PROLOGUE.

8 2 2
                                    

marami pong maling grammar at spelling sa story na ito dahil hindi po ito edited so kapag perfectionist ka bawal ka dito.

This is a work of fiction. All names, character, places, event, or incident are either products of author's imagination, or have been used fictitiously, any resemblance of actual persons, places, Events, are purely coincidential.

No part of this book maybe reproduced or transmitted in any forms by any means, electronic or mechanical, including photo copying, recording or by any information storage and retrieval system, without written permission from the author.

"May rally na naman sa labas"

"oo nga eh,hanggang kailan kaya matatapos 'to"

"makisali kaya tayo?"

"mapapahamak lang tayo."

Bulong-bulungan ng mga bawat estudyante na nakakasalubong ko.Pinag-uusapan nila ang rally na nagaganap sa labas ng Diliman campus.Mga estudyanteng may mga pinaglalaban at gustong iparating sa Gobyerno.Hindi man lang nila napapansin na nakakasalubong na nila ako.

"GOOD MORNING MS.VALERINA!"Bati ng mga estudyante ko,pagkapasok ko sa kanilang room.

"Good morning too,my fellow students."magiliw na bati ko sa kanila. 'Saka sila pinaupo.

"May binigay ba akong assignment sa inyo kahapon?" Tanong ko sa kanila.

"Wala po"

"Good,Dahil diyan may surprise quiz kayo!"masayang bati ko sa kanila.

Natawa naman ako nang makita ko kung paano manlumo ang mga muka nila at paano bumagsak ang mga balikat nila.

"Ma'am naman eh!"

"kagagaling lang po natin sa bakasyon!!"

"oo nga po,magkwentuhan po muna tayo ma'am!!"

"Sige na po plsss!!"

"Plss po ma'am!!plsss!!!"

Sabay-sabay na sabi nila.Haystt kwentuhan na naman hanggang makalimutan ko na naman ang ipapaquiz ko,Sabagay kagagaling nga lang naman nila sa bakasyon.

"Ok,ok fine!"

"yehey!!!"tuwang-tuwa sigaw nila.

"So ano an---"

"Excuse me po?kayo po ba si Ms.Sophia Valerina?"

Napahinto ako sa pagsasalita,Nang may kumatok at nagtanong na isang lalake sa pintuan ng room.

May bitbit siyang isang bouquet ng bulaklak at cake.

"Ahm yes po?ako nga po?"nakangiting sagot ko.

"Ah ma'am may nagpapabigay po sa inyo eh"nagpapabigay?anong meron?.

Lumapit ako sa pintuan para tignan kung ano yung mga bagay na yun.

"Para sa akin po?"tanong ko kay kuya.

"Opo ma'am"

"Kanino daw po galing?"tanong ko ulit.

"Pasensya na po pero mahigpit po niyang pinagbawal na wag daw po sabihin kung sino siya."

"Ayieee si ma'am!!may secret adimirer!!!"

"Nagdadalaga na si Ma'am Hahaha!"

"Pumapag-ibig na!!"

"Ma'am invite niyo po ako sa kasal!!"

Pang-aasar ng mga estudyante ko sa akin.

"Class, 'di ba sabi ko,kapag may kausap ako wag maingay."

"yan ikaw kasi jena eh!"

"ba't ako!?"

hayst nagsisihan pa.

"sorry po ma'am!"

"sorry po"

"Sige,wag na maingay."

Tumahimik naman sila at bumalik na ulit ang atensyon ko sa dala-dala ni kuya.

Kinuha ko yung isang bouquet ng bulaklak at inamoy 'yon.

Fresh na fresh pa,may napansin akong letter sa loob,babasahin ko na sana kaso inabot pa sa akin ni kuya yung cake.

"Picture na lang po ma'am."

Kahit hindi ko gusto,pumayag na lang ako.Baka kasi part ng trabaho nila.

"Ayieee si ma'am!!!"

"may nanliligaw na kay ma'am!!!!"

"huhu pre 'di na single si ma'am!!!"

Sigawan ng mga estudyante ko nang makaupo ako sa upuan ko.

"Class quiet,sige kapag hindi kayo tumahimik itutuloy ko yung quiz natin." Pananakot ko.

"Ito naman si Ma'am hindi mabiro!"

"sorry po ma'am hehe"

Binasa ko yung nakasulat sa papel na nakasiksik sa loob ng bulaklak.

Happy Birthday,enjoy your day and don't stress yourSelf too much,Be happy always.I Love you!and see you....My Queen.シ︎

~Clueless

May nakadikit din dun na isang petal ng gumamela.Hindi ko maintindihan kung ano mararamdaman ko.

Magiging masaya ba ako?maiinis,magagalit,malulungkot,ewan ano!!!.

Ang tagal na!ang tagal tagal na!bakit nagparamdam pa siya!.

Sampung taon na...

Your flaws makes you Perfect.Where stories live. Discover now