Wakas ✔

471 6 0
                                    

                     Author's Pov

Hanggang sa nailibing na si claire at nagsisi parin silang lahat sa nang yayari kay Claire.

Samantalang si ysa at Ashton naman ay naghiwalay na dahil naalala nila ang katarantadohang ginawa nila kay claire at sa mga masasakit na salitang binigay nila.

Nag sisisi ang Mama at Papa ni Claire dahil di man lang nila ito napagabigyan at sinabihan pa ng mga masasakit na salita .

Si ash naman ay palaging pumupunta sa libing ni Claire at palaging humingi ng tawad sa mga nagawa.

Ngunit lahat sila ay napa-isip *babalik ba ang buhay ni Claire sa lahat ng sorry at pagsisisi ko? *
Yan ang isa sa mga iniisip nilang lahat.

***************

1 years later

                       Ysa Pov
Nandito ako sa libing ni Claire,dinadalaw ko kasi sya tuwing my free time ako.

Hindi ko parin matanggap na wala na sya,kong alam  ko  lang na huling bonding na namin yon sana sinulit ko nalang ang araw  na  yon.

Lahat ng kabaitan ni Claire na mi-miss ko,namis ko yong ngiti nyang hindi peke,walang Araw  na hindi kami humingi ng tawad sa kanya,lahat ng sakit na nararamdaman ko simula ng mawala sya ay hindi parin nawala.

Buti nalang pumayag ako sa inalok ni Claire nong time na yon dahil kong hindi habang buhay akong mag-sisi.

Tulad nalang kila mama at papa ngayon, hindi parin nila na tanggap na dalawang anak na nila ang nawala,kong sana pina-halagahan nila si Claire noon,kong sana man lang hindi namin sinisisi si Claire sa pagkamatay ni kuya,at higit sa lahat sana hindi ko rin niloko si Claire ang laki kong tanga eh,grabi yong pag sisi ko sa ginawa namin kay Claire.

Kong nasan kaman ngayon Claire sana masaya kana.

Sana napatawad mo na kami,sana hindi ka galit sa amin nila mama.

                     Ashton Pov

Nandito ako sa libing ni  Claire nadatnan ko pa nga si Ysa dito ngunit umalis din naman sya agad.
Simula nong mag-hiwalay kami hindi na kami nag uusap ulit dahil lagi kong naalala ang ginawa nami kay Claire.

Napagpasyahan naming maghiwalay,na realize ko lang kasi na mahal ko pala si Claire.

I hope Claire would be happy  now!!!

Pero alam ko namang masaya na sya kong nasan man sya ngayon,ang bait nya kasing tao,ang laki ko lang gago kasi iniwan ko sya nang walang kwentang dahilan,sya yong tipo nang tao na hindi nag tatanim ng galit,sinayang ko lang ang ilang taon naming relasyon ang tanga-tanga ko kasi sinaktan ko sya,Ang tanga-tanga ko kasi sinabihan ko sya nang mga masasakit na salita.

Sana nong humingi sya nang pabor sa akin noon sana tinanggap ko ang alok nyang yon hindi sana ako mag sisi ng ganito,ang laki ng kasalanan ko sa kanya hinayaan ko syang masaktan,hindi ko man lang tinanong kong ok lang ba sya kaya pala nong kami pa lagi syang ma putla lagi ring matamlay ang kanyang mga mata!

Lagi naman syang masaya non kaya lang makikita mo talaga sa mukha nyang may kinikimkim sya,hindi ko alam kong anong naramdaman nya nong time nayon,sana talaga tinanong ko sya kong anong nangyari sa kanya, lagi nalang akong nag sasabi ng "SANA" dahil lahat ng ginawa ni Claire noon ay binaliwala ko lang ngayon ko lang na realize na ang laking gago ko pala, hanggang ngayon lagi akong dinadalaw sa panaginip ni Claire, mas gustohin ko pa ngang matulog nalang dahil sa pag tulog ko nakikita ko si Claire na masaya habang mag kasama kami.

Isang taon na ang nakalipas ngunit lahat ng alala ko kay Claire ay sariwa parin,sariwa parin sa akin ang mukha ni Claire na parang natutulog lang,gusto kong umiyak at mag pagkamatay ngunit lagi ring tumatatak sa isip ko na lahat ng sakit na naramdaman ko ngayon ay kulang pato sa mga naramdaman ni Claire, tingin ko nga na ito ang naging kapalit sa mga ginawa ko kay Claire ,kong bibigyan ako ng isa pang pagkaka-taon gusto kong bumawi kay Claire,kaya lang Wala na eh,buti sana kong umalis lang sya o naglayas man lang kaya lang hindi eh, hindi na sya babalik, hindi na ulit ako magkaka-roon ng isa pang pagkaka-taong makasama sya.

Claire kong nasan kaman ngayon sana wala ng nanakit sayo dyan sana masaya kana dyan at sana rin mapapatawad mo kaming lahat.

**************************************

Huli Na Ang Lahat (Completed/edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon