His POV
Hindi ko naman ginustong magsinungaling kay Andrea. Nasira lang talaga ang plano kong pagsabi na sa kaniya dahil nahuli niya ako... Nahuli niya akong nakatingin sa ultrasound picture ng anak namin ni Rita.
Halu-halong emosyon ang nadarama ko... Ang mumunting bilog lang ngayon sa black-and white picture na tinititigan ko, balang araw yun ang anak ko na masisilayan at mahahawakan ko.
Kusang nangilid ang luha ko, na agad na napansin ni Andrea pagpasok niya sa kwarto ko.
"Babe, what are you looking at? Why are you crying?"
Sinubukan kong ilayo yung sonogram picture pero mas mabilis ang kamay na naghablot nito.
"Ultrasound???" Tinitigan niyang mabuti ito. "Iriñgan, Rita Daniela..." Binalik niya ang tingin niya sa akin, nakakunot ang noo niya.
"Wow...magkaka-baby na si Rita. Bakit ka umiiyak? Aakalain mo ikaw yung tatay eh..." Natatawa niyang banggit bago siya natigilan at napataas naman ng kilay sa akin.
Ako nga ang tatay. Awkward.
Inayos ko muna ang wisyo ko bago sumagot. "Ahh... Eh kasi sobrang saya ko lang para sa bestfriend ko. Biruin mo nauna pa siya magka-anak sa akin? Siya itong strict na nagsasabi sa plano niyang huwag muna bumuo ng pamilya. Naunahan niya pa akong mahilig mag-alaga sa mga bata na magka-anak. Unang baby ng barkada..."
"Uy bakit naiingit ka ba? Gusto mo na rin magka-baby? Babe, alam mo namang wala pa sa isip ko yan. I have so many goals to achieve pa...We're so far from even discussing that." Dama kong may kaunting pag-alala sa pananalita nito.
"Of course, babe. You can have all the time that you need. I support you." Lumapit siya sa akin at niyakap ako.
Isang taon ko pa lang halos kasintahan si Andrea. Oo, mahal ko siya, pero hindi pa sumagi sa isipan ko na pakasalan siya. Magulo na kung magulo... Kahit pinili ko siya kay sa kay Rita, hindi pa siya kasama sa plano ko sa future. Pero sigurado ako na gusto ko nandiyan siya sa tabi ko ngayon. Ganun naman pananaw ko sa buhay eh, 'go with the flow' - ika nga nila.
Ito ang landas na tinatahak ng buhay ko ngayon at wala akong alam sa sunod na hakbang na gagawin ko.
"Excited ka na maging Ninong? Sure naman ikaw kukunin nila ni Lance diba? I guess settled na rin naman yung dalawang yun. I always thought that Lance would propose first, he seemed to be that kind of guy."
Oo nga pala, nandiyan si Lance. Ngayon lang nagsink-in sa akin. Kung patuloy akong magsisinungaling ng ganito, siya ang kikilalaning ama ng anak ko? Ayoko namang ganon.
"Sure, Ninong Ken..."
...
Halos dalawang buwan din akong hindi pinapansin ni Rita. Kilala ko siya eh, kapag ayaw niya na, ayaw niya na talaga. Naiintindihan ko siya, parehas kasi kami sa ugaling yon. Sinubukan ko siyang suyuin, pero napagod ako. Wala akong tiyaga sa ganung bagay. Dagdag pa dun ay nahihiya naman talaga ako sa kawalang-hiyaang ginawa ko sa kaniya. Iniisip ko na kung lalo pa akong lumalapit ay lalo din siyang maiinis.
Eto na ang pinakamatagal na panahong natikis namin ang isa't-isa... Hindi ako sanay. Lagpas kalahati na ng buhay kong kasa-kasama ko siya. Sa tuwing kailangan ko siya ay nandiyan lamang siya sa tabi ko. Aaminin kong miss na miss ko na siya... Nag-aalala din ako sa kaniya at sa baby.