Chapter 14
Dedicated to my newest friend dito sa wattpad, Bebe Biancs! ^__^ Ang reader na umaapaw sa sweetness. *O* Love ka ni Ate! Mwaaaaahugs! >0<
See a picture on the side. *U*
*****
(Lauren's Point of View)
Nang makarating ako sa boarding house agad kong kinuha ang isang box sa ilalim ng kama ko...
Kinuha ko mula do’n ang picture naming pamilya, unti-unting tumulo ang luha ko. Nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon at patuloy akong masasaktan hangga’t hindi ako nakakapaghiganti sa pumatay sa kanila.
Kinuha ko ang isang baril mula sa kahon... Hinawakan ko ito... Ngayon ko nalang ‘to ulit nahawakan matapos kong makuha sa lalagyan ni daddy ito nung bata ako. At sisiguraduhin ko, sa muling paghawak ko dito ay ipuputok ko na ‘to sa taong pumatay sa kanila...
Ibinaba ko na ito at kinuha naman ang isang litrato... Tinitigan ko ito... Bakit hanggang ngayon hindi pa rin kita makita? Hindi ako matatahimik hanggat hindi ako nakakapaghiganti sa’yo... Dahil ikaw ang dahilan kung bakit hindi ako mabuo-buo...
**flashback**
Kakauwi lang namin galing sa libing nila mommy. Hindi ko na ito pinatagal pa, dahil lalo lang akong nasasaktan pag nakikita ko silang nakahiga sa parihabang lalagyang iyon at wala nang buhay...
Dumiretso kaagad ako sa kwarto nila daddy at may kinuha ako sa ilalim ng kama nila...
Baril...
Bakit ko alam na may baril dito? Dahil nakita ko na ito minsang hawak ni daddy, tinanong ko pa si daddy noon tungkol dito. Sabi niya para sa proteksyon lang daw. Proteksyon? Yun pala ito ang kikitil sa buhay nila ni mommy. Kinuha ko ito at inilagay sa bag ko...
Mula nung mangyari ang insidenteng iyon. Si tita na ang nag-asikaso sa’kin. Siya na ang nag-alaga. Kapatid siya ni mommy. Mula nung mangyari iyon... hindi na ako makausap ng maayos. Kahit nakita ko ang mukha nung isang lalaking pumatay kay daddy at mommy, hindi ko ito masabi sa mga pulis dahil na rin sa takot na baka balikan nila ako. Gusto ko... ako mismo ang maniningil sa kanila.
“Bihis ka na ba Lauren?” tanong sa’kin ni tita, pupunta kami sa bahay niya ngayon. Doon na daw ako titira para makalimutan ko na ang mga nangyari... Sana nga ganun kadali, pag lumipat ng bahay, nawala na kaagad sa alaala ko ang lahat... Pero hindi, dahil higit pa sa kung anumang sakit ang nararamdaman ko ngayon.
Lumabas na ako ng kwarto, “Sige, doon ka na muna sa baba. May kukunin lang ako...”
Bumaba na nga ako, lumabas ako at pinagmasdan ang paligid. Lahat ng masasayang alaala namin bumabalik. Unti-unti na namang tumulo ang luha ko. Pinahid ko ito... kelangan kong maging matatag. Para kila mommy at daddy.
![](https://img.wattpad.com/cover/3263256-288-k340092.jpg)
BINABASA MO ANG
The Double Personality Gangster
RomanceWhat if the one you love has a double personality? Pa'no kung ang isang side lang niya ang gusto mo? Handa mo bang tanggapin ang isang side niya na ayaw mo? O iiwan mo nalang siya dahil ayaw mo sa isang side niya? [IILWTBB:SS]