Anak

4 0 0
                                    

Napangiti ako nang tignan ko ang isang doll shoes na kulay pink. Nandito ako ngayon sa Divisoria at namimili ako ng mga pangregalo sa pasko. Kahit December 10 palang ay bumili na ako kasi baka umuwi ako sa Dumaguete, ang lugar kung saan ako lumaki.

Taga-Visayas lang kami ng aming angkan at hindi din kami mayaman. Hindi din kami mahirap. Yung tipong nakakakain ng tatlong beses sa isang araw at may stock sa bahay ng mga groceries na sakto sa isang linggo.

Pinalaki kaming may takot sa Diyos at disiplinado. Palagi akong honor sa school at palaging pinupuri ng ibang tao dahil matalino daw ako at siguradong proud ang parents ko. Pero hindi, eh. Si Mama lang ang proud.

Naalala ko tuloy kung gaano kahirap ang sitwasyon namin noong bata pa ako. Ang nanay ko ay nanininda lang sa palengke ng mga gulay habang si papa naman ay nagtitinda ng mga materyales ng sasakyan. Hindi naman masasabing hardware pero pwede na ring tawaging vulcanizing shop.

"Patricia, magbihis ka. Pupunta tayo sa bayan! Bibilhin natin yung gusto mong damit." nakangiting sambit ni Mama habang hinuhugasan ang mga pinggang pinagkainan namin ng agahan.

Isang beses sa isang linggo lang kami nakakagala ni Mama at Papa. Minsan nga hindi kasama si Papa dahil nakikipag-inuman siya sa mga kumpare niya. Madalas kinukuha niya ang pera ni Mama kaya sahalip na bumili kami, nagtatanim nalang kami ng mga gulay upang marami ang mabenta namin sa susunod na araw.

Buti nalang at tinago ni Mama ang kita niya sa binenta naming gulay kahapon. Singkwenta lamang ang presyo ng damit na gusto kong bilhin ngunit budget ng pagkain namin ay dalawang daan lang at tatlong daan ang kita namin sa araw-araw. Kapag may pakyaw, saka lamang kami nakakaulam ng manok o karne. Pero sa ibang mga araw na walang masyadong kita, toyo at sardinas o di kaya'y chapseoy ang ulam namin. Iniipon ni mama ang sobrang isang daan upang ipagbayad ito sa tubig at kuryente. Pasalamat kami at may bahay kaming tinitirhan.

"Opo, Mama! Susuotin ko po iyong bagong headband na bigay mo po!" dali-dali akong umakyat sa hagdan namin. Pumunta ako sa banyo at naligo. Pagkatapos kong maligo, nagbihis ako ng aking kaisa-isang bestida. Ito lang ang isang damit ko na sinusuot kapag may lakad kami ni Mama. Ito lang kasi ang pinakamagarbo at magandang damit ko.

Pagbaba ko ay nagtaka ako dahil nagkalat ang pagkain namin. Nasa lapag na ang kaldero at natapon na ang kanin. Ang mesa din ay madumi ngunit kanina lang ay pinunasqn namin iyan ni Mama.

Napatili ako nang may marinig akong nabasag na bagay. Napalingon ako sa kusina at napadungaw ako doon. Inihip ng hangin ang kurtinang manipis na naging dibisyon sa kusina at sala.

"Renato! Lasing ka na naman! Ilang ulit mo ng sinabi na hindi ka na iinom dahil diyan sa sakit mo! Diba may maintenance ka na? Kung di ka gagaling saan kami pupulutin ng anak natin?! Nahihibang ka na ba?! Pati yang pagiging sugarol mo ay nakaapekto na sa budget natin! Pati titulo ng bahay sinugal mo na! Saan ba tayo titira, ha?! Paano na ang magandang buhay na pilit kong binibigay sa anak natin?!" hagulhol ni Mama at napaupo na lang siya sa munting silya namin.

Napatingin ako kay papa na ngumisi lang at uminom ulit ng alak. Nagdala pa talaga si papa ng alak pauwi. Nangutang na naman kaya siya kay Aling Sita? Si Mama na naman ang magbabayad. Siguro, saka nalang kami bibili ng damit ko. Mas importante ang kakainin namin.

Nabigla ako nang sinampal ni Papa si Mama. Tuluyan ng natumba ang silya at napahiga nalang si Mama sa sahig. Napatakip ako sa aking bibig upang hindi makagawa ng ingay. Ito ang lagi kong ginagawa kapag may away sila. Noong huli akong nakialam ay ako ang nasuntok ni Papa at nilagnat ako ng isang linggo. Hindi ako nakapagsalita dahil matinding pamamaga ang natamo ng pisngi ko.
Gusto ko mang tulungan si mama, ayaw niya. Magagalit daw siya kapag masasaktan ako at lalayas daw kami. Ayaw kong iwan si Papa, ngunit ayaw ko ding masaktan si Mama ng paulit-ulit.

"Ang ingay mo talaga Elisa! Di pa sabi ko pera ko to? Bakit ka ba nakikialam?! Pinapakialaman ko ba kayo ng anak mo? Di diba? Kaya wag mo akong dakdakan ng bunganga mo diyan!" sambit ni Papa sabay basag sa bote ng alak. Itutusok niya sana ang bote kay Mama ngunit sumigaw na ako ng Happy Birthday.

Isang kaarawan para sa akin. Isang kaarawang puno ng takot at lungkot. Ngayon alam ko na kung bakit umiinom si Papa ngayon. Ito ang araw na ako ay ipinanganak, sabay ng pagkamatay ng lalaking anak ng kaniyang kabit. Ang anak nila ni Sonya, ang pinsan ni Mama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 08, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Anguish of my YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon