Chapter 9-New Years Eve (Last Part)

10.7K 288 10
                                    

"HE bought that lot for you," Ethan's Mom said. Matapos nitong ipakita mula sa gallery ng cellphone nito ang isang lote na kuha mula doon.

"Nang mabili niya yan noon ang sinabi niya sa'min ng Papa niya kapag sinagot mo na daw siya saka niya patatayuan ng bahay. Mukhang mangyayari na nga," dugtong pa nito at mabining tumawa.

Tita Olivia is a sweet person. Dito namana ni Ethan ang pagiging sweet at caring. Dahil nga siguro sa nagiisang anak ito ay nasalo lahat ang ugali ng ama at ina.

His a gentleman yet a beast in bed. Kahit na nasa personality nito ang pagiging hot at manly ay hindi mai-aalis ang ugaling maalaga nito at malambing. Wala pa man buwan ang relasyon nila ni Ethan ay ramdam na niya na mas clingy ito kaysa sa kanya.

Siya ang may tinatago noon na pagkagusto sa binata pero si Ethan ang mas may personalidad na mas madikit sa kanya.

Para bang gusto na lamang nito na siya lang ang maging spoiled sa relasyon nila kahit na hindi na ito.

Natuloy ang pagpunta nila ng Nueva Ecija para i-celebrate ang bagong taon at bago pa man sila makarating ay nasabi na ni Ethan sa pamilya nito ang relasyon nilang dalawa.

Noong una ay alanganin siya dahil sa nahihiya siyang magpakita. Sigurado kasi siyang tutuksuhin sila ng ilang pinsan ni Ethan at sa huli siya lang ang natukso ng mga ito.

Isa raw siyang pakipot na dalaga at si Ethan lang pala ang makakapag-patiklop sa kanya.

Halos ka-edaran rin nila ang mga pinsan nito na may mga asawa't anak na. Sila na nga lang naman kasi talaga ni Ethan ang napagiiwanan.

Sobrang namiss niya rin ang pamilya ni Ethan. Mas naging mainit ang pagtanggap ng mga ito sa kanya nang dumating sila at halos walang ibang mabanggit kundi kailan ang kasal at kung balak ba muna nilang magbuntis siya bago sila magpakasal ni Ethan.

"I'm happy that my son found his the one. Noon ko pa dinadasal na maguwi siya ng babae dito sa Nueva Ecija at ipakilala sa'min ang nobya niya. Akalain mong ikaw iyon, Kaye. Matagal na palang nadala ng anak ko dito ang mapapangasawa niya."

Sa narinig ay naginit ang pisngi niya sa tuwa. Ilang beses na rin naman siyang nadala ni Ethan noon sa Nueva Ecija pero wala pa silang relasyon nito dahil bilang magkaibigan lamang ang status nila. Ngayon ay talagang official ng matatawag na may relasyon sila.

"Salamat po, Tita. Aalagaan ko po si Ethan gaya ng pag-aalaga niyo po sa kanya noon," sambit niya.

Ang swerte niya sa magiging biyenan kung sakali. Hindi na niya kailangan pang makisama dahil huli na niya ang kiliti. Kahit sa ilan pang pamilya ng binata.

"Hinihintay na lang namin dito sa bahay noon na ibalita niyo samin na buntis ka na at kasal nalang ang kulang," wika nito.

Mas namula siya sa sinabing iyon ng Ginang. Kahit ang mga magulang niya nang tawagan niya ang mga ito lalo na ang Mama niya mula sa Australia ay gusto ng umuwi ng pilipinas.

Para mas maging maayos daw ang pamamanhikan ni Ethan tng pamilya nito sa kanila at ma-plano na ang magiging kasal bago pa man siya magbuntis.

Iba nga naman talaga kapag ang edad ay patapos na sa kalendaryo. Ang magulang na ang naguudyok na mag-asawa na sila dahil mahirap ang tumanda ng mag-isa at walang pamilya.

"Ma, ini-interview mo pa rin si Kaye. Nauubusan na ng oras sakin ang girlfriend ko," birong-pukaw ni Ethan maya-maya sa kanila. Lumapit ito sa sala kung saan nandoon sila.

Umupo ito sa tabi niya. Ang sarap marinig ng salitang girlfriend na siya nito. Sa matagal na panahon ay hindi naman niya akalain na si Ethan nga naman talaga ang para sa kanya.

Ito ang pinaka-memorable sa kanya na pasko. Para bang binigyan siya ng regalo ni Santa Claus na kailanman hindi niya kayang ipagpalit sa kahit anong regalo ang dumating dahil isang blessing ng regalo si Ethan para sa kanya.

