Ako nga pala si mary isabel 18 yrs old..
na mahilig sa mga laruan bata palang ako gusto ko ng mangoleksyon ng mga laruan dati kasi mahirap lang ang buhay kaya hindi kami makabili ng gusto namin kaya ipinangako ko sa sarili ko na paglaki ko bibili ako ng mga gusto ko.
2:00 Am ng madaling araw ng magising ako dahil ako ay nauuhaw bumaba ako sa kusina upang kumuha ng tubig sa ref.
binuksan ko ang laman ng ref upang makita kung may malamig na tubig ba,
kadalasan kasi hindi naglalagay sila mama ng malamig na tubig sa ref nakakalimutan daw nya.
Buti nalang at mayroon ng malamig na tubig sa pitsel kinuha ko iyon at kumuha ng baso nainom ako ng may nakita ako sa basong nagrepleksyon.
tiningnan ko naman ito at nakita ko ang manika kong paborito na si Clara. nagtaka kung bakit nandoon ang aking manika.
Pinuntahan ko siya at binuhat pinagmasdan ko ang napaka gandang mukha niya.
malaki at mahahaba ang pilik na mata ni clara na mala prinsesa ang suot nya kulay puti na may ribon sa likod nito at kulay itim naman ang kanyang buhok.
Si clara ang pinakapaborito kong manika sa lahat ng mga laruan ko dahil siya ang una kong nabili sa aking mga koleksyon.
"Napaka ganda mo talaga clara" Bulong ko sakin
Bago ako umakyat sa taas ay binuksan ko muna ang ilaw na maliit sa may bandang kusina para may konting liwanag dito.
Umaakyat na ako sa taas ng biglang Bumuhos ang ulan.
kanina lang naambon palang ah. mainit pa di bale mainit naman kaya saktong sakto ang dating ng ulan ng makapasok ako sa kwarto ko ay
Nilapag ko si clara sa may side table ng kama ko. kung mapapansin mo ang akin kwarto punong puno iyon ng iba't ibang laruan
Nakaramdam naman ako bigla ng antok kaya nahiga na ako sa aking kama ng biglang kumulog dahil sa gulat ko ay napa taklob ako ng kumot.
Nakikita ko ang mga liwanag habang nakulog at nakidlat pero tumayo ang balahibo ko ng biglang kumidlat ng malakas at parang may anino ng babaeng maliit
ang nasa labas ng kumot dahil doon ay kinabahan ako at tumayo ang aking mga balahibo.
Dahan-dahan kong nilabas ang aking mata para tignan kung sino iyon at ng makita ko ay wala naman pala napabuntong hininga nalang ako.
"Akala ko naman kung ano na." Bulong ko sa aking sarili
Inaantok na talaga ako tumalikod na ako at humarap sa may bintana papikit na sana ako ng biglang may kumulbit sakin
hindi ko naman pinansin iyon pero kinalabit pa ako nito pero nag iba na.
mabaon yung pagkulbit nya sakin at napamulat ako dahil doon ay bigla kong tiningnan ang aking likod ng makita ko iyon ay halos atakihin ako sa puso.
Dahil ang nakita ko ay isang babaeng manika na may hawak na palakol na yung parang kay kamatayan namumula ang mga mata nito at gulo gulo ang buhok..
Lumapit siya sa mukha ko at tiningnan ang aking mga mata.
Bigla akong nagising at napaupo napahawak ako sa aking
dibdib at hhuminga ng malalim pawis na pawis ako at hingal na hingal."Panaginip lang pala iyon" sabi ko sa aking sarili
Akala ko katapusan kona nung mga sandaling iyon. Naulan at nakidlat parin ang lakas.
Napapikit ako sandali para marelax at kalimutan ang panaginip iyon.
BINABASA MO ANG
The Devil's Toys (One Shot Story)
Short StoryMahilig kaba sa laruan? Malamang oo. Hindi ba? Madalas tayong mag-sawa sa laruan lalo na kung hindi ito bago. Siguro naman naranasan mo rin iyan. Tama ba ako? Kaya mo bang ampunin ang mga laruan ng Demonyo? Mag-Ingat ka sa kanila. Dahil ang akala m...