Alam nyo ba kung bakit hinahabol ng aso ang pusa?
Scientifically, mayroon daw dalawang dahilan.
Una ay dahil sa predatory instincts ng ating canine friends. Feeling kasi nila ay mga lobo pa din silang nangangaso ng kanilang machichibog na pussy... o feline.
Pangalawa ay sadyang mapaglaro lamang ang man's bestfriend kaya't madalas nilang mapagtripan ang walang kamuwang muwang na si muning.
Ngunit anong kinalaman ng trivia na ito sa buhay ng mapanisti nating bida?
Noong kindergarten kasi sya'y nabiyayaan sya ng starring role sa isang "high budget" na school play na pinamagatang Atomic Garden. Sa sobrang laki ng budget na iginugol dito'y makakabili ka na ng pang-unli text ng isang linggo.
Ito ay isang Fable o isang kwentong kapupulutan ng aral, kung saan ang mga hayop o kaya mga bagay na walang buhay ang gumaganap na mga tauhan.
Karapat dapat lamang na si Mariz ang magbigay buhay sa walang modo at balahurang kuting na si Little Kitty Lots. Sya lang kasi ang may innate cattiness mula sa kanyang mga kaklase at naniniwala ang kanilang guro na mabibigyan nya ng hustisya ang dulang ito.
Title pa lang ng play ay talagang pasabog na. Pero mas sasabog ang cerebellum ninyo at sisirit ang cerebrospinal fluids kapag nalaman nyo ang plot ng kwentong ito:
Matapos ang World Ward III ay nag-mutate lahat ng tao at naging mga hayop, salamat sa biochemical at nuclear warfare. Wala nang gobyerno at kapayapaan, puro na lang kahayupan at gulo. Naayon na ang status quo ng mga nilalang sa mundo base sa kasikatan nila sa Almighty Technology known as the Internet.
At sa tuktok ng hierarchy ay ang mga Pusa dahil sa kanilang superior intelligence, presence at dami ng viral videos at meme sa World Wide Web.
Dahil sa inggit at kanilang predatory instincts ay nag-aklas ang mga Aso at inubos ang lahi ng mga Felines upang sila naman ang ihirang na "superior race".
Ngunit hindi nila lubusang naubos ang lupon ng mga muning, nakaligtas sa malagim na genocide ang isang natatanging Puspin o Pusang Pinoy; si Little Kitty Lots ang Catvatar o ang huling sugo para sa World Peace.
Sa kasamaang palad ay may kagaspangan ang ugali ng Catvatar, hindi sya marunong gumalang, humingi ng tawad at magpasalamat. Wala kasing gumabay sa kanyang paglaki.
Kaya't responsibilidad nila Rhyming Rabbit, Thank you Turtle at Chicken and Pork Adobo na turuan ng Good Manners and Right Conduct ang ating munting kitten para pakiusapan ang mga Dog Overlord na itigil na ang karahasan at maibalik ang lahat sa the way it used to be.
Talagang Oscar worthy ang Original "Art" Piece of Sheet na malagkit na ginawa mismo ng kanilang Kindergarten Teacher na si Miss Mathilda Villamor. Sa hindi din maipaliwanag na dahilan ay pinayagan naman ng school administration ang ganitong klase ng dula na mai-perform sa harap ng mga magulang ng ilang bibo at karamiha'y bobong mag-aaral ng Eh Leh Menopi.
Sa kabilang banda ay on point din naman ang casting na ginawa ng may sayad na teacher. Si Rhyming Rabbit ay gagampanan ng kanyang pinsan na si Arch dulot ng kalakihan ng tenga nito. Ang uhugin at madalas magdial sa ilong na kaklase ay gaganap bilang isang baboy. Gaganap bilang isang palaka ang mukhang malnourished na si Buteteng Chips Girl at ang wild at rabid nilang kaklaseng si Azucena U. Lol o better known as Zombie Girl ang magbibigay ng karampatang hustisya sa Dog Overlord.
Binansagan syang Zombie Girl ng magpinsan dulot ng pisikal na itsura nito. Mala Linda Blair na facial features, mas buhaghag pa sa fried rice na buhok, matatalim na kukong mahihiya ang tire black sa kaitiman at pagpapabula nito ng laway kapag bored.
At salamat sa kanya ay nagtamo ng nakakasalukasok na bite mark si Mariz.
Case #3. Rabid Scoundrel
Target: Zombie Girl
Pagkatapos ng casting ay ibinigay na ng kanilang teacher ang mga scripts para sa kani-kanilang parte. Kahit ayaw gampanan ni Mariz ang lead role sa dulang ito ay na-excite naman sya sa nakakawiling script nito, lalo na sa magiging interactions nila ng kanyang pinsan at ni Zombie Girl na walang magiging dialogue kundi ang tumahol at maglaway.
Kaya't hindi na sya nag-atubiling kulitin ang may rabis nyang kaklase at magbigay ng kanyang opinyon sa magiging makubuluhan nilang pagpa-practice.
"Kailangan mo ba ng tulong magkabisado dyan sa mga linya mo? Baka malito ka kasi sa Aw! Aw! at Woof! Woof!"
"Magiging proud siguro mama't papa mo sa magiging performance mo! Pwede nang ikaw ang magbantay sa harapan ng bahay nyo!"
"Marunong ka ba mag-sit? Roll over? Huwag ka mag-alala, bibigyan ka daw ni Teacher Mati ng Alpo pang meryenda."
Palabas na ang mga chikiting sa kanilang classroom papunta sa school quadrangle ng biglang-
"RAAAWRRR!"
Pinanindigan ni Azucena ang kanyang pagiging aso at nilantakan ang balikat ni Mariz.
Moral of the Story?
All dogs must be kept on a leash.
And never provoke them when they're hungry.
BINABASA MO ANG
The Art of Bullying
RandomMagaling ka bang mang-api? Napapaiyak mo ba ang mga tao sa paligid mo ng walang kahirap hirap? Kinagalitan ka na ba ng iyong mga kaibigan dahil sa ugali mong nakakapika? O baka naman ikaw ang laging tinutukso at gusto mong matutunan ang tamang para...