Ethan's Mom, smiled. "Oh, siya. Sige pumanhik na muna kayo sa kuwarto niyo sa taas at tutulong lang ako sa kusina sandali para sa handa natin sa bagong taon. Alam kong pagod kayo sa byahe."

Nang makaalis ang Mama ni Ethan sa sala at iwan sila ay may binulong ang binata sa kanya na ikinapula ng kanyang mukha.

"Let's go. Bago magbagong taon gusto kong unahan sila sa paputok. I want you in my bed."

Tinampal niya sa dibdib ito at luminga-linga sa paligid sa kabuuan ng living room na kinaroroonan nila nito.

"Marinig ka ng mga pinsan mo. O, baka ang Tita Olivia pa ang makarinig. Nakakahiya!"

He chuckled. Kinurot nito ang tungki ng kanyang ilong. Hinalikan siya ng mabilis sa labi.

"Sinabi ko ng magpapaputok tayo ngayon."

"Ethan, naman!"

Malakas na tumawa ang binata. Ilan pa naman ang pinsan nito na mapang-asar kahit na may mga asawa't anak na ang mga ito ay ang tindi pa rin mag-asaran.

Hiyang-hiya pa naman siya kapag sa kanya natutuon. Hindi niya kayang pakinggan ang pangaasar ng mga ito grabe ang pula ng mukha niya sa hiya.

"Kaya kita inagaw kay Mama dahil halos nang dumating tayo dito siya na ang kausap mo," wika ni Ethan na mas lumapit sa tainga niya ang labi. "My buddy wants to talk to you too."

Hinigit siya ng binata at niyakap. "Kanina pa ako nanggigigil sayo."

Napalunok siya at hindi pinansin ang huling sinabi nito. "Nagusap kami ni Tita Olivia tungkol sa kasal, ipinakita niya sakin ang lote na binili mo daw para sakin. Kapag sinagot daw kita doon mo lang patatayuan ng bahay,"

Nangiti si Ethan ng mabanggit niya iyon. "Doon ako nagpunta noong hindi kita natulungan sa paghahanda para sa noche buena. I visited the place."

"Nagisip-isip ako kung tama ba na hinalikan kita noong kinabukasan nang magising ka. I felt guilty for what I've done. Inisip ko rin na baka lumayo ang loob mo sakin o lumayas ka na sa condo ko at hindi na magpakita."

Huminga ito ng malalim. "Akala ko paguwi ko sa condo wala na akong madadatnan na Kaye, but when I saw you-"

"Stop it! Wa-wag mo ng babanggitin nga iyan, Please. Na-nahihiya ako."

Laging binabanggit ni Ethan sa kanya ang pagkahuli nito sa kanya na nilalaro niya ang pagkababae niya. He even say that she do a naughty christmas scandal that he would really like to see more often. Hindi na daw niya kailangan na gawin iyon ng mag-isa dahil panonoorin daw siya nito ng walang sawa at sasamahan pa.

Nakakahiya man ay wala naman siyang magagawa para mabawi iyon at kung hindi dahil sa momentum na iyon ng buhay niya ay bigo pa rin siya sa lovelife. Ngayon kasama na niya si Ethan, nagpaplano na silang magpakasal at bumuo ng pamilya.

Parehas silang nagkakapaan ng nararamdaman ni Ethan noon. Hindi man lang niya napansin na maski ito ay attracted din sa kanya. Masyado siyang nasanay sa pagiging sweet at caring nito sa kanya simula pa lang noong mga bata sila kaya hindi niya naman din nahalata.

"Halika ka na sa kuwarto. Gusto na kitang panggigilan. Mamaya bagong taon na gusto kong maunang magpaputok."

Sa pangalawang pagkakataon ay natampal niya ito sa dibdib. Tumawa lamang ito at niyakap siya ni Ethan ng mahigpit halos mapahiga na siya sa inuupuan nilang couch.

"I love you, Babe. Higit pa sa pagiging magkaibigan natin. Mas lalo kitang poprotektahan at aalagaan. Sigurado akong mahal kita. Mabilis man para sayo itong mga sinasabi ko ay hindi ko kailangan bawiin dahil yon ang totoo."

"I love you too," hindi na niya alam kung ano pa ba ang dapat rin niyang idugtong o isagot sa mga sinabi ng binata.

"Hmm... let's get upstairs. Galit na talaga tong buddy ko. He wants to play with you."

✔The Christmas ScandalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon