Hi mga friendship.. Reminder lang po sa mga mambabasa.. ang story po na ito ay pang adult at may maseselang part na di angkop sa mga batang mambabasa in short rated PG.. hihi.... sa mga consevative diyan pag isipan niyo po muna kung babasahin niyo pero i'll assure you guys kikiligin kayo at paiiyakin kayo.
KOnting pasensiya lang po sa mabagal n update at iilang errors.. excited lang ang lola niyo kaya dedma na sa edit.. love it, hate, WATEVER.... just ENJOY IT!!! mwah
***** Marco's POV******
Hindi ko alam kung anong meron sa babaeng ito at sa unang araw palang ng pagkikita namin nakuha niya agad ang atensiyon ko. bukod sa strong n personality malakas ang sex appeal niya kaya hindi ako nagtataka na halos makuha niya ang atensyon ng mga lalaki sa office sa tuwing dadaan siya.. ang iba nga ay obvious na ang pagpapakita ng interest sa kanya.. Maganda kasi siya at napaka aliwalas ng itsura.
"Sana hindi ka nagalit kanina ah kung nabigla kita, hindi ko na sinabi sayo na ikaw ang gagawin kong muse ng team natin kasi alam ko naman na tatanggi ka" halos pabulong na sinabi ko kay kristel habang pabalik na kami sa kanya kanyang table namin dahil natapos na ang meeting. tumango tango lang ito at panay ang kagat ng labi niya habang busy sa kakapindot ng cellphone niya. gustuhin ko man silipin kung sino ang ka txt niya ay hindi ko na ginawa dahil natatakot ako na baka tarayan ako. " Make it up to me Sir Marco.. pinasubo mo ako kaya treat mo ako ng meryenda" nagulat ako ng bigla siyang mag salita at kumindat pa saakin. may pagkapilya pala itong babaeng ito.
napailing nalang ako at ngumisi sakanya saka tumango tango.. lalong nadadagdagan ang paghanga ko sa babaeng ito sa tuwing magkakatitigan kami. naglakad siya patalikod saakin para pumunta sa table niya at napasipol nalang ako dahil iba naman ang tumatakbo sa utak ko. mahuhulog kaya ito sa mga kamay ko..
****Kristel's POV****
Tumalikod na ako kay Marco hindi ko na kasi kinakaya ang kapilyahin ko. ako talaga ang mag provoke sa kanya n ilibre ako ng meryenda.. hay... kristel patay kang bata ka pag nahulog ka.. napangisi akong bigla at hindi ko namalayan n naibuka pala ng bibig ko ang kaninang nasa isip ko lang " mauuna kang mahulog saakin" bulalas ng bibig ko. nilingon lingo ko ang mga nasa paligid ko mabuti nalang at busy sa trabaho kaya walang nakarinig.
mag aalas dose na at madami parin ang trabaho n nakatambak sa mesa ko.. nagsisimula nang kumunot ang nuo ko.. ang ibang mga katabi ko ay nkababa na para mag lunch sinabayan pa ng hindi pagpaparamdam ng boyfriend kaya talaga naman napaka bilis nagbago ng mood ko mula sa pagkilig kanina ngayon ay parang umuusok ang ilong ko.nagulat ako ng dumaan si marco at kitang kita ko ang pag silip niya sa pwesto ko mula sa opisina niya. huli ka... sabi ko sa isip ko.. mabilis naman itong umiba ng tingin at kunwari ay may binasa sa cellphone.
"bakit hindi ka uuwi? bakit ka pa nagtanong ng pasalubong kung hindi ka naman pala makakauwi dito" para akong bata n nagtatampo sa kausap ko.. ang hirap naman kasi talaga unawain kapag ibang lahi ang boyfriend kahit na magdadalawang taon na kami hindi ko masabing lubos na namin kilala ang isat isa. kung susumahin yata sa loob ng isang taon wala pang tatlong buwan iyong pagkakataon n magkasama kami. ang sistema pa ay sa tuwing dadating siya tatawagan nalang ako na nasa pinas n siya saka ako didiretso ng condo para dun mag stay ng ilang araw. pagkatapos ng ilang araw ay maghahatid naman ako sa airport para sa pag balik nya ng japan.
"Gomen ne, kristel.. Ima wa isogashii dakara... " pag sagot ni ichi sa mga tanong ko. busy daw siya kaya hindi makakauwi at alam ko naman n nagsasabi siya ng totoo kaya inunawa ko nalang kahit na madami pang tanong sa utak ko. " bye, kiotsukete ne.. karada ni daijinshite kudasai" paghahabilin ko sakanya bago ko binana ang phone.