Ako si Zhin 13 years old valedictorian sa school namin. May bestfriend ako si Faith nakilala ko siya sa tennis court.
Kasi malapit lang ang bahay nila sa court.
Araw araw siya nandoon para makapaghanapbuhay si faith ay 8 years old nang makilala ko siya at 3 years old naman ako nung nakilala ko siya.
Ngayong matanda na kami tinuruan niya akong mag laro ng dota.
Sa Internet cafe ako dumederecho paguwi ko galing ng school na addict na ata ako. Laking gulat ng parents ko na madalas na lang ako pumapasok ng class.
Dahil sa DOTA na nilalaro ko. Dati nga 1st honor ako pero ngayon 3rd honor na lang. Grabe nga ang galit sa akin ng parents ko kasi sa lahat lahat na pwedeng laruin.
Ang DOTA pa ang kinaaadicctan ko.
November 26 nagplano kami ni faith na maginternet cafe hopping. Sa bawat internet cafe na pinupuntahan namin ay may humahamon sa amin ni faith at parating natatalo ang kalaban namin.
Napapalibre na nga kami ng time sa pustahan dahil kami ang nananalo.
1:28 am patungo na kami sa isang internet cafe na pupuntahan namin napakalapit lang sa bahay nila faith.
Naglog-in kami sa counter ng isang oras.
Habang nagfefacebook ako nakikinig ako ng music.
May narinig akong sumigaw ng "Sinung gustong makipaglaro sa akin ng dota?".
Tumayo ako at sinabing "sige ba!ang matalo siya ang babayad ng time"
Di ko nakita ang mukha niya kasi nakaupo siya at nakatalikod.
Akala niya lalaki ako na boses babae.
Habang naglalaro kami.
Ang daming nakatutok sa bawat galaw ng character namin.
Kami na nga lang ang naglalaro sa 2 unit na nirent namin.
Ang lahat ng units ay nakaoff kasi lahat ng tao doon ay nakatingin sa aming laro.
Biglang bumukas ang pinto at lumabas si faith para kumuha ng pera sa bahay nila.
Pinapawisan ako kasi napaka intense ng laro namin at ako lamang ang babae doon.
Pagnatalo ko ng kalaban ko sigurado ako na mapapahiya tong kalaban ko kasi natalo siya ng babae.
Natapos ang laro at natalo ang kalaban ko.
Di ko siya kilala nilapitan ko ang kalaban ko at sinabi ko na " salamat nga pala sa magandang laro na nilaro natin".
Sabi niya namang "Good Game" napalaki ang kanyang mga mata ng makita ako. "Babae ka?!bkit? Di ko matanggap to! Anu ba ang pangalan mo?"
Nagmamadali ako at sabi kong "zhin" ang pangalan ko napatingin ako sa relo ko at 5am na pala wala pa si faith may class pa ako.
Hinintay ko si faith pero hindi na siya dumating kaya nag pasya akong umuwi magisa.
Pagkabukas bumalik ako doon Sa internet cafe.
Nakita ko siya ulit at tinanong ko kung anung pangalan niya?.
Sabi niya "Ako pala si Lawrence".
Hiningi niya number ko at facebook name.
Binigay ko naman kasi may hintura siya at gwapo mukhang mabait at innocente.
Inadd niya ako as friend sa facebook at inaccept ko naman.
Nagchat siya sa akin at sinabing "hi".
