PROLOGUE

15 3 0
                                        

Ano ba magpapadala ka ba? kase kung hindi ibaba ko na tong tawag na to istorbo lang kayo sa akin eh, Ganyan naman palagi wala naman talaga kayong paki alam sa akin , Ngayon nga lang ako hihiling saenyo hindi niyo pa maibigay . 

Pagkatapos kung sabihin yun binaba ko na ang telepono , Anong klaseng magulang sila IPHONE 12 PRO MAX lang hindi nila maibigay . Ano pang silbi ng pagtrabaho nila sa ibang bansa .

Andito nga pala ako ngayon sa bahay ng kaibigan ko nagkayayaan kaseng mag inom,  Madalas na din naman kami dito kaya sanay na akong makitawag sa telepono nila sa tuwing dito ang venue ng tropa , 

Aileene shot mo na oh 

Kinuha ko ang alak tsaka nagsalin sa shot glass sabay lagok, Nakakailang bote na rin kami ng beer ng magkayayaan ng umuwi, Pasado alas 9 na ng gabi kaya medyo may tama na ako.

Pagdating ko sa bahay dumiretso na ako sa kwarto ko, Sobrang nahihilo na ako kaya naman nahiga na agad ako para sana makatulog na kaso hindi pa man ako nagtatagal sa higaan   ay nasusuka na agad ako kaya dali dali akong tumayo upang tumakbo papunta ng comfort room. Nang nakontento na ako at feeling ko nailabas ko na lahat ng nasa tiyan ko saka pa lang ako lumabas ng banyo ,Hindi na rin gaanong masakit ang ulo ko dahil narin siguro nailabas ko na lahat ng nainom ko kanina kaya naman  naligo muna ako bago natulog.

Kinabukasan nagbubunganga na naman si Lola, Siya na lang kase ang kasama ko dito sa bahay dahil ang nanay at tatay ko ay parehong nagtatrabaho bilang domestic helper sa ibang bansa , 

Naku Aileene gusto mo bang magaya ka sa ibang mga ka baranggay natin na maagang nabubuntis dahil sa painom inom na yan, Noong panahon namin kapag alas 6 na ng gabi kailangan nasa loob na kami ng bahay , samantalang ikaw na bata ka anong oras kana umuwi tapos lasing ka pa , Ano na lang sa tingin mo ang sasabihin ng mga magulang mo kapag nalaman nila ang mga pinaggagawa dito , Siguradong sasabihin na naman noon kinukonsenti kitang bata ka, 

Blah,blah,blah,blah, Ano ba yan La, hindi pa nga ako nakakapag mumog nagsesermon kana dyan, Ang dami niyo na agad sinasabi , Nakapagluto na ba kayo ng almusal gutom na gutom na ako alam niyo namang kagabi pa ako hindi kumakain ,Siguro naman alam niyo na ang gawain niyo dito sa bahay, Total nasa iyo naman na ang lahat ng perang padala nila nanay. Sige na nga ipaghanda mo na ako ng makakain at kape para naman may silbi ka kahit papaano sa bahay na ito.

Dumiretso na ako sa lababo para maghilamos, Habang naghihintay ng pagkain ko umupo muna ako at tumingin ng mga bagong post ng mga kaibigan ko sa social media , Nakita ko ang post ni Miya na iphone na pinadala sa kanya ng tita niya na sa abroad na nakatira dahil nakapangasawa ng kano kaya naman mas lalo lang akong nainis dahil naalala ko nA naman ang usapan namin ni mama kahapon., sa sobrang inis ko tumayo na ako at pinuntahan si Lola sa kusina na naghahanda ng pagkain ko. nagulat pa siya ng bigla akong magsalita.

Hindi na pala ako dito kakain, pahingi na lang ako ng pera may bagong bukas na restaurant jan sa malapit doon na lang ako kakain , Ang bagal-bagal mo kaseng kumilos mamamatay na ako kahihintay wala ka pa rin ,

Maupo kana doon apo at tapos na rin ako dito pinakuluan ko lang ulit itong sabaw dahil maigi ito sa hang over  dahil kamo nakainom ka kagabi.

Ayaw  ko  na ngang kumain dito, hindi mo ba naiintindihan palibhasa matanda kana kaya mahirap ka ng makaintindi . Ang sabi ko bigyan mo ako ng pera.

Apo wala na tayong pera alam mo naman na hindi pa nagpapadala ang mga magulang mo dahil anong petsa palang diba alam mo namang sa katapusan pa pereho yun magpapadala. Yung natira kaseng pera naipamalengke ko na kahapon para hindi tayo maubusan ng stock,.

Hindi ko na siya pinatapos magsalita , dumiretso na lang ako sa kwarto nya total alam ko naman na kung saan niya tinatago ang mga perang pinapadala ng mga magulang ko kaya ako na lang ang kukuha,Pagbukas ko ng drawer may nakita akong 5k sa loob kaya naman kinuha ko yun lahat. Bago bumaba para magpalit ng damit , nakita ko ang  matanda na kumakain kaya naman nilapitan ko siya , 

DOMESTIC HELPERWhere stories live. Discover now