang tao. Tignan mo talaga tong si Hyung..umakyat ulit ako sa taas at dumiretso sa kwarto ni Hyung. Sinipa-sipa ko siya sa binti pero wala eh...di kaya patay na si Hyung?
'Hyung!..ay...HYUUUUUUUUUUUUUUNG!'
'Ano yon--asan ang kalaban---ano--OMO! Ra Hi-ssi! okay ka lang? may magnanaka-
'Hinga muna...Hyung...inhale..exhale...'
'O-ok..a-ano ba nangyayari?'
'Sabi mo 3 am gising ka na kasi may ipapagawa ka sakin, eh bakit naghihilik ka pa!'
'Ehehehehehe..sorry, si Myungsoo kasi hindi ako ginising eh..'
'Tulog pa rin pati yung bahong yon!? ganun pala ah..'
Dumiretso ako sa kwarto ni Myungsoo. Naghihilik pa nga ang loko..tuloy laway pa.Humanda ka sakin ngayon.
Naupo ako sa gilid niya, ipinamagitan ko sa mga braso ko ang binti niya at ni-wrestle siya.
'AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!! wag po!' HAHAHAHA!
'Chagia! ano bang ginagawa mo!?' sigaw niya sakin. Aba! tinawag pa kong Chagia(baby). Loko to ah! Lalo ko siyang dinaganan. Take that!
'H-hindi na! di na! DI NA!!!'
'Sino si Dina? Hahahahaha..' Sabi ko saka siya binitawan. Tumayo naman siya at pumormang makikipag-karate. Aba...
BINABASA MO ANG
Almost is never Enough(Book 2 mini series) COMPLETED
FanficIt has been two years since the day I lost everything..hindi na ako ang dating Elle Lee na mahina at iyak ng iyak..nakalimutan ko na nga kung pano umiyak eh..di na ako ang dating Elle na palangiti at masayahin.. For 2 years nakipagsapalaran ako sa...