39

227 8 0
                                    

MEESAGES

Jackson >

today 23:10

Jackson
Bakit nakasimagot ka?
Okay ka lang ba?

Allana
Okay lang. Nagkasagutan lang kami
ng best friend ko.

Jackson
Ah. Kaya pala.

Allana
Hindi mo ba tatanungin kung bakit?

Jackson
No. Bakit, gusto mo ba alamin ko?

Allana
Ah hindi naman. Nasanay lang ako
na laging tinatanong.

Jackson
Ahh. It's your privacy.
Baka sabihan mo pa 'kong chismoso eh.
Pero kung gusto mo i-kwento, sige lang
makikinig ako.

Allana
Ang bait mo 'no?
Siguro ang daming nagkaka-gusto sayo?

Jackson
Hindi rin.

Allana
Ang boyfriend material mo kaya.

Jackson
Gusto mo ng katulad ko? 
Hindi mo pa 'ko kilala kaya mo nasasabi 'yan.

Allana
Wala, naisip ko lang naman.
Na marami siguro nagkakagusto sayo.
Or marami ka ng naging girlfriend.

Jackson
Ha?

Allana
Huli ka! Hahahahah Tama ako 'no? 
Marami ka ng naging gf, halata naman e.

Jackson
Hindi. Mali ka.
Isa pa lang nagiging girlfriend ko.

Allana
Talaga? Hindi halata.
Ano nangyari?

Jackson
Umalis s'ya. Iniwan niya 'ko
Kasi masyado raw akong malaro
Hindi nagseseryoso sa buhay, ganon.
In short, walang pangarap.

Allana
Hmm. Pero totoo ba 'yon?

Jackson
Ang alin?

Allana
Na wala kang pangarap?
Because hearing you today, parang 'di naman
Masyado ka lang maraming gustong gawin
kaya 'di mo alam kung anong uunahin.

Jackson
Tama ka, marami akong gustong gawin
Kaso 'di s'ya ganyan mag-isip eh.

Allana
I'm sorry. 
I should've not bring that one up.
I'm sorry for being insensitive.

Jackson
'Wag ka na mag-sorry dyan, okay lang 'yon
di naman na big deal sa 'kin 'yon kasi tapos na.
Pwede bang mag-usap naman tayo
in person? Nakakabingi 'yung katahimikan e.
Ang ganda pa naman ng ginawa ko.

Allana
What?

Jackson
Look behind you.

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon