CHAPTER 12

2.9M 50.7K 11.2K
                                    

CHAPTER 12

RAINE'S heart nearly went out from her ribcage when she saw Tyron waiting for them in the Chinese Restaurant. Komportable itong naka-upo at matalim ang tingin nito sa kanya. Inirapan niya ito at mabilis na nag-iwas ng tingin.

After that incident in the fitting room, she was fuming mad at the insolent lying cheating devil. Iniwan niya ito sa fitting room na nagpupuyos sa galit. How dared he scare her like that? Peste! Nakaka-buwesit! Mukhang paglalaruan na naman siya nito.

Umakto si Raine na para bang hindi niya nakita at sinampal si Tyron sa Fitting room. Umakto siyang normal habang kasama ang mommy niya at si tita Marian.

"Oh, it's Tyron," masayang wika ni Tita Marian na may halong gulat. "Akala ko hindi pa siya uuwi."

Mabilis na naglakad ang ginang patungo kay Tyron at niyakap ang anak nito. Siya naman ay walang imik na umupo sa pinakamalayong upuan kay Tyron. She didn't trust herself near that brute. Palagi siyang tina-traidor ng katawan at puso niya.

"Raine, anong ginagawa mo riyan?" Nasa boses ng ina na hindi ito sang-ayon sa pinili niyang upuan. "Halika rito sa tabi ko."

Umiling siya. "I'm okay where I'm, Mom."

"Oh, silly." Hinawakan siya ni tita Marian sa kamay at sapilitan siyang hinila patungo sa upuan na nasa tabi ni Tyron. Sapilitan siya nitong pinaupo sa tabi ni Tyron. "There. Dapat palagi kayong magkatabi." Tita Marian giggled then looked at her mother. "Aren't they cute together?"

Her mother giggled like a teenage girl. "You don't say."

Itinirik niya ang mata at nagbaba ng tingin. Ano ba ang pinagsasabi ng mga ito? Nakakahiya!

"Bakit mo ba ako sinampal?" Biglang tanong ni Tyron sa mababang boses.

Pasimpling tinakpan ni Raine ang bibig bago nagsalita. "You deserve that slap."

"No, I don't." Matigas ang boses na sabi nito. "Pagbabayaran mo ang sampal na 'yon. As far as I can remember, wala akong ginawang masama sa'yo para sampalin mo ako ng ganoong kalakas."

Pinukol niya ito ng matalim na tingin bago nagbaba ng tingin. "Pagbabayaran? As far as I know, too, wala akong ginawang mali sa'yo."

"Wala?" Naririnig niyang nagtatagis ang bagang nito. "You fucking slapped me, Raine."

She knew that Tyron was mad at her for slapping him but the way he said her name, it sounded soft and intimate. It made her heart want to jump out from her ribcage. I can't believe that this guy has so much effect on me!

Hindi siya umimik at umaktong abala sa paglalaro ng candy crush sa cell phone niya. Ayaw niyang makipag-usap sa lalaking katabi niya na halos sumabog ang puso niya sa sobrang bilis ng dahil lang sa pagtawag nito sa pangalan niya. That's too much!

Thankfully, mukhang nakikisama ngayon ang binata dahil hindi na ito nagsalita pa.

Habang naghahapunan sila sa isang Chinese Restaurant, wala silang imik pareho ni Tyron. Kung may nagtatanong lang sa kanila, saka lang sila sasagot. Ganoon sila ng binata hanggang matapos silang kumain. Hindi nila kinibo ang isa't-isa and sa tingin ni Raine ay makabubuti iyon para sa kanila.

TYRON didn't know if it was a blessing or a curse that he was now sitting beside Raine on the backseat—the last row—of the van. Sila lang dalawa doon ng dalaga. Ang mga magulang nila ay nasa unahan. Malinaw pa sa ala-ala niya ang nangyari sa parking lot ng SM Baguio. Ang dahilan kung bakit magkatabi sila ngayon ni Raine.

Nang makita ng ama niya na Hammer ang minamanehong sasakyan ni Lander ay gusto nitong doon ito sumakay. Pati na rin ang tito Gabby niya at ang asawa nitong si tita Charita. Kaya ang nangyari, si Lander ang nagmamaneho at nagsiksikan sa passenger seat si Train at Calyx kasi ayaw ng mga ito na sa van sumakay kasama nila.

POSSESSIVE 1: Tyron ZapantaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon