Mahadera vs. Mahadero (2 is better than 1)

204 8 9
                                    

Kriiing…  Kriiing…

Naalimpungatan ako sa sunud-sunod na tunog na ‘yon. Inaantok pa ‘ko. Nakakatamad pang bumangon..Muli akong pumikit…

hmmm...sarap matulog…

Kriiing… kriiing…

Sino ba kasi aga-aga nambubulahaw !  istorbo ! ….. “hello……?” 

*katahimikan*

napabangon ako bigla kasabay ng pagkawala ng antok ko nang marinig ko ang magandang balita. “Talaga ? That’s good. So nandyan na sila ?”

*katahimikan ulit*

“Ok. Sunod na lang ako tol.” Nang maibaba ko ang wireless telephone ay tinungo ko ang banyo at naligo. Hinanap ko si Mommy pagkatapos. Nasa hardin pala ito. “I’m going Mom.” Sabay halik sa pisngi nya.

“Ba’t ang aga mo atang gumising ngayon hijo ? Kumain ka na ba ? San bang punta mong bata ka ?”

Ngumiti ako. “Kina Iro Mom. Sa wakas pumayag na ‘yung kakilala nyang babaeng tumutugtog dati sa bar na sumali na sa KUDOS. Alam nyo na, getting to know other…”

Tiningnan nya ko na parang may ibang gustong ipahiwatig. “Ayoko ng iniisip mo Eru ha. I know your reputation about women. Naku, baka – ”

I chuckled. “Relax Mom. Wala naman akong ibang iniisip eh. And besides, kasalanan ko ba kung maraming babaeng mahumaling sa kakisigan ko ?”

Ikinampas nito ang kamay sa ere. “Oo na. Ikaw na ang saksakan ng gwapo. Manang-mana ka sa daddy mo. Sige na, umalis ka na. May gagawin pa’ko. Kumain ka doon ha.” Pagtataboy nya sa’kin bagaman nakangiti.

Kinindatan ko sya bago sumakay sa convertible ko.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Malakas na tawanan at manaka-nakang pagkalabit sa gitara ang narinig ko nang tumapat ang kotse ko sa studio cum condo na pag-aari nina Iro. Bitbit ang malaking kahon ng pizza ay pumasok ako sa bukas na pinto. Naroon ang lahat. Si Radjan, si Iro at si Hoover na may hawak ng gitara.

But who catches my attention was the blonde hair woman next to Iro. Nakatagilid ito at parang may inaayos sa bag nito. They were all laughing and seem very close already.

Pamilyar ang boses nya

“Eru tol, buti may dala kang food. Tomguts na’ko.” Si Radjan.

“Ako din tol.”

Noon bumaling ng tingin sa’kin ang babaeng kausap ni Iro. Noong una, pareho kaming nakangiti ngunit bigla rin iyong naglaho ng magsalubong ang mga tingin namin. What the –

Sabi na nga ba ! Kaya pala pamilyar sya. Damn. Gising na gising naman ako pero parang babangungutin na’ko. God. Bakit ang lupit mo naman sa’kin. Ang dami namang iba bakit sya pa ang dinala mo dito ?

Inilapag ko ang kahon ng Shakeys sa lamesitang parang binuhusan ng pinturang iba’t-iba ang kulay. Minsan wala talagang magawa sa buhay si Iro.  Umupo ako sa katapat na inuupuan ng ‘bangungot’ ko.

Bumaling sa’kin si Iro. “Nga pala dude. Si Carafe. Carafe this is Eru, our bassist and vocalist.”

She suppressed a smile. A mocking one. “ We’ve finally met……again.”

Kung hindi nahalata ng mga kasamahan ko ang disgust sa boses nito ay hindi ako. Gusto mo ng gulo ha ? Huh !  Naiinis na inabot ko ang beer-in-can sa lamesita at uminom. “Yeah. Unfortunately .” Sabay patong ng isang braso ko sa sandalan ng sofa at nakipagtitigan sa singkit pero mapungay nitong mga mata. Syempre, hindi ito patatalo. Matira matibay  ika nga.

Mahadera vs. Mahadero (2 is better than 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon