Madali lang pakisamahan si Eunchi kaya madali ko rin siyang nauuto, joke, madali ko rin siyang nakaclose, mukha nga lang kaming magkaibigan kapag nag-uusap, 2 days na akong nagtatrabaho bilang tutor niya dito pero wala parin akong nalalaman sa pamilya nila, Gusto ko pa kasi silang makilala ng lubos, sobrang bait kasi nila sakin, kaya anong nangyari, mukhang maiispoiled ako dito.By the way Eunchi is already 15 years old, pero mas mukha pang dalaga sakin, ang unfair nga naman.
ಠ︵ಠ
Nandito kami sa study room niya, excited ako kasi ngayong araw, itutoor daw niya ako sa buong bahay nila. Wahh. I'm so very very excited.
Ilang oras lang ang ginugol ko sa pagtuturo sa kanya ng english, well madali lang naman siyang turuan at madali siyang makagets, naikwento niya kasi sakin kahapon, sila ay Korean, muntik pa nga akong di maniwala kung hindi lang siya nagsalita ng Korean Hangul.
Kaya may pag-asa na akong matutong mag-korean,madali lang naman siyang utuin, haha joke. I'm kidding.
Sinimulan na niya akong dalhin sa kwarto na magkasing-tabi lang ng study room niya, may nakalagay sa pinto na "Computers Room" wahhh! May sarili na silang kompyuter shop! binuksan ni Eunchi ang pinto at bumungad ang napakalaking vase sa harap namin, grabe naman, magkano kaya kapag binenta ito? Kasya na sigurong pampuhunan ni mama sa ipapagawa niyang maliit na tindahan. Ano kaya? Hmm
>.<
Inilibot ko ang mga mata ko sa malaking kwarto na kinaroroonan namin, may mga gaming chair at swivel chair na nakatapat sa mga table na merong computers. Ang ganda naman. Dito nalang ako magkokompyuter kapag manonood ako ng live concert ng Astro. Pero syempre marespeto naman akong tao, kaya magpapaalam naman ako hehe.
=_=
May mga paintings din na nakalagay sa kulay gray na dingding. Hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin nung mga nasa paintings magulo pero sigurado may meaning lahat ng ito. Inilibot ko ang mga mata ko sa loob ng kwarto, inisa-isa rin ibinahagi ni Eunchi sakin ang mga gamit na nandoon na hindi ko alam kung ano ba iyon, kasi wala yun sa bundok e. Char
Nagpunta rin kami sa Dressing Room, Guesting Room, Kitchen, Backyard, Living, Dining Area, ano pa ba? Napunta rin kami sa SLEX AT NLEX, pero charot lang yun syempre. Grabe ang bahay na ito. Kulang nalang magkaroon ng Mini MOA ARENA dito. Ang laki, ang daming kwarto. Nagkakandalito-lito na nga ako kung nasaan talaga yung pinakabahay nila e.
Ang pinakahuli namin pinuntahan na room ay yung music room. Nakakamangha dahil puro Instrument ang nandito.Haha tanga ko naman, kaya nga music room. Ay ang bobo ko! Bakit ba nakapagtapos ako ng college ng ganito pag-iisip ko!!
Saglit kaming napatambay ni Eunchi sa room na ito, pinaupo niya ako sa gray na sofang mahaba, mahaba pa sa... sa ano... sa pasensya ko syempre, na katapat ng maraming mic.
Napaisip ako bigla, sino kaya yung tumutugtog dito, mukhang gagawa ng banda. Wahh. Gusto ko yun. Pero... Hmm.
Kumuha si Eunchi ng isang maliit na violin at umupo sa couch na nasa harapan ko.
"Marunong kang tumugtog niyan?" curious na tanong ko sa kanya na ikinatango niya, Woahhh. Talented Eunchi. Ang cute, Sana ako din. Huhu
Inumpisahan niya ng kalakwitin ang string ng violin gamit ang stick nito.
A/N; ( You can play the song in the media,
TITLE : ALL NIGHT BY ASTRO)Itinugtog niya ang isa sa favorite song ko ng Astro, Wahhh, Lord pwede po bang mainlove sa babae? Huhu joke lang, kasalanan pala yun pero bakit kasi ang galing niya. Naiinlove tuloy ako. Hindi joke lang pala.
Marami siyang itinugtog pero Astro lang pinakamaganda sa pandinig ko. Haha ang mean. Maganda naman lahat pero syempre.
(TT)
Ilang oras kaming nandoon kaya merong isang yaya na kumatok at pinapababa na kami upang kumain, agad naman kaming sumang-ayon at mabilis na iniligpit ang ginamit naming mga instrument at upuan.
Pagkalabas namin sa kwarto merong nakakuha ng atensyon ko. Sa katabi kasi ng Music room meron pang isang kwarto na kulay white yung kulay ng pinto at may kumakinang na gold na may nakasulat na " E.W- C ROOM" ang gara naman, lalagyan lang ng pangalan gold pa. Yung kwarto ko nga Pentel pen lang okay na, eto iba.
Hmm anyway, ano kaya ang laman nitong isang kwarto na ito. Matanong nga kay Eunchi.
"Eunchi what's the meaning of this name in this roo--"
"Eunchi, go down here, you can eat na!!" sigaw ng isa pang yaya.
Panira ng moment, hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. Mamaya na nga lang, nagugutom narin ako e.
Bumaba na kami at nagpunta sa dining area, bumungad sakin ang lalaking nakaupo sa left side ni Ma'am Ivy.
O_o
Ehh! Magkano kaya siya ay este sino kaya siya? Ang gwapo naman.
"Cherry and Eunchi, seat here" pang-aalok ni Ma'am Ivy ng makita kaming hindi pa umuupo. Tumango nalang ako tsaka dali daling umupo sa tabi ni Eunchi at.. hehe
Kaharap ko yung gwapo. Mainggit kayo. Blehh.
"By the way this is Lucas, my husband and Eunchi's Dad." huh? Ano daw? Husband? Ang akala ko Kapatid lang ni Eunchi si Ma'am Ivy, ah baka mali lang ako ng pagkakarinig.
" Ano po Ma'am Ivy, pakiulit nga po, medyo hindi ko po kasi narinig hehe".
" This is Lucas, my Husband, asawa, and Eunchi's Dad. Did you get it?" tanong niya sakin ng may ngiti sa kanyang labi.
What is the meaning of this!! Charot haha, Edi anak nga ni Ma'am Ivy si Eunchi, anak ng... Akala ko pa naman magkapatid lang sila. Tapos itong gwapo na ito may ASAWA na... IHHH Ayoko na, pinaasa ako.
(〒﹏〒)
"A-Ah haha hehe, akala ko po magkapatid lang kayo ni Eunchi, sobrang bagets niyo kasi. " nahihiyang saad ko.
"Haha no, actually I'm turning 30 next month. Mukha lang bagets pero sa age nevermind tayo. Anyway, Hubby this is Cherry, the new english tutor of Eunchi." pagpapakilala niya sakin sa asawa niya sabay ngiti.
Tumingin naman ako kay Hubby ay este Sir Lucas, bakit ba nakiki Hubby ako. Tsk. Nakangiti rin siya sakin kaya ikinaway ko sa kanya ang kanang kamay ko sabay sabing "Nice meeting you po Hubb-- ah eh Sir Lucas" at saka ko siya nginitian ng malapad.
Nakigaya lang kay Ma'am Ivy e, bat ba? Baka ano e... baka sakaling magustuhan niya din ang pagngiti ko, mainlove saki , hehehe, cheret, baka madoble yung sampal sakin ni Ma'am Ivy nung last.
" Ah, ikaw pala yun, so how old are you Cherry?" wow, haha bakit kailangang tanungin yung age ko? baka gusto akong ligawan. Hehe
Sa mag-iisang linggo kong pamamalagi dito at pagtututor kay Eunchi, ngayon ko lang nalaman na may asawa na pala siya at may anak.
Tatampo tuloy ako, bakit ngayon lang nila sinabi. Hmmp!
"I'm 23 years of age po, my hobby is you. Ahehe joke lang po" pagbibiro ko. Pero totoo yun.
O_o
" You are funny hah, by the way let's eat" pag-aanyaya niya, pero diko mapigilang mapangiti sa sinabi niya.
Ang harot harot ko na ba masyado? Sorry ako lang ito e. Mwehehe mainggit kayo!
-CUTIEPIEBABYGIRL_24
YOU ARE READING
" I'M JUST A FAN-GIRL " [ON GOING]
RomanceFangirl or I'm only just a Fangirl? @CUTIEPIEBABYGIRL_24