part 2: Hi!!

6 0 0
                                    

Francine POV

“blake? Naalala mo yung lalaki sa pangatlong kanto?”

tanong ko sa kurimaw na to na parang tanga na titingala tapos ngingiti tapos titingin sakin tapos uulitin...

Sira ulo....

“ahhhh si epong.... Anong meron sa kanya?”

tanong nya kung nag tataka kayo kung nasan kami... Nandito kami sa rooftop ng sirang factory.

“naalala mo yung isang gabi-”
Naputol yung sinasabi ko sa nakita kong usok at Di ko alam kung bakit malakas ang kaba sa dibdib ko

“B-blake? Bahay ba namin yun?” inaaninag ko medyo malabo na ang mara ko at ang kapal na talaga ang usok..

“tss... Kilala mo na siguro yung may pakana nyan?” isang nakakalokong ngiti ang nahagip ng mata ko

“Francine... Francine... Francine” isang pamilyar na boses ang narinig ko.

“ Babaeng asal hayop pero kasing labo ng tubig Kanal ang mata” pagpapa tuloy nya

“blake?” nawalan ng emosyon ang maamong mukha nya...

“Hi!” at isang matalim na tingin ang tinapon nya sakin

“tsk... Francine? Di ka ba tatakbo? Baka Di mo na maabutang buhay ang nanay mo” isang binatilyo ang bumangga sa braso ko

“iba ka talaga blake... Napaka timing ng apoy na yun ahh” kunyaring manghang mangha sya sa ginawa ni blake na parang abnormal na nagkanda duling na sa sama ng tingin sakin

Tiningnan ko kung Ilan sila para masukat kung pano tatakas pero...

Isang dosena sila... Di malayong magasgasan ako bago pa ako makalayo...

Bumaling ako sa baba at sinukat ang  taas ng rooftop....

Kayang talunin to...

Isa...
Dalawa...
Tatlo...

“king ina... FRANCINE!!!! SIRA ULO KANG TALAGA!!! DI PA TAYO TAPOS!!!”

Isang dirty finger ang binigay ko sa kanya para naman lalo pa Syang magalit baka bigla nalang Syang sumabog sa galit..

Tinakbo ko ang bahay namin pero ok ang LAHAT... Tulog si nanay pati ang ulopong kung Kuya pero...

“bunso?”

nag sisimulang pumatak ang pawis ko, nakaka tuliro, bawat patak lalong lumalakas yung kabog sa dibdib ko...

Bunso...nasan ka?...patibong to...walang sunog pero wala si bunso

“ate? Nandito ka na pala” isang yakap ang pumawi sa LAHAT LAHAT ng emosyon na naramdaman ko.

“ ok ka lang ate?... Nga pala nagugutom na po ako ate, wala pa tayong pagkain kagabi pa”

naaawa ako sa kalagayan namin pero kailangan kong maging matigas Kasi sa mundong to kailangan mong kasing tigas Ng bato para mabuhay sa araw araw, kasing tibay ng kawayan para tumayo sa araw araw... Wag mong hahayaan na lamunin ka ng mundong ginagalawan mo, sa huli di mo sigurado kung alin ang kasangga mo...

“hayaan mo bunso, raraket si ate para sayo” tsaka ko sya niyakap ng mahigpit, dumaloy ang luha na di ko alam kung saang parte ng mata ko pa itatago...

Hindi pa ako nakakalayo samin isang lalaki na ang ramdam kong sinusundan ako... Di ako nag pahalata at kunyaring tinitingnan kung may bubble gum yung sapatos ko

Sige.. sundan mo ako hanggang sa kanto na yun...

Napa ngisi nalang ako sa naisip ko, dalawa lang to, mapapa away ako o nang titrip lang to. Pagliko ko sa kanto pinaki ramdaman ko sya

Sampung hakbang...
Siyam...
Walo...
Pito....
Anim...
Lima...
Apat...
Tatlo...
Dalawa...
Isa...
Binggo

“ bakit ko ako sinusundan?” dinakma ko agad ang lalamunan nya habang tinadyakan ko ang hita nya para maka luhod sya

“ p-pareho l-lang Tayo Ng d-daan”
lalo ko pang diniinan dahilan para bumaon ang kuko ko sa lalamunan nya

“b-bitawan m-mo akoooo” nagsisimula ng man dilim ang paningin ko...

“sabihin mo sa kung sinong lamang lupa ang nagpa dala sayo para sundan ako...” nilapit ko yung bibig ko sa tenga nya
“iwasan nyang makasalubong ang anino ko” tsaka ko kinagat ang tenga nya at hinila pababa na naging dahilan para halos humiwalay ang tenga nya sa ulo nya... Nang hihinang tumatakbo sya habang hinahawakan ang tenga nya

“Isang hi mo nalang at pirmado na ang clearance mo sa empyerno"

pinahid ko ang kunting dugo na tumalsik sa mata at bibig ko

Hayst... Masyado pang malambot ang tenga ng isang yun

Hahakbang na Sana ako ng may makita akong pares ng paa na medyo nanginginig pa

“a-a-aswang” isang lalaki na nanginginig sa takot ang nakita ko... Masasabi kong dayo sya base sa pananamit nya...

Mayaman to... Matangkad, maputi, payat, halatang laking aircon to

“anong aswang?” dun lang sya natinag at...

“W-WAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!”
nakakarinding sigaw ang nangibabaw sa munting espasyo na yun

“t-teka nga!” sigaw ko sa kanya

“wag kang lalapit sakin!” turo nya pa sakin

“pano kung ayoko?” naka ngiti kong sabi habang humahakbang papunta sa kanya

“a-ano ba? Bingi ka? Wag ka sabing lalapit” atras sya ng atras hanggang sa...

“A-AAAAHHHH!!!!” sigaw na Naman nya

Kung di na namang bobo tong isang to Di nya man lang naramdaman na mag trap ng daga dun... Ayun

“pfft bobo amp” natatawang sabi ko habang iiling iling

“a-ano to? Patibong to no? K-kainin mo ako?” natutuliro pa din sya

Muntanga...

“abnormal ka ba? Kita mong sa daga yan... Anong patibong ka dyan?”

Hahahahahahahaha yung itsura nya ngayon hahahahaha

“d-daaaaaaadddd” bigla nalang akong tinulak at nag sisisigaw habang iika ikang tumatakbo

“gagu” yun nalang nasabi ko... Naka salampak lang ako sa gilid dahil sa pag tulak ng abnormal na yun kinuha ko yung isang sigarilyo sa bulsa ko na natupi at dun muna tumambay

Mayaman nga.... Ka-lalaking tao kung makatawag ng dad sa tatay nya....

Natatawa na lang talaga ako hahahahaha

Tuli na ba yung butiki na yun?

Natigil ako sa naisip ko at....

“B-BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA” Di ko na mapigilan yung tawa ko na halos maiyak iyak na ako hahahahahaha ilang saglit pa akong naka salampak dun at nag desisyon na akong umayos, naalala ko may nag aantay sakin sa bahay, nag aantay sa mauuwi kong pagkain...

Salamat sa lalaking yun... Napatawa nya ako... Kahit papano nakalimutan ko yung kaninang nangyari

Napapa iling nalang talaga ako pag naaalala ko yung mukha nung lalaking yun hahahahahaha nanginginig sa takot amp... Hahahahahaha siguro kung may camera lang ako na record ko na yung pagmumukha nya hahahahahahaha

Letters Of My BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon