EA VII

9 4 0
                                    

T Y R A H

Nakapangalumbaba akong nakatingin sa mga taong nag-uusap ngayon.

"This is impossible!" sigaw ni Abecedary Tomas

"I know. Pero hindi natin maipagkakaila kung ano ang nakita namin nung isang linggo." sabi nung guro naming maganda. I can't remember her name. Sinabi na niya sakin yun last week. Tss. Nag-uulyanin na ata ako.

"But it is just a myth. Nasa libro lang sila. Kahit sino sa mga ninuno natin walang nakakakila sa pamilyang yun. At walang makakapag-patunay na totoo sila." Nakakunot-noong tanong ni Abecedary Tomas. Nagbulong-bulungan naman ang iilan.

"Hindi naman natin maipagkakaila ulit na yung ginawa niya nung nakaraang linggo, ang enerhiyang nilabas niya at pagwasak sa dark divination ay nasa libro ng alamat ng pamilyang luminescence." Lahat sila tumingin sa akin kaya napaayos ako ng upo. Haay. Hindi ba ko mauubusan ng problema? Tungkol sakin kasi ang pinag-uusapan nila. Hindi nila maintindihan kung paano ko iyun nagawa. At mas hindi ko maintindihan na maaaring ang pinagmulan kong panahon ay isang alamat pala sa kanila. So I am just a myth? Kalokohan. Haay. Nakakabaliw na talaga dito sa totoo lang.

"We can't conclude anything." Napabuntong-hininga si Czar Leon habang nakatingin sa akin. "Your existence is a mystery young lady." Napalunok ako. "But as promised to lolo Fredo we will help you." Napabuntong-hininga naman ako. "You may go." Agad naman akong lumabas ng silid pagkasabi niya nun. Pagkasarado ko ng pinto muntik pa kong mapasigaw ng may yumakap sakin sa likod. Pagtingin ko.

"Ali!!!" Halos itulak ko na siya palayo dahil sobrang higpit ng yakap niya.

"Hindi ako makahinga Fan!" Binitawan naman niya ko agad pagkasabi ko nun. Buti naman at nakahinga na ko ng maluwag.

"Sorry. Sorry Ali. Ang tagal mo kasi sa loob." Ali ang tawag niya sakin kasi cute daw. Wala naman ako magawa kasi bibig niya naman yun. Tss. Hindi ko siya pinansin at naglakad na. "Wait for me!" Sinukbit naman niya yung braso niya sa kaliwang braso ko. Hinayaan ko na lang din. Siya si Fan Merit. Ang babaeng iniligtas ko nung nakaraang linggo. Simula ng maging maayos ang pakiramdam niya lagi na siyang nakabuntot sa akin. Ako daw kasi ang nagligtas sa buhay niya kaya hindi daw siya aalis sa tabi ko. Tinanong ko din siya kung anong nangyari sa kaniya last week pero wala siyang maalala. Ang huling alaala niya ay naglalakad lang daw siya nun tapos bigla na lang dumilim yung paningin niya. Yun lang. Haay. Nadagdagan na naman ang iisipin ng eskwelahang ito. Tss.

"Fan di ba nasa Eminent ka?"

"Tayo." Pagtatama niya.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. "Automatic ba nag-iiba ang level kapag tumuntong na sa edad na nababase sa criteria ng bawat level?"

Tumango naman siya. "Oo. Kelangan kasi yun. Kahit mahina ka pa pero ang edad mo ay nasa labing tatlo na, automatic magiging Medial ka. Pero lahat naman ng pumapasok dito ang hangarin ay maging malakas. Ang makontrol ng maayos ang kapangyarihan nila. That is one of the dream of every student here." Wow. Nakakabilib naman. Papunta kami ngayon sa next class namin. Hindi ko din pinag-tutuunan ng pansin yun kasi sa oras na malaman na nila Abecedary Tomas ang paraan para makabalik ako ay aalis na ko sa lugar na 'to. Hindi ko din malaman kung bakit pero may parte sa puso ko na nagsasabing dito lang ako. Pero hindi ko na muna iniintindi yun kasi mukhang matatagalan pa talaga ang pagbabalik ko.

Nalibot ko na din pala ang buong academy. Sinamahan ako ni Fan maglibot nung isang araw. Ang daldal nga nito eh. Hindi nawawalan ng sasabihin. Kahit hindi ko siya kinakausap daldal pa rin ng daldal. Psh. Parang ako lang dati.

Ang lawak din pala ng academy na to. Ang dami pang buildings. Kaloka. May kaniya-kaniya ding mga dorms ang mga estudyante dito at nakadepende kung anong level ka. At dahil nasa Eminent kaming dalawa ni Fan, magkasing-edad kasi kami, nasa iisang dorm lang kami at ito pa ni-request lang naman niya kay Czar Leon na kung pwede magkasama kami sa iisang dorm at pinagbigyan naman siya nito. Malakas ang kapit ng babaeng katabi ko sa nakakataas.

Exculiare AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon