"Do unto other as you would have them do unto you."
'Yan ang Golden Rule.
Pero sa murang edad ni Mariz ay hindi nya ito sinusunod.
Hindi dahil tinuruan sya ng kagulangan at kalapastanganan sa kanilang tahanan ngunit sadyang mapanukso lamang sya.
At may dahilan sya para mang-uto.
Aminin nyo man o hindi, masarap ang pakiramdam ng nakauto. Napaka-fulfilling na umayon ang isang tao sa iyong adhikain. Nakakaaliw isipin na may hunghang na naniwala sa walang kapararakan mong ideya. Basta't siguraduhin na hindi mo sya itutulak sa kapahamakan o kamatayan- You're cool.
Wala ka ng kargo de konsensya kung ano pa ang mangyari sa iyong biktima.
May ilang tao na mayroong inborn skill at talent sa pang-uuto. Ang iba ay may kalangisan ang dila, may kalambingan sa pananalita, may kaamuhan ang mukha o sadyang charming and adorable kaya nagagawa nilang magpasunod ng mga tao sa paligid nila.
Pero kung wala ka ng kahit alin sa mga ito'y pwede mo namang matutunan ito. Kaya't magbasa ng mabuti at intindihin ang mga susunod na halimbawa.
Nalinang at nahasa ang Persuasion Skills ni Mariz sa Eh Leh Menopi, ang Legendary Pre School nila ng pinsan buo nyang si Arch.
Kaya't heto ang ilang kaganapan mula doon na magpapakita ng kanyang angking kagalingan sa pang-uuto.
Case #1. BFF (Buraot Friends Forever)
Target: Buteteng Chips Girl
Si Buteteng Chips Girl o BCG ang pinakamasibang chikiting sa classroom. Hindi sya nauubusan ng chicherya; akala mo ba'y dinekwat nya yung mahiwagang bulsa ni Doreamon.
Ang malupit pa dito'y kahit anong lakas nyang kumain ay hindi sya tumataba. Ang tanging lumalaki sa kanya ay ang kanyang tapeworm infested na tyan.
At ang matindi pa dito'y hindi sya namimigay ni katiting ng kanyang chinihibog. Ang sinumang magtangka ay makakatikim ng irap + silent treatment. Hindi ka lang napahiya, nagmukha ka pang patay gutom na hindi nabiyayaan ng limos.
Pero dahil nga ibang klase ang deception skills ni Mariz ay BFF sila ni BCG, at sya lamang ang nabibiyayaan ng glorius free chicherya!
Paano?
Unang una, COMPLIMENT.
Dinadaan nya si BCG sa mga simpleng "Ganda ng drawing mo ah?!" hanggang sa lantarang sipsip moves na "Ang cute namang ng buhok mo ngayon!"
At habang distracted ito'y mabilis na dudukot sa kinakain ng kanyang BFF.
Pangalawa, ESTABLISH FRIENDSHIP.
Pag-akbay, pakikipag-high five at mga subtle physical contact para maiparating sa kanyang "close" kayo.
At habang magkadikit ang kanilang mga balikat ay kakalabitin nya ito sa likuran. At pagkalingon ay dudukot ito sa kinakain ng kanyang BFF.
Pangatlo at marahil ang pinakamahalagang paraan ay-
Hindi sya nagpapahuli kapag kumukuha sya sa kinakain ni BCG.
Case #2. Morning Kiss sa Morning Breath
Target: Good Morning Boy
Si Good Morning Boy ang epitome ng kadugyutan sa Eh Leh Menopi. Pumapasok ng walang paligo, halatang halata kasi sa kumukuti-kutitap nyang muta at naglalangib na tuyong laway.
Ang masama pa dito'y hindi na nga sya appealing physically ay kasing baho pa ng kanyang hininga ang kanyang ugali.
Pabibong wala namang talento. Pa-cute kahit hindi naman adorable. Feeling smart kahit below average ang I.Q.
In short, Pabibong Bonakid. (Bobo na Kid)
And to make matters worse, nabighani sya sa kagandahan ng ating adorable na bida. Wala syang mintis sa pagbati ng "Good Morning Miss Byutipool!" at pag-aalay ng bagong pitas na Santan.
Every.
Single.
Day.
Ito lamang daw ang paraang alam nya para maipadama ang nararamdaman nya sa Prinsesa ng mga Bully. Ito daw ang kanyang paraan ng panliligaw. (Ganyan talaga sa probinsya noon, mas maaga lumandi ang mga bata dahil wala pang internet.)
At kahit anong taboy at pamimintas na natatanggap ay hindi pa din natitinag ang pinaglihi sa alimuom na Casanova. Sa katunayan ay mas naging persistent pa sya sa panliligaw, kung dati ay flowers lamang ang alay nya ay dinadagdanan nya pa ito ng bayabas at plastic labong puno ng aratiles.
Ngunit kahit anong effort nito ay hindi natutuwa si Mariz, dahil sa tatlong dahilan.
Una, Hindi pa hinog ang mga binibigay na prutas ni G.M.B.
Sa katunayan ay pwedeng makabukol sa tigas ang mga bubot pang bayabas at aratiles na pinitas ni tukmol.
Pangalawa, Hindi sya tinatantanan sa pang-aasar ng kanyang mga kaklase.
Ang iba nga ay ipinag FLAMES pa ang kanilang mga pangalan. Nakakaloko pa nga dahil Marriage ang resulta ng kanilang mga pangalan.
Pangatlo, Hindi nya matagalan ang pagiging Bonakid nito.
Sa kabagalan ng kanyang brain power ay hindi nya pa maisulat ng matino ang sarili nyang pangalan.
Kalaunan, napikon na ang malditang chikiting at kinompronta na ang kanyang Knight in rusty armor. Tinanong nya kung paano ba titigil ang damuhong ito sa ginagawa nitong "panliligaw."
Isang kiss lang daw ay mapapawi na ang kanyang pagod at sya na daw ang "Hapiest Boy in the Worl"
Pumayag naman si Mariz sa hirit ng batang may laban, sa isang kondisyon- Gumawa sya ng love letter at kainin ang papel na pinagsulatan nito.
Hindi naman nag-atubili ang batang lalake at sinulat ang pinakamalalim na love letter sa history of mankind. Nakasaad dito ang mga numerong "1 4 3" dahil nga iyon pa lang ang kaya nyang isulat.
At hindi na din sya nagdalawang isip at nginuya at nilantakan ang nilamukos na papel masunod lamang ang kanyang iniirog.
Tumupad naman sa usapan si Mariz at inabot ang isang piraso ng "Kis Mint Candy" at sinabing-
"O ayan lintik ka! Kainin mo para mabawasan bantot ng bunganga mo!"
At pagkatapos ng insidenteng iyon ay wala nang nangahas pang "manligaw" kay Mariz.
BINABASA MO ANG
The Art of Bullying
RandomMagaling ka bang mang-api? Napapaiyak mo ba ang mga tao sa paligid mo ng walang kahirap hirap? Kinagalitan ka na ba ng iyong mga kaibigan dahil sa ugali mong nakakapika? O baka naman ikaw ang laging tinutukso at gusto mong matutunan ang tamang para...