Prologue

284 18 5
                                    

Author's note: Hello, it's me again. I don't really know where I'm going here. Meron pa nga akong ongoing! Hahaha. This story just randomly popped in my head... RitKen AU ulit. Then again, as always:
PAALALA: KATHANG-ISIP LAMANG 😬💯 ok? 🙏🏻

Her POV

Napa-upo na lamang ako sa lapag ng malamig na banyo ko ng malaman ko na ang resultang kabado kong hinihintay. Dalawang linya. Kulay pula, magkahanay. Mula sa mumunting puting stick na may kakayahan baguhin ang buhay mo.

Bakit kailangan magkaganito? Sigurado, sisihin niya ako. Kahit gaano pa ako nagpapa-katanga dahil sa pag-ibig ko sa kanya ay hindi ko naman inasam na umabot sa ganito.

Nangingilid ang luha kong pilit kong pinipigilan, at humugot ako ng isang malalim na paghinga.

Tanggap ko na naman eh, tanggap ko na. Sinukuan na kami ng tadhana, at sinukuan ko siya. Kaso hindi pa pala siya tapos, muli na naman akong ginugulo, muli na naman akong sinusubok.

Nangyari na nga. Ayaw ko man, kailangan ko siyang harapin.

...

Nandito kami ngayon sa isang hotel para mag-usap. Ito lang kasi ang maaari naming puntahan. Masyadong mabigat ang problema namin - isang problema na hindi namin matatago ng matagal. Masakit isipin, na ang isang bagay na pinapangarap ko na balang araw ipagsisigawan at ipagmamalaki, ay nagmistulang maduming kasalanan na kinakahiya.

Patawad anak, dadating ka sa mundong magulo na mas lalo naming pinakomplikado. Kahit ano mang mangyari, kahit ganito man ang situwasyon, mahal kita. Ikaw na ngayon ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko...

Ito na nga, kaharap ko ang papa mo...

...

"Papanindigan ko ang bata. Pero hindi tayo magpapakasal. May iba akong mahal. Ayoko rin masira yung pagkakaibigan natin."

"Ayaw mo masira? It's f*ckin' too late for that. So ganun nalang? Sa tingin mo matatanggap niya yung anak natin? Alam mo t*ngina mo!"

"Kumalma ka. Yung bata..."

"Kung may pakialam ka talaga sa anak mo, siya ang pipiliin mo..."

"Pinipili ko naman siya..."

"Oo nga pala, ako lang yung hindi pinili."

"Mahal kita....Pero naguguluhan pa ako..."

"Kung tapos ka na mag-isip, alam mo saan kami hahanapin ng anak mo...Nakakatawa no? Mahal na mahal pa rin kita. Ako lang naman yun. Mahal mo ko? Please lang, masakit na. Huwag mo ng dagdagan."

"Ikaw lang ba ang nasasaktan? Mahal kita pero sabi ko naman sayo diba, hindi ko alam kung kaya kitang mahalin ng higit pa sa isang kaibigan... Sinarado ko ang utak ko, kasi nangako tayo, nangako ka rin! Kasalanan ko bang nabuntis ka?! Nilasing mo ko!

"Nilasing kita? Ikaw yung panay bukas ng bagong bote. Hindi ako mabubuntis mag-isa! Ikaw nagdesisyon gamitin yung pagkalalaki mo! Hindi kita pinilit."

"Tama na nga. Ano bang gusto mo? pakasalan kita? Sige na mamili ka na ng gown mo, kasal lang pala eh."

"So ganun lang ang tingin mo sa kasal? Isang araw na magsusuot ng magagarbong damit, para sa panandaliang kaligayahan? Pagpapanggap na naman. Hindi ka ba napapagod? Gusto ko ng totoo. Gusto ko maging totoo. Gusto ko totoong maging masaya."

"Kung moro-morong kasal lang ang kaya mong ibigay sa akin. Huwag nalang. Ipangtustos mo nalang sa anak mo. Hindi ko kailangan ng peke. Hindi ko kailangan ng pampalubag loob."

UnorthodoxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon