BITUING WALANG NINGNING

54 7 9
                                    

STILL UNEDITED






"Stella, anong oras matatapos ang iyong klase? Hihintayin kita, ihahatid kita pauwi." Sabi ng aking kasintahan na si Cielo Dela Fuente, magta-tatlong taon na kami. Cielo at Stella na ibig sabihin ay buwan at bituin.



Siya ang buwan at ako naman ang bituin. Lagi niyang sinasabi na bagay ito sa isa't isa, magandang pagmasadan kapag magkasama at tuwing sumasapit ang gabi ay mayroong kulang sa kalangitan kung wala ang isa.


Siya ay mabait, mapagmahal, maalaga, masayahin, palakaibigan at makulit kaya marami ang nahuhumaling sa kaniya. Kabaliktaran naman sa akin, na walang kaibigan, at tahimik lamang.



"Hindi ako sasabay sayo, hanggang ala-syete pa ang klase ko. Umuwi kana Cielo." Akala ko ay sasang-ayon siya sa akin at aalis na, pero mas kinulit niya ako.



Dahil sa ka kulitan niya ay hindi ko na namalayan na malapit ng magsimula ang panghuling kong klase, agad akong nagpaalam at hindi na siya hinintay na magsalita.



Pagkatapos ng klase, tinignan ko ang aking relo, sampong minuto bago mag ala-syete ng gabi. Paglabas ko sa aming silid, bumungad sa akin ang lalaking matangkad, nakatayo sa tapat ng pinto ng aming silid. Napabuntong hininga.



"Sinabi ko naman sayo na huwag mo na akong hintayin." Sabi ko. Ngumiti naman ito sa akin bago kinuha ang aking bag at siya ang nagbitbit.

"Mayroon lang akong tinapos na aktibiti kasama ang aking mga kaibigan. Tsaka hindi ka nakapagpaalam sa akin ng maayos, kaya hinintay nalang kita." Sabi niya. Nginitian ko siya at ginulo ang kaniyang buhok. Nakita ko naman ang kaniyang mariin na pagpikit at agad na hinawakan ang kamay ko para pigilan sa paggulo ng kaniyang buhok.

"Nang-aasar ka na naman Stella Perez. Kapag ako ang bumawi, paniguradong iiyak ka." Nakangisi niyang sabi sa akin. Wala akong naisagot dahil malakas talaga siyang mang-asar at alam kong kayang-kaya niya akong pikunin. Umirap nalang ako sa kaniya at nauna ng naglakad.

NGAYONG UMAGA ay nagising ako dahil sa biglang pagsakit ng aking ulo, masakit ang katawan at nanghihina. Napapadalas na ang pagsakit ng ulo ko at paglitaw ng mga pasa sa katawan sa hindi malamang dahilan.

Mag-a-anim na buwan na ng maranasan ko ito. Kaya hindi ko maiwasang mag-alala sa kalagayan ko. Hindi pa ako nagpapatingin sa doktor dahil alam kong wala lang ito.

Napahawak ako sa aking ulo nang biglang mas lumala ang sakit ng aking ulo, naramdaman ko bigla ang pagdaloy ng likido mula sa aking ilong kaya agad akong kumuha ng tisyu upang pinasan ito. Inaakalang sipon, pero laking gulat ko na makita ang pula na nanggagaling sa ilong ko.

Nagulat din ako nang biglang bumukas ang pinto ng aking kuwarto, si Cielo ang nakita ko na nagbukas nito. Tinanong ko siya kung bakit siya nandito pero hindi niya ito pinansin. Agad siyang lumapit sa akin dahil nakitang dumudugo parin ang aking ilong.

Kita ko ang pag-aalala niya, tinulungan niya akong punasan ito, nang tumigil na ang pagdugo ng aking ilong agad niya akong yinakap at sinabing, "Napapadalas na ang pagdugo ng ilong mo, kailangan mo na atang magpatingin sa doktor."

"Sige, magpapatingin ako bukas." Sabi ko. Tumango-tango naman siya sa akin at sinabing,

"Sasamahan na kita, anong oras ka pupunta?" Hindi ko gusto ang ideyang iyon, dahil alam kong may klase siya buong araw dahil Martes.

"Hindi na kailangan, kaya ko naman pumunta doon ng mag-isa. Tsaka mayroon kang klase bukas, ayaw ko na hindi ka papasok para lang samahan ako." Ilang segundo bago siya sumang-ayon sa akin. Laking pasasalamat ko na hindi na siya nagpumilit pang samahan ako sa ospital para magpatingin.

Bituing Walang Ningning (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon