Chapter 8

746 138 3
                                    

Marien

"Oh, anong sinabi ng tita mo bakit daw siya napatawag?" Tanong ni papa habang nakatingin sa bowl na pinupuno niya ng sabaw. Kakatapos lang namin mag usap ng tita kong nasa canada, nakakatandang kapatid ni papa. Naglalaba ako 'non ng mga damit namin nang napatawag siya.

"Inaalok ako ng free scholarship" Walang ganang sabi ko habang nakatingin sa aking plato. Medyo nagulat ako dahil sa tagal naming hindi naguusap, ngayon pa siya napatawag at inalok pa ako ng free scholarship, siya na daw bahalang magpapaaral sa akin doon, kailangan lang daw talaga niya ng kasama dahil malalaki na ang mga anak niya at may sarili nang mga pamilya. Mag isa nalang daw siya sa bahay nila may mga kasambahay naman siyang kasama ngunit may trust issues daw siya sa mga ito, lalo na't na nakawan daw siya last month.

"Talaga anak?" Agad lumiwanag ang mukha ni papa nang marinig niya iyon. Kahit scholar na ako sa unibersidad na pinapasukan ko, alam kong mabigat parin kay papa iyon lala na't tatlo kaming pinapaaral niya, dagdagan pa ng mga gastusin sa bahay at sa mga utang kung meron man.

"Opo tay" Ani ko. Hindi na ako kinausap ni tatay pagkatapos, siguro ay napansin niyang hindi talaga ako interesado sa inalok sa akin ni tita. Walang kumibo sa amin hanggang sa natapos kami sa aming tanghalian. Bumalik si papa sa kaniyang ginagawa habang ang dalawa ko namang kapatid ay natulog sa kanilang mga kuwarto.

Sa totoo lang gustong gusto ko iyon lalo na at sabi niya ay magpapadala rin daw siya ng pera dito para matulungan si papa at ang mga kapatid ko.

Pagkatapos kong hugasan ang mga pinagkainan namin ay pumasok kaagad ako sa kwarto ko. Humihiga lang ako sa kama ko nang di ko namalayang nakatulog na pala ako.

Napagising ako nang marinig ko ang cellphone kong nagri-ring. Tamad ko namang kinuha sa ibabaw ng center table katabi ng kama ko at sinagot ang tawag habang nakapikit parin.

"Hm?"

"Anong hm? Hello! Ay hihi, nadistorbo ba kita?" Napasapo ako sa aking noo nang marinig sa kabilang linya ang maingay na boses ng aking kaibigan.

"Oo. Bakit ba?" Naiinis kong sabi.

"Birthday kasi ng kaibigan kong centralian, wala akong kasama pwede ka ba? Di pwede si Yohan may ginagawa kasi siya ngayong sabado" Kahit hindi ko siya nakikita, naiimagine ko parin ang mukha niyang nagmamakaawa.

"anong oras na ba?" tanong ko bago bumangon at umupo.

"Alas kuwatro, mamayang alas sais pa naman yung party pwede pa tayong mag make over" Masaya niyang sabi. Napairap naman ako ng marinig ang salitang make over. Si Emay talaga..

"Ayoko. Bahala ka" Ani ko. Tumayo ako at papatayin na sana ang tawag ng magsalita siya

"Ganun ba? Sayang.. I'm sure pupunta si cap mamaya, rinentahan ba naman ni Rowena ang buong bar. Siguradong inimbitahan 'non ang buong unibersidad" Natawa siya sa huling sinabi. Minsan nalang kami nagkikita ni Archi sa isang linggo dahil busy siya sa pagppractice para sa laro nila this coming november. Minsan nalang din kami naguusap, sa text nga lang.

"Sige" Sabi ko.

"Owaw, Owaw talaga?! Si cap lang pala pwedeng idahilan para makabar ka. Yie nakunakunaku"

"Ewan ko sayo. Sige na nga maliligo pa ako"

"Pupunta ako dyan! Ako pipili ng susuotin mo" Napairap ako sa sinabi niyang iyon. Nagpaalam na kami sa isa't isa pagkatapos ay nagpaalam muna ako kay papa na may pupuntahan kaming birthday party bago pumasok sa banyo para maligo.

Pagkalabas ko nang banyo ay agad ko na siyang nakita na hinahalughog ang cabinet ko. Sanay na akong papasok siya dito sa kuwarto nang hindi man lang kumakatok. Nagkalat rin ang mga damit ko sa ibabaw ng kama, halos nang mga inilabas niya ay mga damit kong hindi ko naman madalas ginagamit at ang iba ay hindi ko pa nagagamit.

Casquiera Series #1:Sands Of Time Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon