Gusto ko lang ilabas to. Yung nag-visited ka sa profile niya at nakita mong may conversation sila dun about sa true story niya.
Ang pinakahate ko sa lahat nang mga true story is yung hindi nila tinatago ang real name. Tinatanong niyo kung bakit ako nag-gaganito? Let me explain.
Yung nag-away kayo nang kaibigan mo tapos nag-post siya nang story na about sa away niyong mag-kakabarkada. Ni hindi pa tinago ang pangalan namin at pinagmukha AKONG masama. Aba ano yan teh? Gaguhan?
Okay lang naman mag-labas nang hinanakit pero wag isali yung privacy namin. May buhay po kami.
Thankful ako dahil bati na kami ngayon pero yung conversation nila sa MB niya e, masakit.
Sinabihan pa akong hindi totoong kaibigan nang kausap niya. Ang sarap mag-reply nang: "Wow, kung makapag-sabi nang ganyan akala mo kilala ako sa totoong buhay. You don't know me. Mark my words."
Naiiyak ako sa sama nang loob. To think na pwede naman niyang idelete yung story niya kasi, tapos na ang away. Tsk. People nowadays.
Alam kong may karapatan tayong mag-bahagi nang sariling opinyon pero know your limitations.
#HugotMuna