♠Chapter 1: Encounter

44 3 0
                                    


Jullieanne's POV

Papunta ako ngayon sa terminal papuntang manila. Kailangan ko kasing lumuwas don para mag-trabaho. Hindi na kasi sapat ang kinikita ni Tita sa karenderya namin para magpag-aral at mabuhay kami ng kapatid ko. Kaya kailangan kong magsakripisyo para sa ikabubuti at para magpag-aral ko ang kapatid ko, kahit hindi na ako.

"Tita, ikaw muna po ang bahala kay Felix ha? Paki sabi po sa kanya na ginagawa ko toh para sa kanya." nakangiting paalam ko kay Tita at nakita ko namang naluluha na sya. Tsk. Para naman akong mamamatay sa inaakto nila eh pupunta lang naman akong maynila para magtrabaho.

"Mag-iingat ka don, hija. Tumawag ka sakin pagkarating mo dun ha? Tsaka ikamusta mo narin ako kay nanay." paalala nya at agad naman akong tumango at niyakap sya. Hanggang sa napaiyak na sya ng tuluyan at pati ako ay naiiyak narin pero kailangan kong tatagan ang loob ko. Ngayon lang kasi ako malalayo sa kanila pero kailangan ko talagang umalis para kay Felix. Gusto nya daw kasing makapag-tapos at maging businessman para daw maiahon nya kami sa hirap. At pangarap ko naman ay matupad ang pangarap ng kapatid ko. Yun lang naman, ganun kasimple. Kahit dalawang taon nalang bago ako makapagtapos ng college ay kailangan kong tumigil para sa kapatid ko.

"Sige na tita. Aalis na yung bus, kailangan ko na pong umalis." paalam ko ulit at binuhat ang gamit ko. Tumango naman sya habang umiiyak parin. Hanggang sa makapasok at makaupo na ako sa loob ng bus ay nakatanaw parin sya sa akin. Pilit naman akong ngumiti sa kanya at sa pag-andar ng sinasakyan kong bus ay doon na tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Alam kong mahihirapan akong malayo sa kanila lalo na sa kapatid ko pero kailangan ko talagang gawin toh. Kailangan ko talagang umalis kahit na mahirap. Kailangan ko kumayod para sa pangarap namin ng kapatid ko. Magha-highschool na kasi sya sa susunod na taon kaya kailangan kong tumigil sa pag-aaral para sa kanya. Hindi naman kasi namin kaya kung magsasabay kami dahil masyadong maliit ang kita sa maliit na karenderya ni Tita.

Matagal na kasing wala ang mga magulang ko. Hindi pa sila patay pero para sakin ay parang ganun na nga. Si Papa ay nagtrabaho sa ibang bansa pero makalipas ang ilang taon ay wala na kaming balita sa kanya hanggang sa sinabi ng iba na nakapag-asawa na daw sya ng amerikana. At si Mama naman ay iniwan kami para sumama sa ibang lalaki. Pinabayaan nila kami at bata pa noon ang kapatid kaya ako ang umako sa lahat ng responsibilidad na iniwan nila. Buti na nga lang at meron pa si Tita Josie at Lola na tumutulong sa amin. Hindi na ako umaasa na bumalik ang mga magulang dahil sa ayoko narin silang makita at kontento na ako sa simpleng buhay na kasama ang kapatid ko. 

Agad ko namang pinunasan ang mga luha ko gamit ang palad ko at inilabas ang di keypad kong cellphone na napapalibutan na ng tape at lastiko. Hindi pa kasi ako makabili ng bagong cellphone dahil kailangan ko munang mag-ipon para sa gamit ng kapatid ko dahil sa susunod na buwan na ang pasukan nya. Kailangan kong magpatahi ng bagong uniporme nya at bibili din ako ng sapatos nya. Pati narin ng cellphone na kailangan nya kapag may research sya. Kaya kailangan ko munang mag tipid-tipid ngayon. Kuripot ako pagdating sa sarili ko pero pagdating sa kapatid ko ay hindi. Tsk. Ayoko namang sya ang nahuhuli sa lugar namin.

Agad ko namang tinignan ang cellphone ko at 2:30 palang ng umaga. At siguradong medyo matagal-tagal pa  ang byahe, syempre galing akong Isabela at papunta akong Manila kaya siguradong malayo pa. Pero sana lang magkasya ang baon kong pera. Dalawang libo lang kasi ang baon kong pera na pinag-ipunan ko sa loob ng isang bwan sa paraket-raket kong trabaho. Pero may dala naman akong biscuit at tubig kaya hindi ko na kailangan gumastos para sa pagkain ko, pwede na siguro tong pantawid gutom. Alam ko namang susunduin ako ni Lola pagdating ko don. Mamasukan kasi ako bilang katulong sa bahay ng pinagsisilbihan nya. Sana nga lang ay mabait ang amo namin don. Tsaka malaki-laki naman ang sweldo dahil ang sabi sakin ni Lola ay sampung libo daw ang sweldo kada isang buwan. Kaya agad kong tinanggap ang trabahong yon. At sana lang ay makatagal ako.





