Patricia Lacson Jimenez

6 0 0
                                    

Everyone have smiles on their faces. Parang hindi makapaniwala ang iba sa mangyayaring kasal. Napatingin ako sa batang umiiyak na karga ni Christine, ang bridesmaid.

Naalala ko tuloy iyong bata pa ako. Naging parte din ako ng kasal. Flower girl nga lang. Iyong mga bulaklak na di ko mawari kung saan ko itatapon. Sa harap? Sa gilid? O mamaya pa?

"Patricia, tingin dito baby!" sambit ni Tita Katherine. Pinakita ko ang ngipin ko sabay peace sign sa camera.

"Ang cute mo naman baby, nasaan ang mommy mo?" tanong ng kasama ni Tita Katherine na.... lalaki pero naka dress. Diba sabi ni Mama na babae lang pwede mag bestida? Bakit pati si manong?

"Tita Katherine, bakit po siya naka dress? Ang pretty po ng dress niya pero siya hindi pretty." Tanong ko kay Tita. Biglang sumimangot si manong na naka dress at tumawa naman si Tita. Wala naman pong nakakatawa.

"Baby, bata ka pa para malaman ang mga ganitong mga bagay." Hinaplos ni Tita Katherine buhok kong hanggang sa balikat ang haba.

"Sorry po Tita, sorry po manong." Ngumiti ako sabay peace sign. Biglang dumating si Mama na may dalang camera.

"Uy Tita! Ang ganda ganda naman ng baby mo. Saan po yong panganay niyo?" Sambit ni manong na naka dress. Hinawakan niya ang braso ni mama ngunit dumaing si mama. Biglang akong napaluha. May pasa si mama diyan. Masakit pag hinawakan.

Napabitiw si manong at nagsorry kay mama. Lumapit si Tita Katherine kay mama at tinanong kung anong nangyari.

"Ah wala. Nabundol lang sa dingding namin." Nag-iwas tingin si Mama at binaba ang sleeves niya. Hindi naman yon totoo eh! Sabi ni mama, bawal daw mag-lie kasi magagalit si Papa Jesus. Sasabihin ko ang totoo.

"Sinuntok po siya ni papa kagabi. Di ba bad po 'yon? Bawal po tayong manakit ng kapwa sabi ni mama. Nagplaplay sila kahapon sabi ni papa tapos po sinampal ni papa si mama." Sabi ko habang nakangiti. Lord, proud po ba kayo na nag sabi ako ng totoo?

Biglang natahimik si Tita Katherine, manong na naka dress, at si mama. Napakunot ang noo ko nang tignan ang pinsan kong si Christine.

"Christine! Akala ko pangit ang dress mo? Sabi kasi ni Danica na pangit daw. Ang ganda naman ah!" sambit ko sakanya habang tinitignan ang dress niya. Ang cute naman ng shoes. Wow!

"SINABI YAN NI DANICA?!" Sigaw ng 10-year old na si Christine. Napasimangot ako. Bingi na ba si Christine? Sabi ko Danica, eh. Ang sakit naman non. Seven pa lang ako pero sinisigawan niya na ako. Napangiti ako. Ganyan din si papa. Sinisigawan niya ako ng 'punyeta'. Ano ba yan? Nakakain ba?

Biglang dumating si Danica at nakipag-usap kaagad si Christine sa kaniya. Bumalik ako kila mama at Tita Katherine. Wala na si manong na naka dress.

Bigla ko nalang natagpuan ang sarili kong nakadapa sa damuhan Ng simbahan. Nasagi sa bato ang tuhod ko! Huhu.

"Patricia! Di ba Sabi ko sayo na wag mong sabihin kay Tin-tin na pangit yong dress niya! BAKIT MO SINABI?! Bakit!" Bigla niya akong kinurot at tumatak ang kuko niya sa balat ko.

"Kaya ka palaging walang kalaro eh! Masyado kang madaldal! Hindi ka mapagkakatiwalaan!" sigaw ni Nica sa akin.

Tumayo ako hawak ang bag kong Hermes. Kinuha ko na ang gift ko para sa ikakasal. Hindi ako nagkaroon ng eye contact sa ibang tao. Siguro, hindi nila ako kilala. Malaki na ang pinagbago. Pero binabalikan pa rin ako ng hapdi sa sugat na akala koy matagal ng naghilom.

The Anguish of my YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon