EA XI

10 3 0
                                    

T Y R A H

Maaga akong nagising dahil ngayong araw magsisimula ang pag-eensayo ko na ako lang. Mabilis akong pumasok sa banyo at ginawa ang mga morning rituals ko. Naihanda ko na din kagabi ang mga kakailanganin ko. Pagkain, tubig at may kasama na ding medical kit kahit hindi ko naman na kailangan nito dahil wala itong epekto sa akin. Pagkatapos kong maligo at nagbihis, kinuha ko na ang puti kong cloak at sinuot na ito. Dala-dala ang bag na dadalhin ko lumabas na ko ng kwarto. Tahimik ang paligid. Halatang natutulog pa rin ang lahat. Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan at maingat na binuksan ang pinto ng dorm namin. Pagkalabas ko, lumanghap muna ako ng sariwang hangin at pinikit ang mga mata. This will be one hell of a day. Pagkatapos kong masigurado na ok na ko, mabilis akong nag-teleport sa bukana ng academy. Ipinakita ko sa mga guards na nagbabantay doon ang sulat na galing mismo kay Czar Leon which allowing me to go outside the academy to train. Nag-bow muna sila sa akin bago binuksan ang malaking gate. Pagkabukas nito, hindi na ko nagdalawang-isip at lumipad na sa ere. I boost my speed. Kelangan kong makarating sa unang distinasyon ko bago sumikat ang araw.

Hindi ko naman maiwasang mapangiti sa nakikita ko sa baba. Halos kulay berde lahat ng nakikita ko. Payapang-payapa ang lugar. I closed my eyes habang dinadamdam ang malamig na hangin na tumatama sa aking mukha. How I wish na ganito na lang lagi. Walang problemang iniisip. Masaya lang at tahimik.

Tahimik lang akong lumilipad habang tinitingnan ang mapang binigay sakin ni Czar Leon kagabi. Mukhang luma na nga itong binigay niya sakin pero hindi na ko nag-abalang magtanong kung bakit. Hindi din niya naipaliwang kung ano ang mga nasa mapa dahil nagkaroon sila ng emergency meeting. Basta ang masasabi ko lang, sobrang laki at lawak ng buong Sentheioum. Ang daming pwedeng puntahan. I silently smiled. This will be one freaking adventure!

---

Maayos akong nakababa sa lupa ng marating ko ang isang napakalawak at napakalaking kagubatan. This forest looks dangerous kasi naging alerto ang mga senses ko which means it's not safe here. Ginala ko ang buong paningin ko habang papasok sa loob. If this place is freaking dangerous then this is the best place to train. I smirked.

Ilang minuto pa kong palakad-lakad lang hanggang sa may maramdaman akong may nakatitig sa akin. I stop on my trace and scan the whole area. Tumataas balahibo ko. Shit. I closed my eyes as I calm myself at pinakiramdaman ang buong paligid. This is not the time to panick Tyrah. Concentrate and focus.

May naririnig akong mga yapak sa di kalayuan at papalapit ito sa akin. Mabilis kong binuka ang aking mga mata ng may maramdaman akong pwersang papalapit sakin. Agad akong tumalon patalikod. Shit. Muntik na. Isang malaking uso ang nasa harapan ko ngayon. Bakit ba ang lalaki ng mga hayop dito? Ano bang kinakain nila at ganito sila lumaki?

Mabilis akong sinugod ulit ng uso at puro iwas lang ang ginagawa ko. Shit. Kasing taas niya ang mga puno dito sa kagubatan. Kahit magtago ako ay mahahanap at mahahanap niya pa rin ako. I didn't bring any weapon with me. Fvck. Yun ang nakalimutan ko! Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko naiwasan ang matalim na kuko nito na naging dahilan ng pagtilapon ko sa isang malapad na puno.

Shit. Ang likod ko!

Naramdaman ko naman na parang may likido na umaagos mula sa tiyan ko kaya napatingin ako dito at nanlaki ang mga mata ko na may malaking kalmot ako banda sa tiyan ko. Agad kong hinawakan ito. Now this is bad. Hindi pa ako nakakatayo ay may buntot ng nakapulupot sa buong katawan ako at itinaas ako sa ere.

Arrgghh!

Parang pinipiga ang buo kong katawan. Unti-unti ng nanglalabo ang aking paningin ngunit nagawa ko pa ring tingnan kung ano o sino ang may gawa nito. Fvck. It's a fvcking tiger! Hindi ko nga makayanan ang isang uso, may dadagdag pa?

Ahhhhhh!

Mas lalong humihigpit ang pagkakapulupot sakin. Buong katawan ko na ang sumasakit at tanging hiyaw lang ang kaya kong gawin. Fvck. Is this my end? Ito na ba? Matatapos na lang ba dito ang buhay ko? A tear left from my left eye as I closed my eyes.

P-please. I don't want to die yet. I have lots of things to do. Babalik pa ko sa mundo ko. Hahanapin ko pa sila Miley. Hindi ko pa napapasalamatan lahat ng taong tumulong at kumupkop sa akin. P-please. Just this once. H-help me.

As if on cue, I feel a powerful energy circulating on my body. Mainit at malakas na pwersang nabubuo sa loob ng katawan ko. As I open my eyes alam kong nagbago na ang kulay ng mata at buhok ko. Walang kahirap-hirap kong tinanggal ang buntot ng tigre na pumulupot sa katawan ko. Hinawakan ko ito at walang sabi-sabing ibinalya sa isang punong malapit sa akin. Malakas na hiyaw ang pumakawala mula dito.

You've messed with the wrong person.

I make myself float hanggang sa kapantay ko na ang usong umatake sakin kanina. Itinaas ko ang kanang kamay ko at pinakiramdaman ang enerhiyang bumabalot sa buong katawan ko. Inipon ko ito sa kanang kamay ko which creates a lightning ball with silver thread lighting around it. Hindi na ko nag-aksaya pa ng oras at mabilis itong pinakawalan na naging dahilan ng isang malakas na pagsabog. Isang hiyaw mula sa uso ang bumalot sa buong kagubatan hanggang sa unti-unti itong nawala. And there I saw it lying on the ground lifeless. Tumaas ang gilid ng labi ko. I tilted my head to left and right. The amount of energy that I am feeling right now is very incredible. Is this my 100%? I think it's not.

I snap my fingers which creates lightning balls around me. Halos hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. What the hell? Am I capable of doing this? Muntik ko ng mabatukan ang sarili ko dahil sa tanong na yun. Napailing na lang ako. Pinakiramdaman ko ulit ang sarili ko. This power of mine, I think my body remembers it. I don't even know why and how but I can sense it. It's like I have this power long time ago? Hah! Ano na naman bang iniisip ko.

Ok. Time to experiment something! I smiled.

---

Halos hindi ko na makilala ang sarili ko sa dami ng galos at sugat sa buong katawan ko ngayon. Hindi naging madali ang unang araw ng pag-eensayo ko but it's all worth it! Nagawa kong kontrolin at pag-eksperimentuhan ang kapangyarihan ko and I can't do it without the help of these creatures lying on the ground. Kung hindi nila ko binalak na patayin o kainin, hindi lalabas ang totoong kapangyarihan ko. It was by force but I'm really glad that it help me dahil sa kagustuhan kong hindi mamatay, na-trigger ang kapangyarihan ko para lumabas at gamitin ko. At ngayon nandito ako sa taas ng puno para makapagpahinga ng konti bago ako mag-teleport pabalik ng academy. Naubos ang lakas ko kanina at kailangan kong makapagpahinga kahit konti lang para magamit ko ang isa kong ability. Habol ko din ang hininga ko sa sobrang kapaguran. I never expect that I can use my power and master it for just one day. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. May nagawa din akong tama sa buong buhay ko.

And the last thing that I have to do is to suppress my overwhelming power na lumalabas ngayon sa katawan ko. Hindi pa rin ako makapaniwala pero yun ang totoo. I have this so great and powerful aura surrounding my whole body so I need to keep it for myself first.

I calm myself as I closed my eyes. Huminga ako ng malalim. Ginawa ko yun ng tatlong beses and when I open my eyes I know that I did it. Another smile was crept on my lips. Geez. This is freaking me out! I just don't know how I did it. But I did. Napailing na lang ako.

Nang makaipon na ko ng sapat na lakas ay mabilis akong nag-teleport. I need to eat and I need to rest. My whole body aches. Geez. Pero sa halip na sa dorm ako mapunta ay sa cafeteria ako nakapag-teleport. Great. Siguro dahil gutom na ko kaya dito na ko nakapag-teleport. All these people that sees me right now, they all froze. Napabuntong-hininga na lang ako.

"ALI!!!" Isang malakas na sigaw ang nakapagpabalik sa kanila sa kung saan man sila dinala ng mga iniisip nila. "What the hell happened to you?" inis na may halong pag-aalalang tanong ni Fan. Nagkibit-balikat lang ako.

"Training."

"What the hell did you do to your training?" Ingrid's eyes widened when she sees me.

"You look like a mess." seryosong sabi ni Kira

Haay. I know. Ang dami ko na ngang galos at sugat, punit-punit pa ang damit ko. Kasalanan 'to ng mga creatures na yun. Tsk.

"I don't have any energy to answer all your questions. I just want to eat and sleep." walang-gana kong sabi sa kanila. Pagod na pagod na kasi ako.

---

Exculiare AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon