Chapter 1- Blackmail

251 16 0
                                    

Sam


"What?" naiinis na tanong ko. Tama ba ang pagkakaintindi ko? Ang name ni Kyle at word na bodyguard ay magkasama sa isang sentence?

"Calm down, will you?" Trish forced me to sit. They knew me! Oh, they knew I will kill them for this.

"Ano ulit ang sinabi mo, Lise?" I gritted my teeth.

She had the nerve to roll her eyes at me. "Si Kyle ang magiging bodyguard mo from now on—well, until mahuli ang nagpadala sayo ng death threat."

"Nabagok talaga ang utak mo pagkakalaglag mo sa bangin. Sino ang may sabing may death threat ako?" naghahamong tanong ko.

"Grabe siya, oh," sarcastic na sagot nito. "Nakita ko. Huwag kang magkaila." Dinuro-duro ako ng aling maliit. "Sam..." simula ni Marie na ever so calm and reasonable. "Be reasonable."

See? Ako pa ang hindi reasonable ngayon?

"We don't want to take this lightly. We knew we stepped on the line, that we decided this on your behalf—"

"Behind my back is the right term," I cut Marie.

I am not unreasonable, it's just that, I am on my own. I don't have to depend on someone else.

"Samantha! Hindi madaling makakita ng kaibigan sa ICU," pangaral ni Diane. "Hindi na namin kayang makakita ng kaibigan sa ICU," diin niya. "Don't do this to us. Kahit makipagbasagan ka ng bungo sa amin ngayon, kung iyon lang ang way para maging safe ka, then go ahead."

Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha. "Look. This is not new to me, okay? I eat death threats. That's all they are, threats. Don't take it seriously."

"Sam... We saw your point," simula ni Kaye.

"Well, thank you very much. Now that you saw my point, let's stop this craziness."

Umiling si Kaye "But you have to understand, you are more than just a friend to us. You are a sister to us. It's not only us girls that decided this."

"Oh my God. Annalise, ano ba 'tong ginawa mo?" nasapo ko ang mukha ko habang nakaupo. "Ang OA lang talaga, girls."

"Sam," Lise hugged me. "I saw how you cried for me. I saw how you all cried for me. I don't want to experience that. And I don't want them to experience it again."

"Blackmailing me, eh?"

I looked at my friends who looked worried and my heart slightly melted.

"May iba pa bang choice maliban kay Kyle?" umaasang tanong ko.

"Well, pwede rin si Ace," sagot ni Marie.

"Oh, no." Umiling ako. "He is a walking nightmare. Baka akalain ng iba ay naghahamon kami ng away."

"Mabait naman si Kyle," sagot ni Marie

Uh-huh.

"Tahimik pa," dagdag ni Lise.

"Ganda kaya ng katawan no'n. As in! Eight-pack 'yong abs," segunda ni Diane.

"Nakita mo?" tanong ni Kaye na nanlalaki ang mga mata.

"Oo naman. 'Yong V niya pababa, ay girl, well defined. Tapos may ano— karog kasi tawag sa amin no'n eh— sarap sundan pababa. Mag-gym ka minsan. Yummy kaya ni Kyle," Diane replied. Ang haba ng description ni Diane.

"Anong karog?" nagtatakang tanong ni Kaye.

"Karog—tong ng pubic hair," natatawang sagot ni D. Napatakip ng mata si Marie na parang maisasalba nito ang imagination niya.

"Akala ko ba si Tristan ang crush mo?" nang-aasar na tanong ni Trisha.

"Excuse me, Trish. Iyong kakambal mo ang may crush sa akin," nagmamalaking sagot ni Diane.

"It will be alright, Sam. Please? For me? Can you do this for my peace of mind?" Lise whispered to me.

"Kapag iyang bodyguard n'yo, binigyan ako ng problema," banta ko kay Lise at Marie.

"Hindi. Mabait si Kyle as in," Marie replied smiling. "Sasabihin ko na kay Red na pumayag ka ha?" 

"Huwag mong kalimutang sabihin na na-blackmail ninyo ako."

Natawa ng bahagya si Marie. "Wala namang gano'n na nangyari. Meron ba Lise?"

"Wala. Kusang pumayag si Sam." At pinagtulungan pa ako ng dalawang ito.

"Oo nga... Tangina 'yong V sa may abdomen, pucha... naglaway ako," malakas na wika ni Diane na ikinaikot ng mga mata ko.

"Kailan siya nasa gym?" natatawang tanong ni Kaye.

"Message ko kayo kapag nakita ko," sagot ni Diane.

Mabuti na lang at walang ibang tao sa spa ni Cheska ngayon. Nakakahiya itong babae na ito, kalakas ng boses.

"Eh si Marcus, maganda rin ang katawan?" biro ni Marie na nakisali na sa kalokohan.

"Ay, hindi ko pinapansin. Maingay kasi si Marcus," sagot ni D na ikinalingon naming lahat sa kanya. Maging si Cheska na nananahimik ay lumuwa ang mata kay D.

"Teka, si Marcus, maingay? Naingayan ka sa kanya?" Lise asked in disbelief.

"Akalain mong may mas maingay pa sa iyo?" I commented that made some of my friends giggled.

"D'yos ko, oo Samantha. Would you believe that?" manghang tanong ni Diane na ikinailing naming lahat.

"Tangina, supportive n'yo ah!" naaasar na natatawang sagot nito sa amin na ikinatawa namin. "Si Samantha parang may lihim na galit sa akin. Dahil ba kay Kyle?" nang-aasar na tanong ni Diane.

Natatawa itong umilag sa slipper na binato ko sa kanya.

"Hindi ko type iyon, Diane. Aanhin ko ang abs na tambay sa gym?"

"Whoa..." nang-aasar na comment ng mga kaibigan ko.

"'Oy matalino si Kyle," seryosong pagtatanggol ni Marie.

"Matalino raw, Sam. 'Di ba, iyon ang hanap mo?" sabat na naman ni D.

"Paano mo nalaman?" balik na tanong ko kay Marie.

"Paano mo raw nalaman?" sabat na naman ni Diane.

"'Di ba, naging bodyguard ko siya? Siya rin ang gumawa ng voice command na ginamit ko noong pipi achuchu ako kunwari."

"Ah, si Rufa Mae," Kaye commented. "Nasaan na iyon?"

"Iyon ang unang itinapon ni Red nang dumating ang mga gamit ko noon galing Japan," natatawang kwento ni Marie.

Ewan ko ba kung bakit may kakaibang ngisi si Diane ngayon na ikinaiinis ko. Tumataas-taas pa ang mga kilay nito sa akin nang matingin ako sa kanya. Tanginang Diane, lakas mangbuska.



Smile for Me - book versionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon