[NEXT MORNING]
Dinala ako ni Lorise sa dining area para mag breakfast. Lorise pala pangalan Ng maid na sinasabi ko sa simula palang. Sobrang bait niya, but still I won't let my guard down.
Sobrang haba ng lamesa at may mga candles sa gitna. Meron ring table cloth na gold yung color na may rose patterns. Hindi Ako makapaniwala sa breakfast na dinala sakin ni Lorise, Bacon na may sunny side up na egg at croissant. Ang bango talaga!
Maya maya, nagulat ako sa commotion na nagaganap. Ang mga servants lumabas lahat at pumila isa-isang yumuyuko. Lumabas ang Duke sa pintuan at sabay nilang siyang binati.
"Magandang Araw mahal na Duke Copious" Sabay na bati nila.
Hinantay nilang makaupo Ang duke sa dulo nang lamesa na kinakainan ko at sabay ring umalis.
"It's already late in the morning and you're still eating breakfast?" Tanong Niya na medyo may pwersa ang boses.
Nakaka tang*na naman oh. First time Kong mag breakfast sa bagong Buhay na to tapos may follow up pang sermon. I emotionlessly stared at him.
"What are you staring at? Tandaan mo Veronica, may misyon ka sa pamilyang ito". Ani Niya.
Misyon? Oo Tama, misyon. Muntik ko na rin makalimutan kung bakit Ako nandito. Dahil rin sa isang misyon, pinagtaksilan ako Ng lalaking minahal ko Ng buo. Speaking of, nandito rin ba kaya Siya? Kung ganon kelangan ko siyang hanapin at pag bayarin sa ginawa Niya.
"Natahimik ka, good-- your still sane". Sabi Ng Ama kong Duke at umalis sa lamesa.
Pagbakik ko Ng kwarto ay hinanda ni Lorise ang pagliliguan ko Kasama na rin Ang mga damit na kelangan Kong suotin.
Sinuotan Ako ni Lorise ng kulay maroon na long gown. Plain lang talaga. I actually was expecting corsets and ball gown kasama Ng maraming palamuti. Actually, kahit sinpleng kasuotan to Hindi parin Ako komportable dahil sa gown na medyo mahigpit sa bewang.
"Lorise, wala na ba akong ibang damit?"Tanong ko.
"Paumanhin po ngunit Ang mga damit na ito lamang ang Meron kayo. Sinubukan Kang bilhan Ng Duke Ng Magagara at mga usong damit ngunit pinatapon niyo ito lahat dahil Hindi niyo ito nagustuhan" Sabi ni Lorise.
Ay-- ano ba kasi problema Ng dating may Ari Ng katawan na to?
"Lady Veronica, sana bumalik na Ang ala-ala niyo. Akoy nalulungkot at nag aalala kapag Ang ama ninyo ang Magalit". Pag makaawa Niya.
Tumango nalang Ako habang nakatingin sa ilalim. Inayusan Ako ni Lorise at nag handa na para pumunta sa palasyo. Nakasakay Ako sa karwahe papuntang palasyo, maraming guard Ang nakabantay at nakapalibot dito. Pag pasok ko ay parang Isa Akon ligaw na pusa.
Sh*t! Nakalimutan ko Hindi ko alam kung ano trabaho ko Dito at kung saan ako pupunta! Basta rinig ko dati kay Duke na Ang emperador raw Ang aking pinag sisilbihan. HALA! wag mong sabihin na Isa akong concubine ng emperador??? Magsisilbi Ako sa isang matandang lalaki??? Hindi to pwede, kelangan ko mag isip Ng gagawin ko. Ang gagawin ko, kapag kami nalang sa kwarto, gigilitan ko Siya sa leeg. Pero wait, treason toh! Pwede nila akong putulan Ng ulo or---or sunugin!--
"LADY VERONICA!"
"AY KALABAW!" sigaw ko sa gulat.
Isang matandang lalaki ang bumungad sakin. Naka regal medieval times uniform siya, at may crest na kulay ginto. Naalala ko Ang sinabi sakin ni Lorise na Ang may gintong crest ay isang mataas na opisyal o Siya Mismo Ang emperador!
"K-kamahalan?." Mahina na utal kong sagot.
"Lady Veronica, kanina ka pa hinahantay Ng kamahalan. There are severe cases going around, don't just stand there" Sabi niya sakin.
BINABASA MO ANG
EMPEROR'S NERDY ASSISTANT
FantasyPROLOGUE: (Modern World) " I trusted you!" Sigaw ko sa lalaking nagpatibok ng puso ko pero isang pekeng ngiti ang ipinakita niya sakin. " Everything is out of hand my dear, napag utusan lang ako" sabi niya habang winagayway ang case na dala niya at...