CHAPTER 02

1 0 0
                                    

Ilang araw narin ang nakalipas ng dumalaw ang best friend kong abnoy.

Siguro nag tataka kayo kong bakit ganun ang pangalan nun no? Tanong niyo sa Mama niya, charot.

Ang sabi niya ay subra daw green minded ang Mama niya kaya ayun pati pangalan niya na damay at bagay naman sa pangalan niya dahil kabastusan ang nasa isip.

Ito ako ngayon na e-emote, de joke lang. Bored kasi err. Wala si abnoy sabi niya mag bakasyon muna daw sila ng pamilya niya kaya walang mapang-asar ngayon at tahimik buhay ko.

Pero akalain mo nga naman na ma-miss ko yon hayts!! Bakasyon pa kasi!! Wala tuloy akong imik.

Nung dumalaw naman siya dito nauwi sa asaran, tawa at kabastusan. Mawawala pa ba naman yun eh kaya nga kami na bangsagan ng Green Minded pero ayos lang naman kasi totoo naman hahahahaha.

Pero siya talaga yung mas bastos, de joke lang. Ako ang mas bastos sa aming dalawa. Noon hindi kami nag-iimikan dahil nahihiya pa kaming dalawa sa isa't isa pero dumating ang isang linggo naging mag-kaibigan kami tapos ng mag High School kami (1 year na kaming magkaibigan ng mag High School kami.) Dun kami na bansagan ng Green Minded dahil mas grabe pa kami sa mga lalaking classmate namin sa kabastusan.

At dahil sa kabastusan namin mag-isip ay mas naging close kami. Alam niya mga sekreto ko at alam ko rin ang kanya. Karamay sa problema...... pinapatawa pag-malungkot kaya naging mas matibay ang pag-kakaibigan namin.

Hanggang sa di namin namalayang two years na kaming mag-kaibigan ay walang nag-bago sa samahan namin. Mas lalo kaming naging Green Minded.

"Err.....bat di nag Online ang abnoy nayon? Nakakainis!!!." Sigaw ko dahil subra na talaga akong bored.

"Huy!! Anong sinisigaw mo diyan shamrey?" Tanong sa aking ni Aling Marta ang may-ari ng tindahan na tinatambayan namin ni Green.

"Si Green po kasi di Online bagot nako kasi!!" Nakanguso kong kwento kay Aling Marta. Natawa naman siya kaya mas lalo akong nainis.

"Kaw talagang bata ka! Baka naman busy ano.." sabi niya kaya na paisip naman ako......Oo nga noh?

"Tama ka Aling Marta baka busy." Nakangiti kong sabi kaya ngumiti naman siya at bumalik sa kanyang ginagawa.

You Didn't Trust MeWhere stories live. Discover now