Chapter 34
Dahil sa pagod ko ay limang oras akong natulog. Nagising ako nang mag 6 pm na kaya bumangon ako at dumiretso sa banyo para maghilamos. Pagkalabas ko ng banyo ay pumunta muna ako sa kama at umupo, kinuha ko ang phone ko sa bedside table. Tiningnan ko iyon kung may mga text o tawag ba na importante. May mga nabasa naman akong text galing kina Jianna at Kylie, kinakamusta ako. I even saw Ayi's message, kinakamusta rin ako. Ayi had a business and it's all about gowns and dresses. She's a fashion designer. Maganda ang takbo ng business niya kaya she's a famous designer now.
Pagkatapos kong magbasa ng message ay bumaba ako. Tamang tama at naghahanda na sila Manang ng hapunan. Nakaramdam agad ako ng gutom.
Tinawag ko na rin si Donny kaya nang makababa siya ay nagsimula na kaming kumain. Masaya kaming kumakain at nag-uusap. Tinatanong kami ni Daddy at Mama kung kamusta ang araw namin kaya sumasagot rin kami ni Donny. Hanggang sa matapos kami sa pagkain ay tumulong ako sa pagliligpit ng pinagkainan. Nakatulog naman ako kanina kaya baka matagalan ako sa pagtulog mamaya.Wala naman akong gagawin bukas dahil Sabado naman. Dito na lang siguro ako sa bahay, magbabasa ng libro o kaya maglinis ng kwarto. Pagkatapos kung manghugas ng pinggan ay pumunta ako sa kwarto ko. Naisipan ko kasing movie marathon na lang hanggang sa makaramdam ako ng antok mamaya. Pumili na ako ng papanuorin ko pinasok ko na sa dvd player ang napili ko.
Pumunta ako sa bedside table para kunin ang cellphone ko bago umupo sa kama para manuod ng Me Before You movie. Ilang minuto pa lang na nagsimula ang movie ay tumunog ang phone ko. Pinause ko muna ang movie at sinagot ang tawag.
"Hello?" sagot ko.
"Hi,baby. How are you?" I smiled when I heard his husky voice.
"I'm fine, ikaw?"
"I'm also fine. Anong ginagawa mo ngayon?"
"Ahm, nanunuod ako ng movie ngayon, nagpapa antok. Natulog kasi ako kaninang hapon."
"Oh, okay."
"Ikaw, anong ginagawa mo ngayon?"
"Kakatapos ko lang magbihis at naisipan kong tumawag sayo kaya tinawagan kita. I miss you, baby."
"I miss you too, babe. Kamusta ang trabaho?"
"It's okay. Marami akong pinermahan na mga papeles at nag attend ng meeting kanina."
"Aww, you must be tired, babe. Hindi ka pa ba matutulog?"
"Nah, I'm okay. Mamaya na ako matutulog."
"Oka-"
Naputol ang sasabihin ko ng may kumatok kaya nagtataka akong tumayo sa kama at pumunta sa pintuan.
"Wait, babe. Someone's knocking at my door."
Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ko at nakita ang nakangiting mukha ng kapatid kong unggoy. Napabuntong-hininga ako at napataas ng kilay. Nique is still on the phone.
"Ate, pwede bang matulog dito?" tanong ni Donny.
"Bakit?"
"Kasi nabo bored ako sa kwarto ko. Sige na, Ate, minsan lang naman akong natutulog dito. Sige na, pumayag kana. Please?"
"Okay."
Binuksan ko ng malapad at agad namang pumasok si Donny at umupo sa kama ko. Sinarado ko naman ang pinto at naglakad papuntang kama.
BINABASA MO ANG
The Adler Academy
FantasiaStatus: Completed (Editing) She is Selene Valdemore. Growing up, Selene was a kind, obedient, intelligent, and responsible child. Along with her grandmother, Amelia, they lived quietly in the human world. But as she grew older and into adolescence...