Mother's Sacrfice

218 17 31
                                    

-Mary's PoV-
I'm Mary, Shantal's Mother.

Mahal na mahal ko ang anak ko, kaya kong ibigay ang lahat ng gusto niya para lang makita siyang masaya. Ngunit may isa siyang kagustuhan, na hindi ko alam kung paano ko siya susuportahan.

Napakagandang babae ng anak ko, sa totoo ay lagi siyang napupuri, ngunit noon lang ito.

Pagtungtong niya ng high school ay tila nag-iba ang lahat. Ang kanyang pananamit, pag uugali, at pati na rin pananalita. Ang kabutihan ng kanyang ugali ay napalitan ng kasamaan. Ang mga salitang noon ay kahit isang beses ay hindi ko marinig-rinig, ngayon ay para na itong musika sa kanya.

Alam kong naimpluwensyahan lang siya sa eskwelahan, napapansin ko na lahat ng kinakasama niyang kaibigan ay lalaki, o kung mga babae man ay tila mga kilos ring lalaki.

Isang araw ay nahuli ko siyang pinagtatatapon ang mga damit at gamit niyang mamahalin, pati ang mga damit na bata pa lamang siya ay ayaw nang ipamigay, sa sumbat na nandidiri siyang makakita ng mga pambabaeng gamit.

Sinubukan ko siyang pigilan, kahit alam kong wala akong magagawa. Muli niya akong sinumbatan ng masasakit na salita habang siya ay aking pinipigilan, sa kada masasamang salita na kanyang binibigkas ay para bang dinudurog ang aking puso.

Alam ko na ang tanging paraan lang para maibalik ang anak ko sa totoong ugali niya ay pagpapalipat sa kanya ng paaralan. Paaralang tahimik, malayo, layo sa gulo, at malayo sa masasamang impluwensiyang kaibigan.

Agad akong naghanap ng eskwelahan na pwede niyang lipatan, na hindi manlang naiisip kung papayag ba siya o ikasasama ng loob niya.

Nalaman niya ang aking pagpapasiya noong sinabihan ko siyang dalhin ang sinulat kong ulat na naglalahad ng pag-alis sa dating eskwelahan sa kadahilanang siya ay lilipat.

Binasa niya ito at sa tindi ng galit ay pinunit ang ulat na ito, doon palang ay alam ko na agad na hindi niya nagustuhan ang pagpasiya ko. Umalis siya ng bahay na hindi manlang ako kinakausap.

Nang dahil sa pagkakataong iyon ay hindi niya na ako kinausap, para bang isa akong hangin na dinadaan-daanan lang niya. Alam kong nanay niya ako, ako ang nagluwal sa kanya at may karapatan akong turuan at disiplinahin niya, subalit ang ugali niya ngayon ay hindi ko maipaliwanag. Hindi niya na ako tinuturing na ina ngunit isang kaaway. Sa tuwing may sasabihin ako sa kanya ay para bang lumalabas lang sa kanya ang mga sinasabi ko, hindi ko siya magawang saktan dahil alam kong kapag ginawa ko iyon ay mas lalong lalayo ang loob niya sa akin.

Isang araw pagkatapos ng kanyang pasok sa eskwelahan ay kapansin-pansing anong oras na ay hindi pa siya umuuwi. Naisip kong baka nagpapaluwag muna siya ng isip at damdamin. Baka nasa bahay siya ng isa sa mga kaibigan niya.

Ngunit bilang isang ina ay hindi ko maiwasang mag-alala sa kanya, nasaan ba siya ngayon, sino ba ang kasama niya, ligtas pa ba siya o may nangyaring masama sa kanya kaya hindi umuuwi, pati na din ang mga tanong na kung nakidnap ba siya ay hindi mawala-wala sa isip ko

Patagal nang patagal ay wala pa rin akong nababalitaan sa anak ko. Sa tuwing gabi na nawala siya ay sa halip na antok ang dumaloy sa akin ay napalitan ito ng takot at pangamba. Alam kong may hinanakit siya sa akin ngunit kaunting respeto naman sa pagbibigay niya ng mensahe kung nasaan ba siya.

Ilang araw na ay saka ko lamang napagtanto na nilayasan niya na ako. Wala akong maisip na dahilan ngunit nagmumukha akong isang walang kwentang ina. Isang ina na hindi maturuan ng leksyon ang kanyang anak. Isang ina na hindi mairespeto ng kanyang anak.

Patuloy akong sinasapian ng pangamba. Hanggang sa may biglang tumawag sa akin.

Sinabi ng tumawag na dati siyang kaibigan ni Shantal, ngunit noong napansin nito ang pagbabago ng anak ko ay pinalayo siya ng magulang niya rito, ngunit hindi pa rin mawala sa kanya ang samahan nilang dalawa. Nag-aalala raw siya na may posibleng masamang mangyari sa anak ko, kaya hindi na siya nag-alinlangan na tawagan ako.

My Mother's Love (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon