CHAPTER 6

19 4 1
                                    

Kristen..

"wow ten-ten ang gara dito ohh.. saka ito ten ang ganda ng lamesa nila saka mukang mayayaman nakain dito!!"
napaka bano talaga nakakahiya!
sa isang magandang restaurant kasi kami dinala ni El. kaya itong isa banong bano

"ano kaba len-len itahimik mo nalang yang bunganga mo o di kaya takpan mo" may gigil at mahina kong sabi.

"ay mabaho ba nalimutan kong mag sipilyo kaninang umaga e.." sabay takip sa bibig narinig ko naman ang mahihinang pag tawa ni El.. kaya napatingin ako dito!!

"nakakatawa talaga kayong dalawa" sabay tawa ulet..
napa tulala pa ako saglit parang tumigil mundo ko habang naka titig sa mala dyosa nitong mahihinang pag tawa

"hoyy..ten tinatanong ni miss El. kung ano order mo!?" mula sa narinig ay natauhan ako..
"ha!!! amh kahit ano nalang" sabay kamot sa batok..ko

"Ako miss El. burger tapos fries spaghetti saka chick- Arayyy!!!"ganti ganti lang wala kasing kahiya hiya kaya sinipa korin ang paa ni helen ano to Jollibee!!

"len hindi ito Jollibee!!"sabi ko

"its okay meron sila nun dito pero wait len-len may masakit ba bakit ka napasigaw" tanong naman ni El nagtaka siguro

matulis ko naman tiningnan si helen sa mata para di niya sabihin ang ginawa ko.

"ehh- ano m-may kumagat sa paa ko!! langgam ata yun" napakunot naman ang noo ni El.

"langgam!!! dito? saan! at tatawag ako ng-"

"wag na El. isang langgam lang yun saka napatay kuna" sabi ko nalang

"okay.. yun lang ba order mo lenlen ikaw tenten!?" tanong ulit ni el.

"ahh hati nalang kami ni len-len miss El. nakakahiya marami na syang na order" nahihiya ko naman sabi dito

"okay lang umorder ka nang kahit ano ako bahala!!" sabay ngiti ng matamis nag init tuloy mukha ko feeling ko pulang pula ako

"hala ten.. napapaano ka pulang pula ka ohh.."si helen
nahiya at napatungo nalang tuloy ako pero bago yun nakita kopa ang paghanga sa mga mata ni El. habang nakatitig sakin..

takte naman ohh wag kang ganyan el mamatay na ako sa mga titig mo yung puso ko nagwawala na pati.. napa inom nalang ako ng tubig feeling ko kasi mahihimatay ako

Narinig ko nalang ang pag tawag ni El. sa waiter at nag order na sya nang kakainin namin

kumakain na kami pero parang hindi ako nabubusog dahil minamasdan ko lang kung paano kumain si el. sobrang hinhin babaing babae hindi tulad nitong katabi ko..parang wala nang bukas kung lumamon tssk patay gutom talaga hindi na nahiya kay el ko. napailing nalang ako

"why tenten hindi ba masarap yung pagkain"si El. napansin nya siguro pag iling ko

"hah masarap!!! masarap tong spaghetti"
sabi ko..

"ten chicken yang kinakain mo" singit ni helen.. takte..naloko na!!!

"ha!! chicken pala to! bat ganun lasang spaghetti hehe" natawa naman si El. sa naituran ko kaya eto na naman ako namumula..

"hahaha ang cute mo talaga tenten"si El. lalo yata akong namula..

"okay kalang ba talaga ten mukha kanang kamatis" dali tuloy akong tumayo at pumunta sa rest room.. nakakahiya pagka rating ko roon nag salamin agad..ako at tama nga si helen..pulang pula nga ako

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 26, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Beloved You El..Where stories live. Discover now