TDPG - 4

80.3K 1.1K 78
                                    

Chapter 4

 

HAPPY 12/12/12 :)))))))))

Waaaaaaaah~! Mag-uupdate ako kasi birthday ni Seung Ri ngayon. HAPPY BIRTHDAY TO OUR MAKNAE~ Love na love ka ng writer na ‘to. Lezz date later. XD

22 palang siya. Matagal pa siyang sasabak dun sa Military Training ng Korea. :3

NOTE: I SO LOVE MY RIRI MY LOVES <3 <3 <3 May dinner date kami mamaya. HAHAHAHAHA! XDDDD

 

 

*****

(Lauren’s Point of View)

Naglalakad ako sa may hallway papunta sa locker room. Ilang araw na ang nakakalipas nung sinabi ni Lharby na i-date ko daw siya. Tsss. As if naman totoo yon? E napaka-busy ata nun lalo na sa  mga frat wars nila. Hindi ko alam kung anong purpose ng frat nila sa school. Basta bumuo lang yung mga seniors nila ng ganun. Puro away at gulo lang naman ang hanap. Kaya nga mas itinuturing silang gangsters kesa sa mga ordinaryong member ng frat lang. Dahil halos araw-araw ay may pinagtitripan ang grupo nila. Kilala sa school ang grupo nila, lalo na ang dalawang itinuturing nilang pinuno, si Lharby nga at yung isa si Aldrin ang pangalan. Grumaduate na kasi yung mga seniors nila kaya sila na ang inatasan na maging mga pinuno.

Bakit ko alam? Dahil...

 

*beep*

 Agad kong binuksan ang message sa cellphone ko. Si David ang nagtext. Hindi ko pa siya nakikita ngayong araw ah...

“Beks, I can’t come to school today. May dysmenorrhea ako e. :(“

Natawa naman ako sa text nito ni bakla. Haha! Minsan ganyan yan, pag tinatamad pumasok, sinasabi niyang dinatnan siya. Minsan e sinasakyan ko nalang... nireplyan ko siya,

 

“Okay beks, anong kulay naman this time niyang visitor mo? Green? Haha! Ge, itetext nalang kita pag may ginawa tayo...”

 

Nakarating na ako sa locker ko, kinuha ko ang ilang librong gagamitin namin sa araw na ito. Isasara ko na sana ng biglang may kamay na nagkulong sakin. Ikinulong niya ako mula sa likuran, ang dalawang kamay niya ay nasa gilid ko.

Nakita kong panglalaki ang kamay, ayokong mag-conclude na si Lharby Salazar ito dahil ayoko na talaga siyang makita...

“Kamusta na Denise?” bulong niya sa tenga ko. Halos magtaasan lahat ng balahibo ko ng maramdaman ko ang init ng hininga niya. >_< At hindi nga ako nagkamali, dahil sa tawag palang niya sakin, kilala ko na ito.

“Ano na namang kelangan mo? Ayoko ngang pumayag...” narinig kong natawa siya sa sinabi ko. Umalis na siya sa likuran ko at pumunta sa gilid ko, sumandal siya sa mga locker.

“Diba sinabi ko naman sa’yo, id-date mo ko?” tumingin siya sa’kin

The Double Personality GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon