Chapter 4

37 2 0
                                    

They got out of the car and crossed the street. It took them three hours to reach their destination, not to mention the heavy traffic. But the weariness brought by their travel was easily forgotten when they saw the majestic mansion in front of them. Nabalewala ang pagkabagot nila sa biyahe nang makita ang napakagrandiosong mansion sa gitna ng siyudad.

She had no idea na ganito pala karangya ang buhay ng lalaking sinisinta niya. Parang gusto niyang manliit at umurong nalang.

"Yayamanin pala ang Nike mo, Olivia!" ani Megan.

"Megan, hindi ko siya Nike. Hindi siya akin."

"Malay mo naman, maging iyo na siya pagkatapos ng gabing ito."

"Heh! Tumigil ka nga, Megan!" napapailing nalang siya sa sinasabi ng kaibigan.

She's too nervous to talk with them right now.

Agad silang pinapasok sa mansion nang pinakita ni Macon ang dala nitong invitation. They're wearing a semi-formal dresses. They look more gorgeous and beauteous tonight. She's wearing black and beige back slit dress matching with black stiletto. Elegance dominating her aura and impressing the crowd.

Sa malawak na hardin ng mga Ocampo ginanap ang party. Marami ng tao nang makarating sila sa hardin. Agad silang iginiya ng usherette sa bakanteng mesa.

"Hi there, my beautiful cousin!" anang tinig sa kanyang likuran.

"Hello, Dion!" si Macon sabay tayo at sinalubong ang pinsan. A charming guy about their age hug Macon. Mas lalong lumakas ang appeal ng binata sa nagdaang panahon. School mate nila si Dion noong high school sila pero hindi sila nagkakilala ng pormal nito. Related sila ni Macon sa father side nito at pinsan nito si Dion sa mother side.

"I'd like you to meet my best friends, this is Megan and Olivia. Girls, this is my cousin, Dion Dan."

"Hi."

"Hello." Kinamayan sila pareho ng lalaki. This man is handsome in his own way. Iyong tipong boy next door ang dating.

"Mabuti naman at pumunta kayo. Akala ko nakalimutan na ni Macon ang invitation ko."

"Hindi ko maaring kalimutan ang araw na ito, cuz!" pilyang pahayag ni Macon sabay baling sa'kin.

"Parang alam ko na kung bakit." Kinindatan nito si Macon na animo'y may lihim ang dalawa.

"Babalik ako ladies, enjoy the party at huwag mahiyang kumain. The buffet table is there. Feel free to get your foods," anito at tinuro ang mahabang mesa na punong puno ng pagkain.

Nang makaalis si Dion ay naglakad sila patungong buffet table.

"Did you tell him about me, looking for Nike?"

"Yeah. Noon pang high school tayo. Don't worry, magaling magtago ng sekreto 'yon. Hindi ko sasabihin sa kanya kung hindi ko pinagkakatiwalaan 'yon."

Napanatag naman ang loob niya.

They went back to their table after they fill their plates. Palinga-linga siya sa paligid habang kumakain.

"Ang ganda ng bahay nila," ani Megan.

"I heard my construction company sila, may hacienda, at marami pang businesses."

"So, that explains why."

Nagpatuloy sa pag-uusap ang dalawa habang siya ay kinakabahan na naman. She's looking for someone pero mahilo-hilo na siya sa kakahanap. Wala siyang makitang pamilyar na mukha.

Pagkatapos kumain ay napag desisyonan nilang uminom ng martini. Nag-eenjoy silang tingnan ang mga nagsasayaw sa gitna ng bulwagan while they're just sipping their drink. Hindi naman kalakasan ang musika kaya nakakapag-usap at nagkakarinigan pa sila ng maayos.

Someone's Torturing MeWhere stories live. Discover now