P R O L O G U E
"Bruha ka nasira nanaman ang make-up mo pangatlong retouch n yan ah" sabay kurot ni lhea sa kaibigan. pinahid nito ang luha n akmang tutulo nnmn at iniayos ang simpleng puting tube dress n suot. muli siyang tumingin sa salamin at huminga ng malalim ksbay ng npaka gandang ngiti.
Simpleng kasalan lang ang napili nina kristel at Marco. tanging ang mga magulang at kaptid lang nila ang naruon at iilang witness n kailangan. 20 years old lang si kristel ng mga panahong iyon at 27 years old nmn si marco. magtatatlong taon n silang magkarelasyon at halos nagsasama n sila sa isang bahay ksama ng mga kapatid at magulang ni kristel.
Kilala si kristel sa kanilang lugar dahil sa kakaibang ganda nito.. namumukod tangi ang ganda niya sa ibang mga kababaihan sa lugar nila.. matangkad balingkinitan at katamtaman ang kulay niya. mahaba ang buhok, mgaganda ang mga mata at matangos ang ilong niya. bata palang siya ay kinakitaan na ng talento sa pagkanta kaya iyon nmn ang ginamit niya para mkatulong sa pngangailangan ng pamilya niya.
Bukod sa pagiging beauty consultant niya, sa gabi ay singer nmn siya sa mga bars n tinutugtugan ng banda niya. pagka graduate niya ng hiigh school nag simula n siyang sumama sa kaibigan niya na ngayon ay kagrupo na nya sa banda. matapang ang personalidad ni kristel at sa edad n 16 hndi mo siya mkikitaan ng takot sa hamon ng buhay. prangka at ma autoridad siya kung manalita at ang pmilya niya ang dahilan kung bakit sa murang edad ay buo n ang isip niya.
SI Marco nmn ay pangalawa sa apat n magkakapatid. puro lalaki silang apat tanging ang kuya pa lamang niya ang may pamilya sa apat n magkakapatid.. Indepedent ito at sa edad n iyon ay ibat ibang trabaho narin ang nsubukan. Call center agent naman ang trabaho niya sa kasalukuyan at duon din niya knukuha ang pinang tutostos niya sa pag aaral ng dalwang nakababatang kapatid magmula ng mawala ang papa niya natuto n siyang tumayo sa sarili niyang paa.
Magandang mga mata, matangos n ilong at maninipis n labi ang asset na mayroon si Marco.. halos hndi naman nalalayo ang height niya kay kristel at ganoon din ang kulay ng balat niya. maporma siya manamit at hindi mapagkakaila n lingunin din ito ng mga kababaihan. hindi mo makikita ang edad sa mukha niya.. pabling at magaling ito magsalita.. Motor naman ang kinahiligan ni Marco magmula ng humiwalay na siya sa grupo niya bilang dancer.