1

19 3 0
                                    

Muling Ibalik

"Cassiel, how dare you? It's your sister's wedding and you're late again!"

Shit. It was mom. I'm sure they're already there.

"I know, I know My so hang up now para makapag-ayos na ako!"

Dali-dali na akong bumangon at nag-ayos. A beautiful green dress was prepared para sa mga abay na gaya ko. Konting powder at tint lang.

Ilang sandali lang ay narating ko na ang chapel kung saan igaganap ang kasal ng aking magandang kapatid.

"Salamat, Mang Dante." Saad ko nang maisara ang pintuan ng kotse.

Lakad-takbo ang ginawa ko hanggang sa makarating sa harap ng nakasarang pintuan. Naroon din ang ibang abay na gaya ko, lumapit kaagad sakin si Novel, my gay bestfriend. Sinabi ko talaga kina ate na sa kanya ako i-partner.

"Sis, tayo na mamaya. Look at yourself. Late na naman ang beauty mo, dear. Hindi na kita nasundo, sorry. I thought kina tita ka na sasabay." Inayos nito ang buhok ko at inilagay na ang braso ko sa braso niya.

Hindi rin nagtagal ay kami na ang naglakad. Todo kaway naman ang kasama ko habang ako'y tipid na ngumingiti lang. But then, I was shocked when I saw the guy beside ny future  brother-in-law.

Damn. It was Vynce, my ex-boyfriend.

Natapos ang kasal at kasalukuyan nang nasa reception ang lahat ng bisita including both families of the newly-wed couple.

I do not like to be one of the spotlights, lalo pa't kapatid ko ang bride. Kaya pinili naming maupo ni Novel sa likurang parte ng reception area.

"So, you're his mysterious girlfriend?" Taas-kilay na tanong sa akin ni Novel.

"Who?" Maang na sagot ko.

"I know you know kung sinong tinutukoy ko, Cassiel. We've been friends since God knows when. Alam ko ang likaw ng bituka mo, haliparot ka." Tinuro-turo pa ako nito saka humalakhak. "Nag-America lang ako ng ilang taon, wala na akong alam sayo. Magtatampo ako nyan."

"Let's leave it in the past, Novel. Matagal na kaming tapos. Besides, I do not want to talk about  anything that concerns him. Iba na lang." Huminga ako nang malalim at muling tinignan ang bagong kasal na kasalukuyan nang hinihilingan ng mga bisita ng halik.

Nang mapansin kong lumingon sa pwesto ko si Daddy, ay ngumiti ito sa'kin at inanyayahang magtungo sa mesa nila. "Novel, Dad's looking for me. I'll leave you here."

"No problem, amore."

Bumeso ako kina Dad at Mommy nang magtungo na ako sa mesa nila. Ngumiti naman ako sa ibang naroon bago umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Mommy.

"How about you, hija? Wala ka bang balak magpakasal din?" Tanong ni Tito Hendrick at  hindi ko alam saang lupalop ng mundo kukuha ng isasagot.

"My daughter is single, kumpadre. Hindi ko naman pinagbabawalan ang prinsesa kong ito na magpaligaw because she's not a kid anymore...and I'm sure she's so beautiful to catch a man's eyes but I trust her. We will just wait. Besides, Cassandra is already married. I'm sure sunod niyan apo na." Natatawang saad ng daddy ko.

"Calling the attention of all single ladies. Now it's time to see who's next to have her happily ever after." Nakuha ng emcee ang atensyon ng lahat dahil sa sinabi nito.

"Anak, why don't you join? You're single, right?" Natatawang saad ni mommy at talagang pinush pa ako para tumayo at sumali. "Go, darling. Find yourself a man." At talagang binugaw pa ako ng parents ko. I do not have a choice, shit. Nangingiti rin ang ibang bisitang naroon sa mesa dahil sa tinuran ng mga magulang ko.

"You know naman, ladies, the rule of this tradition. But instead, the last lady who won't catch a flower will receive the bouquet of the bride. And be the winner!" Paalala ng emcee.

Nagsimula ng kumuha ang bride ng bulaklak sa basket na hawak ng groom at nagsimula kaming sumalo...or sila lang. Huli na nang makita kong ako na lang ang walang hawak na bulaklak.

"And we have a beatiful empty-handed lady here. Please, come." Humakbang ako papunta sa mini stage na naka-prepare. "What is your name, miss?"

"Cassiel."

"Cassiel, excuse but how are you related to the couple?" Intriga nito.

"I'm the bride's sister."

"Oh, sister of the bride. Congrats to the parents of this ladies. Napakyaw na ata ang mga prinsesa niyo, Mr. and Mrs. Enriquez. Kidding." Natawa naman ang mga magulang ko sa tinuran ng emcee. "Let's proceed to looking for your Adam, Miss?"

Umupo ako sa nakahandang upuan at blankong pinagmasdan ang lahat ng bisita.

Seriously? There're lots of women a while ago, at sa kamalas-malasan ako pa ang hindi nakasambot ng bulaklak? What is wrong with those freaky flowers?

"Lalim ng iniisip mo. Baka malunod ako,"

I ignored the guy when I see who that was. Hayop.

"A very handsome man for our beautiful lady here. A good couple, don't you think, Mr. Enriquez?" Natutuwang tumango-tango si Daddy sa sinabi nito habang ako ay gusto ng umalis sa kinauupuan. I can't handle this anymore, parang pinaglalaruan ako ng tadhana.

"What's your name, handsome?" Baling nito sa animal.

"I'm Vynce, groom's dude."

"Single?"

"Yes."

"Miss Cassiel, how about you?" Baling nito sa'kin.

"Ah, yeah."

"Actually, we broke up a year ago." Lahat ng atensyon ay natuon sa animal namely Vynce dahil sa sinabi nito. What the frigg, Vynce?

"Oh, why? Third party?" Great. Curious na lahat.

"Careers. I won't cheat to her." Walang alinlangan nitong saad.

"Wala na bang hope, dear? You know, muling ibalik~" Kanta pa nito. Argh. Samantalang ngumiti lang ang kausap. "Anyways, let's proceed everyone?" Faster, please.

Dahan-dahang lumuhod si Vynce sa harap ko hawak ang garter, dahan-dahan ding nililis nito ang laylayan ng bistida ko habang titig na titig sa mga mata ko.

Pinipilit kong iiwas ang mga mata ko. But then again, marupok lang ako. Lusaw na naman sa mga titig ng isang Vynce Desiderio.

"How are you?" Binalewala nito ang mga sigaw ng mga tao, saying higher. Dude, how?

"Makinis at maputi pa rin." I'm fine. "You?"

"Malaki at mahaba pa rin." Napangisi ito nang makitang nanlalaki ang mga mata ko. "Ang pasensya ko."

"Asshole."

"I miss you, too, love."

whimsWhere stories live. Discover now