♠Prologue♠

71 2 0
                                    




Paano kung isang araw makakita ka ng isang playboy? Yung lalaking puro laro lang sa pag-ibig ang alam. Yung lalaking hindi marunong magseryoso pagdating sa babae. At pinaka masaklap pa ay sya ang magiging amo mo dahil magiging maid ka sa pamamahay nya.



Siguro mapapasabi ka nalang ng "Kung minamalas ka nga naman."



Dahil ganun na ganun din ako noon. Naging maid din ako ng isang bastos at pinaka-manyakis na lalaking nakilala ko sa buong buhay ko. Yung tipong lahat ng babaeng makikita nya lalandiin nya. Baka pati nga matandang naka palda ay papatusin nya.


Gustong-gusto ko syang ilibing nang buhay pero hindi ko magawa dahil sa amo ko sya. AMO!




Pero ang hindi ko inaasahang pangyayari sa buhay ko ay ng hindi ko namamalayang nahuhulog na pala ako sa kanya. Tsk. Hindi ko nga alam kung bakit ko sya nagustuhan eh... Ang pangit pangit nya naman! Totoo nga talaga ang Love is blind at naniniwala na ako doon...




"Baby naman! Anong pangit ang pinagsasabi mo dyan!"




"Wag ka ngang makialam dyan Lanz, nagkukwento kaya ako dito! "




Yun na nga balik tayo sa kwento. Nainlove ako sa pinakapangit at pinakababaerong lalaki sa mundo at hindi ko alam kung paano talaga nangyari yon. Tsk. Ginayuma siguro ako ng hinayupak na'yon.



"Pangit na nga hinayupak pa."


"Tumigil ka nga!"



Ganun na nga minahal ko sya ng hindi ko namamalayan. At alam kong pinagtagpo kami ng tadhana dahil sa isang dahilan. At yun ay dahil sa.....








We're made for each other





A/N:  Ayan na! Meron na pong kwento ang playboy na si Lanz hahahaha 😂 Sana po magustuhan nyo.....

Pleased don't forget to comment, vote and share 💜💜-daydreamer_1430

Maid For You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon