Prologue

565 18 2
                                    

Kyle



Limang lalaki ang nakikita ko sa CCTV na umaaligid sa bahay na tinutuluyan ko sa California. A chill run to my vein and I immediately called my girlfriend— Talie.

"Hello dear," sagot ni Talie sa telepono.

"Move out of the house, Talie. Now."

"What's wrong?" nagtatakang tanong niya.

"Move out, now. There are guys in front of the house. Run at the back. Don't look back."

Hindi alam ni Talie ang trabaho ko, kung ano ako, kung sino ako. Ang alam niya ay nasa business conference ako ngayon. Hindi niya alam na nasa ibang bansa ako ngayon para sa aking misyon.


Ang limang lalaki ay nakapasok na sa bahay at narinig ko ang sigaw ni Talie. Nakikita ko sila buhat sa CCTV na nakakabit sa loob ng bahay.

"No," sigaw ko mula sa linya.

Marcus went beside me and he saw what I am seeing sa laptop ko.

"Dear God, how did they find out?" tanong ni Marcus.

Pinatatag ko ang puso ko. Walang kurap na pinanood ko kung paano pinagsamantalahan at pinatay ng limang lalaki si Talie. Sa bawat segundo na dumaan, kinabisa ko ang mukha ng bawat isa sa kanila.

They killed my girlfriend and burned my house.

"Kyle," basag ni Marcus sa katahimikan. "Don't hunt them alone."

Pero hindi ko pinakinggan si Marcus. Tumulay sa ugat ko ang galit para sa pumatay sa walang kalaban-laban na si Talie. 

Smile for Me - book versionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon