Isang buwan ang matuling lumipas na puro pagliliwaliw ang ginawa nilang magkakaibigan. Roaming around the city, bar hoping, shopping, at napuntahan na din nila halos lahat ng mga tourist spots.
Minsan sumasama sa kanila sina Dion at Nike, kaya masyadong napalapit na ang loob niya sa binata.
Gayunpaman, dahil parati nilang kasama ang mga ito, palagi rin niyang naaalala si Johann. Kahit noon na hindi pa niya nakita ang dalawa ay walang araw na hindi niya naiisip si Johann. Pero nitong nakalipas na isang buwan ay mas lalong nag-uumigting ang pagnanais niyang makita na ito.
Nasa Café silang magkakaibigan kasama sina Dion at Nike. Katatapos palang nilang mag salon at mag shopping nang makasalubong nila ang dalawa sa mall.
"Iimbitahan sana namin kayo ni Nike. Sailing and snorkeling in Hilutungan," maya-maya ay sabi ni Dion.
"We will be sailing to Hilutungan, Nalusuan and Caohagan. Tapos mag-oovernight tayo sa Caohagan Island. Iyon ay kung papayag kayo," sabat naman ni Nike.
"That would be exciting!" saad ni Megan.
"Ano? Sama tayo?"
"Sure! Sulitin na natin ang bakasyon natin bago tayo bumalik ng Manila."
"Olivs, sama tayo?"
"Sure," nginitian niya si Macon sabay tango. Mas mabuting mag-enjoy muna sila ngayon dahil pagbalik nila ng Manila, haharapin na nila ang mga responsibilidad na nakaatang sa mga balikat nila ni Megan.
"Kailan tayo mag-snorkeling?"
"Five days from now so, may time pa kayo para mag-prepare."
"Okay. Etxt mo sa'kin ang mga kakailanganin naming dalhin."
"Sure. Mamaya etxt ko na lang."
Nag-usap pa sila ng kung ano-ano ang mga gagawin nila pagpunta sa isla. As usual, magkatabi na naman sila ni Nike ng upuan. Nagkamustahan lang sila. Wala namang masyadong nangyari kaya hindi na sila gaanong nag-usap pa ng binata.
"Anyways, I have a bad news for you," ani Dion na sa kanya nakatingin.
"What is it?" tiningnan muna siya ni Dion bago nagsalita.
"It's about Johann," bigla siyang kinabahan pagkarinig sa pangalan ng lalaki.
"What about him?" tanong ni Macon.
"We had a common friend. Nagkita kami kahapon sa bahay ng Tita ko. He mentioned about Johann getting married soon."
"He's engaged to be married. Sa long time girlfriend niya sa US," sabat ni Nike.
Para siyang na estatwa sa narinig. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman sa sandaling iyon. Sari-saring emosyon ang nananahan sa dibdib niya. May girlfriend na pala siya, long time girlfriend. Gaano kaya kahaba ang 'long time' na iyon?
"Sino daw ba yung mapapangasawa niya?"
"Hindi na nasabi ang pangalan. Basta ang sabi lang, sa girlfriend daw niya."
Halos hindi na niya narinig ang pag-uusap ng mga kaibigan niya. Tanging ang nalamang ikakasal na ang lalaking matagal na niyang pinapangarap ang gumugulo sa isip niya.
Hindi niya namalayang nasa kotse na pala sila at binabagtas ang daan pauwi sa bahay ng Lola Rosario niya. Doon na sila tumutuloy na magkakaibigan kasama si Macon. Hindi nagsasalita ang dalawa habang nasa biyahe at nagpapasalamat siya dahil nirerespeto ng mga ito ang katahimikan niya. Para siyang pinaglaruan ng tadhana. Di yata't katulad niya ay ikakasal na rin pala ang lalaking bumihag ng puso niya sa unang kita pa lang niya dito.
YOU ARE READING
Someone's Torturing Me
RomanceSOMEONE'S TORTURING ME Olivia despised married people who cheated on thier better half, especially women. But she had no idea na mangyayari din 'yon sa kanya. She doesn't see it coming.. the man from her past, Johann Estevez. Ang lalaking dapat sana...