Lanz POV

"YOU'RE FIRED!" sigaw ko sa maid na nasa harapan ko ngayon! Kainis! Napaka-simple ng instructions ko pero hindi parin nya masunod! Ang sabi ko kasi gusto ko ng Sunday Roast at Poached egg para sa breakfast pero tang*na pinagluto lang nya ako ng prinitong itlog. Kasalanan ko ba kung wala ang cook namin ngayon! Basta kapag gusto ko at sinabi ko dapat masunod. Tch.

"S-sir--" aangal pa sana sya pero agad ko syang tinignan ng masama. Tang'na! Sasagot pa talaga!

"Ang sabi ko, You're fired! Kaya umalis kana! Baka kung ano pang magawa ko sayo!" sigaw ko ulit at agad naman syang umalis habang umiiyak. Hindi ko na kasalanan kung mawalan sya ng trabaho dahil sya ang gumawa ng dahilan kung bakit tinanggal ko sya. At tsaka dadating din naman ngayon ang kapalit nya kaya wala na akong poproblemahin pa. Tch. Ang pinaka ayoko sa lahat ay ang tatanga-tanga.

Sira na ang araw ko! Kainis!

Wala rin ngayon si Nanay para ipagluto ako dahil sinundo nya ang apo nya na magiging maid dito at ang bwisit naman naming cook na'yon nag-leave ng walang paalam kaya humanda ang bwisit na huklubang yon pagdating nya. Aalis tuloy ako ng walang laman ang tyan. Tss. Pupunta sana ako sa company ngayon pero siguro sa bar muna ako didiretso para naman mawala ang inis ko. Siguro yayayain ko nalang si Steven dahil mas mahilig yong mag-bar katulad ko.

Agad ko namang kinuha ang kotse ko at pinaandar ito patungong bar. Alam kong maaga pa pero 24/7 naman bukas ang bar nila Zayden na syang tambayan namin. Habang nagmamaneho ako ay biglang tumunog ang cellphone ko kaya nawala ang atensyon ko sa daan dahil sa pagsagot ko sa tumatawag.

"Hello---shit!" agad akong napapreno dahil sa may nabunggo ang kotse ko. Tang*na. Hindi ko nakausap ang tumatawag sa akin dahil dali-dali akong lumabas para icheck ang nabunggo ko. Pagkalabas ko ay nakita ko ang babaeng nakaupo sa sahig habang hawak ang pwet nya.

"Aray ko, jay ubet ko nagsakit." ani nya pero hindi ko ito maintindihan pero ang alam ko ay may masakit sa kanya.

"Miss, are you okay?" seryosong tanong at tutulungan sana syang tumayo pero natigilan ako ng bigla nya akong tignan ng masama.

"Ukininam!" biglang sigaw nya at napakunot naman ako ng noo dahil sa kanya. Anong pinagsasabi nya? Pero base sa boses nya ay parang galit sya. Pilit naman syang tumayo habang hawak ang pwet nya at akmang tutulungan ko ulit sya ng bigla nya akong pigilan.

"Madi nak ig-iggaman, kininam!" sigaw nya ulit pero hindi ko naman sya maintindihan. Ano bang gusto nyang iparating?

"What?" takang tanong ko at nakatanggap naman ako ng irap sa kanya.

"Ang sabi ko! Wag mo akong hahawakan! Tang*na!" sagot naman nya at bigla akong dinuro. "Ano bang problema mo ha?! Bulag ka ba at hindi mo nakitang patawid ako?" inis na tanong nya na kinainis ko naman.

"Baka ikaw ang bulag, babae. Kita mo naman siguro yung green light diba?!" turo ko naman sa traffic light. Sino ba naman kasing matinong tao ang tatawid sa kalsada kahit naka-red light. Kita ko naman ang pagtingin nya sa tinuro kong traffic light.

"Aba anong malay ko dyan?! Tsaka tumawid kaya ako gamit ang pedestrian lane." saad ulit nya at hindi man lang pinansin ang sinabi ko kaya mas lalo akong napikon. Naiinis na nga ako dahil hindi ako nakapag-almusal at eto madadagdagan na naman. Kainis.

"Ano bang gusto mong gawin miss? Para matapos na toh?!" inis na tanong ko na nagpataas ng kilay nya. "Do you want some money? Here. Bibigyan kita para matapos na!" saad ko at naglabas ng pera mula sa pitaka ko at binigay sa kanya. Hindi ko na binilang pa kung ilan yon basta nilagay ko nalang sa kamay nya. Nagulat naman ako ng bigla nyang binato pabalik sa akin ang perang binigay ko.

"Hindi ko kailangan yan! At kahit mahirap lang ako ay hindi ako mukhang pera." seryosong saad nya at binuhat ang bag nyang nakalapag sa sahig. "Minsan kasi wag lang ang pagiging arogante ang pairalin mo dahil sa mga ganitong sitwasyon kahit simpleng sorry ay okay na." sabi nya bago umalis na hawak parin ang pwet nya. Tch. Sorry? Pasensyahan nalang tayo pero hindi ko alam ang salitang yon. At mas lalong hindi ako magso-sorry sa mga taong mas mababa kaysa sa akin.

Pero napangisi nalang ako dahil nakuha ng babaeng yon ang interest ko. Matapang sya at gusto ko yon. Because it's my first time to encounter a girl like her.






Pleased don't forget to comment, vote and share 💜💜-daydreamer_1430

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 21, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Maid For You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon